Chapter 23:Bonding 0.2

2.9K 119 6
                                    

TATIANA'S POV

Nasa kitchen kami, nagluluto sina Lance, Dark at Aiden, Hinahanda naman ni Sev ang mga pinggan sa table, At si Ren naman naghuhugas si Tyler at Tyron ay tinutulungan si Sev, at ako naman heto, Nakatayo at nakahalukipkip na nakahilig sa pintuan nang kusina pinapanood sila.

Pansin ko ding ang gagwapo nila, lalo na sina Aiden at lance na naka apron pa, Para silang chief.

"Tiana, Wala ka bang gagawin" Tanong ni Sev, Tignan mo to kung maka tiana parang magka edad lang kami ah. Naglakad ako papunta sa likod ni Ren at tumulong na.

"Tss...may ginagawa ako" sabi ko habang nakatingin parin sa kanila.

"Ano?" Saad ni Ren, Ni hindi man lang ako tinignan

"Eh nakatingin ka lang samin eh" Sabat naman ni Aiden. Try nya kaya akong lingunin kong makapagsalita parang sure na sure eh.

"I don't think so...look!" Napatingin ako kay Dark nang bigla syang magsalita, Tinuro nya ang ginagawa ko, May hawak kase akong pamunas, Pinupunasan ko ang mga hindi pa tuyong pinggan na hinugasan ni Ren. Napatingin din saakin si Aiden at Ren.Oh ano ngayun?

"Gamitin nyo kase mga mata nyo, Parang walang mata eh!" Nang-iinis na sabi ko saka pinunasan na ang ibang pinggan.

Nang matapos ay hinanda na nila ang mga pagkain, umupo na din ako pinagitnaan ako nina Tyron at Tyler.

Nagsimula na kaming kumain, ni wala ngang umimik, Nabibingi ako sa katahimikan hindi ako sanay.

"Bakit ang tahimik nyong pito?" Tanong ko.

"Does it always have to be noisy?" Pabalang na sagot ni Dark, Inirapan ko sya saka nagpatuloy sa pagkain, Kailangan ko pang pumuntang Mall, Bibili pa ako nang mga snacks na ilalagay ko sa mini ref ko wala na akong stocks. Nilingon ko si Tyler saka ako nagpaalam.

"Kuya, kailngan kong mag mall ngayun bibili lang akong stock na snacks" paalam ko, napatigil sya saka tinignan si Tyron na para bang nag-uusap sila gamit ang tingin.

"We will accompany you lil sis" sabi nya saka nagpatuloy sa pag kain.

Tumango nalang ako saka tumayo na, hindi naman sila umangal kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad may nakita akong katulong kaya nilapitan ko na ito saka nagtanong kung may extra pa bang damit dito na pang-babae tumango naman sya, saka ako iginiya sa isang kwarto, Pagkapasok ko ay nakuha agad nang tingin ko nag litrato ni lance at nang isang babae.

"Sino ho sya?" Tanong ko sabay turo sa babae sa litrato

"Ah si maam allison po ate ni sir lance" tumango tango naman ako.

"Asan po sya ngayun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Nasa states po sya ang nag-aasikaso sa business nila" tumango lang din ako saka pinanood syang kumuha nang mga damit, Nang makapili sya ay agad nya itong binigay saakin, Nagulat pa akong Dress yung pinili nya pero hindi nalang ako umangal at sinuot ito, Gusto ko din toh kase napaka comportable, Kulay asul ang dress na suot ko at mga 3inches high heel, Nagtingin tingin din ako sa mga lipstick saka ako gumamit nang hindi masyadong light pero hindi din masyadong kulay Red yung sakto lang.

Inayos ko din ang buhok ko, Saka ako nakangiting humarap sa salamin, Ganito ako everytime na magma mall, kase diba malay mo doon mo na mahanap ang forever mo, At last tinignan ko ang sarili sa salamin, nangunot pa ang noo ko parang mas bagay kase kapag nakapoker face lang eh. Umiling nalang ako saka bumaba.

Nang makababa ay nagulantang ako nang makita ang pitong bihis na bihis, Sabay sabay pa silang tumingin sakin.
At pinasadahan ang damit ko, Nagcrossed arms ako saka nagsimulang maglakad papalapit sa kanila, nakasunod lang ang tingin nila sakin.

"Sama kayo?" I asked wearing may poker face.

"Yeah" sabay nilang sagot, tumango lang ako saka nauna nang maglakad papunta sa labas. Hinintay ko pa sila kase di ko naman alam kong kaninong sasakyan ang gagamitin namin.

"Where's the car?" I asked them, Nagkatinginan sila bago may humintong sasakyan sa harap namin, Dumiretso nalang ako sa passenger seat, naramdaman ko din naman na sumunod sila patago nalang akong napangisi.

TYRON'S POV

Kanina pa kami nagtataka sa mga kinikilos ni sissy, at paiba iba ang mood nya.

Di ko talaga maintindihan ang mga babae, Umiling nalang ako saka tumingin sa labas ng bintana.

Nang makarating ay nagsuot kami nang shades, Syempre nagdala talaga kami nito alam mo na, Ang mga magagandang lalaking katulad ko dapat pinapahalagahan ang katawan, Lalo na ang mukha.Nang lumabas kami ay marami agad napapatingin sa pwesto namin.

Napangisi nalang ako, saka nag-umpisang maglakad papalaapit kay sissy napatingin pa sya sakin, Saka ako inirapan at nagsimula nang maglakad, Problema nito?

Napailing nalang ako saka sya sinundan, Ang moody, Nang makapasok kami ay dumiretso kami sa Grocery at bumili, Ang dami ngang binili ni Sissy, aanhin nya ang mga ito baka nga hindi nya ito makain o hindi magkasya sa mini ref nya.

Nakasunod lang kami sa kanya, Nang matapos sya ay kami pa ang nagdala nang mga binili nya tsk, Bawas pogi points pero dahil sya si sissy pagbigyan na..love ko eh!

Hinarap nya kami nang nakangiti nagpuppy eyes pa sya nagkatinginan ni Tyler alam na.

"Laro tayo guys, Ayun oh!" Turo nya sa 'World of Fun' saka nakangiting humarap saamin, Napangiti nalang din ako saka sumangayon ganun din ang iba, nagtataka nga ako eh, Akalain mong magkakasama pa kami nang BLACK SPIDER , Na kinakatakutan sa UNDERGROUND ngayun ay parang ginawang katulong lang ni sissy at muka pang maaamong tuta, kung alam nya lang talaga na Ito ang Rank 1 ay siguro matatakot na sya.

________

"WOHHHHH!!!" Napabuntong hininga ako habang nakatingin kay sissy na tuwang tuwa, Naglalaro sya nang basketball, Kahit ako nga namangha parang walang kahirap hirap nya lang itong i sho shoot.

Magkakasama kaming pito, nakatingin lang kami sa kanya, at sabay sabay na bubuntong hinga at iiling iling.

Di ko na talaga sya maintindihan ang hirap myang basahin, ang moody nya minsan talaga iisipin ko nag baliw sya.

Maya maya pa ay nakita naming naglalakad na ito papalapit saamin. Nangmakalapit ay agad nya kamin inakbayan, Saka daldal din sya nang daldal.

"Tapos ayun, Ang dami ko nang points eh, Yung ibang naglalaro napapatingin sakin like seriously ngayun lang sila nakakita nang magandang babae na naglalaro nang basketball? O ba-?" Bigla syang napatigil sa pagsasalita pati na rin sa paglalakad kaya napatigil din kami at sabay namin syang tinignan pero nasa harap lang ang tingin nya kaya sinundan ko ang tinitignan nya at nakita kong nakatingin sya sa grupo nang mga lalaki na nagatatawanan.

Nagatatakang tinignan ko si sissy, kilala ba nya yun?

______________
Bianxx_SC


MY GANGSTER STEPBROTHERS (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang