11

577 24 3
                                    

"You call it madness, but I call it love."

- unknown

・゚:✧・゚:

Chapter 11

Natapos ang unang midterms hanggang mag finals na hindi kami nag-uusap. We're suddenly back to our old routine of not talking and being cold, except now, I'm already distancing myself from him. I try my hardest to avoid him. Kahit ayaw na ayaw ko at kahit gustong-gusto ko ulit siya makausap kahit panandalian lamang, but I already decided to just stop.

Hindi ko mapipilit ang isang taong ayaw sa'kin. If there's one thing I'll ever learn from my parents...it's to know when to stop. Alam kong sapat na ang apat at mahigit na taon para tumigil.

Habang nag-aaral para sa nalalapit na finals at paghahanda sa pagtatapos ng taon, hindi ko mapigilang maisip ang nangyari nang gabing iyon at sa mga sumunod. Ang huli naming pag-uusap ay isa sa mga hindi ko makakalimutan nung nagkasakit ako, at iniwasan ko na siya pagkatapos.

I tried so hard not to cry but tears just kept falling after I locked myself in my room that night. Baka nga ay narinig na nila 'yon sa kabila pero hindi naman nila ako inabala. He probably heard me crying or something.

Ala una na ng umaga at hindi pa ako nakakalahati sa mga kinakailangan kong gawin. I have to get these assignments done to distract myself from Axel.

Pinunasan ko ang natutuyong mga luha sa mukha ko at umupo sa desk ko. Kahit gaano pa kasakit ang puso ko hindi ito magiging rason para hindi ko gawin ang mga prayoridad ko. It's never an excuse.

Hindi dapat ako madistract sa mga ganiyang bagay. I have to do my works no matter what or else my grades will be affected and I'll be out of my scholarship.

Ginugol ko ang oras ko sa paggawa ng presentation para sa report ko na bukas na pala at hindi ko namalayan dahil sa practice ko sa kompetisyon. My eyes are all puffy and red that it hurt every time I blinked. Kinailangan ko rin labanan ang antok dahil konti nalang ay babagsak na ako sa pagod.

Dapat ay may schedule ang pag-iyak ko para bukas nalang ako umiyak, edi sana natapos ko nang mas maaga ang mga kailangan gawin!

Sa kalagitnaan ng pag-aral ko sa report ko bandang alas dos ng umaga ay nakaramdam ako ng pagka-uhaw pero hindi ako makalabas at baka maabutan ko ulit sila doon kahit alam ko naman na imposible iyon. I just want to avoid him as much as possible and save my face from the embarrassment.

Hindi nalang ako uminom at pinagpatuloy ang pag-aaral. I still had two assignments to do after this one. Sa school nalang siguro ako matutulog at tatapusin ko na lahat ito sa bahay.

Around 2:30 in the morning my phone suddenly vibrated which almost made me scream. I was already so immersed with my work! Humikab ako at nagmadaling binuksan ito.

Kuya:

tulog ka na?

Ako:

oo na

Kuya:

gege

Padabog kong tinapon ang cellphone ko sa kama, sinisiguradong hindi iyon tatama sa pader at baka mabasag ito, wala akong pambili ng bago! Nakakainis, nawala na 'yung momentum ko tuloy sa pag-aaral!

I blinked a couple of times to fight the drowsiness.

Hindi ko pinansin ang tunog muli sa cellphone ko. Tatapusin ko na ito at isa nalang ang natitira kong assignment at makakatulog na ako. Sunod sunod itong tumunog na hindi ko pinapansin.

Chasing Axel Blaze (Mi Amore #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum