04

767 29 0
                                    

"You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams."

- Dr. Seuss

・゚:✧・゚:

Chapter 4

Literal na nalaglag ang panga ko roon at pinigilan ang tawang gustong kumawala sa akin.

Napabuntonghininga ako. Sabi ko kanina sa isip ko ay uncrush na siya sa akin, bakit nagpaparamdam na naman ang isang 'to?

"I am not killing myself. I'm practicing." I said in a low voice, meeting his stares with the same amount of ferocity. Inalis ko ang hawak sa akin ni Lucas at tumayo na at nagsimulang ligpitin ang mga gamit ko ro'n. Nakanguso si Lucas habang dinadampot ang gamit niya.

"Palit lang ako." Paalam nito sa akin at itinaas ang bag niya. Nang maglakad siya papunta sa pinto ay tumigil ito nang nakaharap niya si Axel.

"Mas hindi kayo bagay, duwag." Rinig kong saad nito bago tinapik si Axel sa balikat at nilampasan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis kay Lucas, basta babatukan ko talaga siya mamaya! Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Axel habang matalim na sinusundan ng tingin si Lucas.

I took my hair tie off and let my long hair fall loose on my back before brushing it using my hands to make myself a little more presentable. I glanced at him again and saw him staring at me, his stares dark.

I got conscious at kinuha ang bag ko para mag-ayos, pero hindi siya umalis. Kinakabahan ako kahit wala pa man siyang ginagawa, he's just leaning on the wall with arms crossed while staring at me! I'm afraid he might find me...ugly or something.

I applied some powder when I wasn't that sweaty anymore and took a secret glance at him. He was staring at his wristwatch. I had to stop the urge to ask what time it is because I lost track of the time. I applied a bit of my lip tint to look more put together before fixing my things.

"It's already 7:30," tipid na saad nito.

Mabilis akong napalingon sa kan'ya. If it's already past seven, then why is he still here?

Tumango nalang ako, rinig na rinig parin ang malakas na tibok ng puso ko habang nakatitig lang siya sa'kin, not even taking it off for even a split second. His eyes weren't intentionally cold, I think his natural expression's just straight like that. Para bang hindi marunong ngumiti.

"Uwi na 'ko mamaya," I informed. Alam naman ng pamilya ko na palagi akong late umuwi dahil sa pagpunta ko sa studio. I just lost track of time, hindi ko alam na ilang oras na pala ako dito.

"The guards will do their rounds soon, pauuwiin ka lang naman nila," dagdag pa nito na ikinatawa ko. Hanggang ngayon ay may iba pa rin siyang tono kapag nagta-Tagalog.

"Seph, tara na!" Biglang sulpot ni Lucas at nilampasan lang si Axel sa pinto, dire-diretso papunta sa akin. He changed back to his uniform.

Hindi naman ako nakasagot sa kaniya at pabalik-balik ang tingin ko sa kanila ni Axel. This is just really awkward!

"Hihintayin ko na siya." Mabilis na saad ni Axel habang nakasandal pa rin sa pinto.

Shit. Did I hear that right?!

"Seph, tara na." Pag-uulit ni Lucas sa mas madiing tono ngayon. Akmang aakbayan niya pa sana ako nang pigilan ko siya.

"Una ka na," ngiti ko kay Lucas. Nawala ang ngiti sa labi niya at binaba ang kamay.

"Ihahatid na kita..." aniya sa mababang tono.

"I'll do it," Axel jumped in. "May motor ako."

Lihim akong napangiti roon. Siguro ay binilhan siya ng Papa niya at ngayon isasakay niya ako!

Chasing Axel Blaze (Mi Amore #2)Where stories live. Discover now