Chapter 31: siblings fight

2.5K 99 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

Naghahanda na ang lahat sa magiging laban ni Tiana at nang Bloody Siblings, Alam ni tiana sa sarili nya na kailangan nyang ibunton ang galit nya sa mga ferre sa ibang bagay at ito lang ang naiisip nyang paraan para mawala ito, She needs to punch a face, She needs to see blood, She needs to Win this fight, yan lang ang iniisip nya hindi nya iniisip ang realidad na stepbrother nya ang magiging kalaban nya.

Si tiana ay sa Room nang black spider naghahanda, Gumamit din sya nang ilan sa mga gamit nang black spider na bumabagay naman sa kanya, Ngayon ay nasa harap sya nang salamin at tinitignan ang kanyang sarili, No emotion, she smirks habang nakatingin sa sarili. Napangisi nalang sya habang nakatingin sa salamin.

'This is not me'

Wika nito sa kanyang isip, Ngunit hindi nya lang iyon pinansin saka sya kumuha nang dalawang dagger at nilagay ito sa isa nyang sandals at ang isa naman ay nasa kanyang buhok.

At muling tumingin sa salamin, Ngumiti sya dito, Naglagay sya nang Dark Red lipstick sa labi nya at ngayun ay mas bumagay ito sa kanya, Nakalugay ang buhok nito, At nakasuot nang Black jacket at Maroon jeans, at sandals na may takong hindi din ito masyadong mataas.

"For now, I am not Tiana, I am Angel of Death"

Sabi nito sa sarili saka nag-umpisang maglakad papalabas, Paglabas nya ay agad nahawi ang daan biglang tumahimik ang buong Underground at tanging tunog lang nang takong ang maririnig at nag-eecho din ito sa bawat sulok nang UG nasa kanya ang lahat nang atensyon nang nga gangsters, Lalo na at may nakasulat sa likod nang jacket nito na 'BLACK SPIDER' hindi nila aakalain na gagmitin nito ang mga gamit nang black spider pero wala ring naglakas loob na magsalita at dahil na rin sa sobrang katahimikan na namayani sa loob nang UG.

Habang naglalakad si tiana ay hindi ito mawari nina Tyler at Tyron, Hindi nila ito mabasa dahil na rin sa wala itong emosyon at diretsong nakatingin sa kanila.

Pagkatapak nang kanyang mga paa sa battle ground ay doon na nagsimulang mag-ingay ang mga gangsters, naglakad sya papunta sa gitna saka ito humarap sa BS.

"Let's get started" malamig na sambit nito at sa isang iglap ay nawala ito sa harap nila. Muling tumahimik ang battle ground at pinakiramdaman ang paligid, Wala silang maramdamang kakaibang aura sa paligid.

Ilang minuto silang tahimik hanggang sa naagaw ang atensyon nila nang bigla silang makarinig nang ingay sa gitna nang battle ground, At ayun nakita nila ang magkakapatid na naglalaban laban sa isa't isa, Wala silang emosyong nakatingin sa isa't isa , Sa mga oras na ito, Hindi nila kinikilalang kapatid ang isa't isa, At kung kailngang saktan ay sasaktan talaga.

Umikot sa likod si Tiana, habang si Tyron at Tyler naman ay magkatalikod at pinakikiramdaman ang paligid, Hindi pa nila alam kung anong kayang gawin nang kanilang kapatid kaya mas lalo lang silang nag-iingat lalo pa ngayon na mukhang wala itong sinasanto.

"Tiana stop this nonsense!" Sabi ni Tyler.

"Then, let's end this now" sabi ni tiana saka siya unang sumugod, Sinalag ni Tyler ang suntok na paparating sa kanya, Sinipa naman ni Tyron sa tagiliran si Tiana kaya napaatras ito at napangisi.

"Nice one" sambit pa nito saka, Umikot sa ere at sinipa si Tyron sa mukha, Sa sobrang gulat ay hindi nya ito nasalag kaya sya naman ngayon ang napaatras.

"Is that all you can do sissy?" nakangising tanong nito sa kapatid.

Tinignan namn siya ni Tiana nang matalim.

"Maswerte ka at hindi kamao ko ang tumama sa mukha mo...Kuya" sabi nito saka akmang susuntok na kay tyler pero napigilan agad ito ni tyler at sinikmuraan ito, Napaatras si tiana pero agad ding sumugod naramdamn nyang may aatake sa likod nito kaya yumuko sya at sinipa sa binti si Tyron dahilan para matumba ito.

Hinarap nya si Tyler, Sumugod si tyler sa kanya, Sinagga nya ang unang suntok nito saka ito tinuhod sa sikmura, napamura nalang si Tyler dahil sa naramdamang sakit, Habang si Tyron ay dahan dahang tumayo at patakbong sumugod kay Tiana, Hindi ito alintana ni tiana dahil na kay Tyler ang atensyon nito.

Nangmakalapit sya ay sinipa nya ito sa likod kaya napadapa ito, saka nya uto tinutukan nang dagger sa leeg.

"That's enough, we won." sabi ni tyron, umiling si Tiana saka ngumisi, Nagtataka si Tyron sa mga kilos ni tiana pero hindi nya nalang ito pinansin pa at mas diniin ang punyal sa leeg nito may pulang likido na rin ang tumulo mula rito, Nais man iyong punasan ni Tyron ay hindi din pwede.

"Who said I was going to lose?" nakangising sambit nito saka nya tinaas ang kanang kamay at kinuha ang dagger mula sa buhok nya at saka ito ibinato sa kinaroroonan ni Tyler, Hindi nya ito naramdaman dahil sa sakit sa tyan nya galing sa ginawa ni tiana, Dumaplis ang punyal sa braso nito na syang naging dahilan para umagos ang dugo roon.

Nanlaki ang mata ni tyron saka tinignan si Tiana nang hindi makapaniwalang tingin peri nginisihan lang sya nito, At saka buong lakas na tinulak ngayun namn ay kinuha ni tiana ang dagger na tinago nya sa heels nya at tinutuk ito sa leeg ni tyron.

"Fuck!" dinig nyang mura ni Tyron, kaya mas lalo lang syang napangisi.

Tinignan sya ni tyron saka ito nagsalita.

"Fine, You win" sambit nito kaya agad syang tumayo nang maayos, Sinulyapan nya pa saglit si Tyler na tinitiis ang hapdi nang sugat saka sya naglakad papaalis.

_________________
Bianxx_SC





MY GANGSTER STEPBROTHERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now