Chapter 27: 4,5 and 6

2.8K 104 14
                                    

TATIANA'S POV

Naghahanda na kami para lumabas nang hideout, May kinuha lang daw saglit si Sev, kaya hinihintay pa namin sya, Maya maya pa ay natanaw ko na din si Sev may hawak syang walong earpiece?

Nang makarating sya ay binigyan nya kami isa isa nang earpiece.

"Ano to?" Takang tanong ni Aiden

"Earpiece" sagot naman ni Sev

"I know, pero bakit may ganito?" Sabi ni aiden, habang nakatingin sa earpiece na hawak.

"Kung sakaling magkalayo layo tayo, at para na din may connection tayo sa isa't isa kahit papaano" usal nya tumango nalang ako saka ito sinuot.

"Remember, Act normal" Tyler said,  we just nodded saka kami lumabas at naglakad nang normal, kahit normal ang lakad namin ay paikot ikot naman ang mata namin sa bawat teacher na makakasagupa namin.

Huminto kami sa hindi mataong lugar.

"We need to separate" Lance said tumango kami, lumapit ako kina Tyron at tyler, Si Ren, Aiden, At Sev naman ang magkakasama at si Dark At Lance ang magkapartner, Tinaguan namin ang isa't isa saka kami naghiwahiwalay.

Nagsimula na kaming maglakad lakad aa corridor, Nag-uusap kami minsan nang mga walang kwentang bagay para hindi halata.

Ilang minuto din kaming nagpalakadlakad hanggang sa makasalubong namin ang isang guro na para syang hindi mapakali dahil sa likot nya, May nahuhulog na din ang mga hawak nya kase patingin tingin sya sa paligid, Hindi nya nga ata kami napansin, Nagkatinginan kaming tatlo saka sabay na naglakad papalapit sa gurong iyon.

Nang makalapit ay hinawakan ko sya sa braso, Nagulat pa sya pero agad ding nawala nang makita nya kami. Hinawakan nya din ang kamay kong hawak ang braso nya.

"Maam? May problema po ba?" Tanong ko sa kanya, Umiling iling sya saka yumuko. Ramdam ko ang paghigpit nang hawak nya sakin.

"Its okay, You can tell us." Sabi ni Tyler, Inangat nya ang uli nya saka kami tinignang tatlo.

"Si O-" nagulat nalang kami nang biglang may bumaon sa likod nya dahilan para di nya matapos ang dapat na sasabihin, Tinignan ko kung saan nanggagaling ang punyal na nakatarak sa likod nya, Pero di ko na ito makita pa. Naramdaman ko din ang pagbigat nang katawan nya kaya dahan dahan ko muna syang ibinaba tinulungan namn ako nina Tyron.

"Sigurado akong may alam sya" naiiling na sabi ni Tyron habang nakatingin sa guro na walang buhay.

"Bro, sis.. Look!" Napalingon kami kay Tyler nang tawagin nya kami, Nilapitan namin sya, Pinakita nya ang punyal may lason ito, At may nakasulat na number 4 sa Matulis na bahagi nang punyal, nagkatinginan kami saka ko dali daling kinontak ang iba gamit ang earpiece na binigay ni sev.

"Hello? Guys?" Tawag ko sa mga ito, Rinig kong in adjust na nila ang mga earpiece nila.

"Hello? Tiana balita?" Rinig kong sagot ni Ren sa kabilang linya.

"Maam, Reyes is gone she's the number 4 " i said using my sad voice.

"W-what? does she know anything?" Tanong naman ni Dark

"Yeah, we asked her but she did not yet found a word, A dagger sank behind her, The poisoned dagger with the number 4  written on it" sabi ko sa kanila.

"What the hell?!" Rinig ko pa ang mga mura nila, na kahit daw guro ay kayang kaya nilang patayin hindi lang estudyante.

"Guys, I need to hang up, for there is also something wrong with the teacher we followed byee"  sabi nina Aiden saka sila nawala.

"We too, bye be careful" Dark said hanggang sa wala na akong narinig, Nilingon ko ulit sina Tyron, Buhat buhat na nila si Maam reyes.

"Tara" sabi ko saka kami nagsimulang maglakad papunta sa Hideout.

______

REN'S POV

Nakasunod lang kami sa guro na naglalakad habang may kinakalikot sa bag niya,hindi na nga sya makatingin sa nilalakaran nya.

"Aiden tabi!" Bulong ni Sev, nasa isang maliit na daan kase kami ngayun, At ang sikip sikip na talaga tapos nakatago pa kami.

"Gagu! Ikaw ang tumabi!" Rinig ko ding bulong ni Aiden, Hindi ko nalang sila pinansin, Pinanatili ko lang ang mata ko sa guro na sinusundan namin.

"Mas gagu ka!" Mahinang sigaw ni Sev

"Pinaka gagu ka!!" Mahinang sigaw din ni aiden sa kanya, Napapikit nalang ako sa inis saka sila hinarap.

"Gagu!! Gagu!! Kayong dalawa!! Magsitahimik kayo kung ayaw nyong pag-untugin ko yang walang laman nyong ulo!" Inis na bulong ko sa kanila, Sinamaan lang nila ako nang tingin pero inirapan ko lang sila saka muling humarap, Nanlaki ang mata ko nang mawala ang guro na sinusundan namin, Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar pero wala akong makitang guro.

Ganun  din sina Aiden At Sev, Lumabas kami sa pinagtataguan namin at muling nilibot ang tingin, Hanggang sa may narinig kaming mga boses na mukhang nagbubulungan, nagkatinginan kaming tatlo saka tumahimik at sinundan ang may ari nang mga boses na iyon.

Dinala kami nito sa Isang maliit na eskenita, Sa likod nang mga classroom, Nagtago kami sa may halamanan, Nakita naming nag-uusap ay yung gurong sinusundan namin at isang estudyante na babae.

"P-pero maam a-ayoko pa pong m-mamatay"  dinig naming sagot nang babae, napakunot ang noo ko, mamatay?

"Miss Rivera, Mas ayoko ding mamatay may pamilya pa ako." Sabi din ni maam Quinto.

"Pero maam-" di nila natapos ang dapat nilang sasabihin nang biglang may lalaking sumulpot sa harap nila.

"Kayong dalawa? May alam ba kayo?" Tanong nang lalaki sa kanila, Nanginginig na ang nga kamay nila Dahil na rin siguro sa takot.

"W-wala" pagsisinungaling nang dalawa.Tumango tango ang lalaki, Pero may kinuha sya sa likod nya kami lang ang nakakakita dahil na sa bandang likod kami, Nanlaki ang mata namin nang kumuha sya nang dalawang dagger, Tatakbo na sana kami para pigilan sya pero huli na.

Nakatarak ang mga dagger sa leeg nang dalawang babae, Habang nakamulat ang mata nito, At mabilis na umagos ang dugo mula dito. Dali ko din nilibot ang tingin ko pero wala na ang lalaki, naka jacket na itim, At nakahood ito kaya hindi namin na kita ang mukha.

Napapikit nalang ako sa nasaksihan saka umiwas nang tingin. Ganun din sina Aiden at Sev.

Maya maya pa ay nilapitan na namin ito saka ito binuhat kinuha ko din ang dagger na nasa leeg nito saka tinignan.

-5 and 6-

________________
Bianxx_SC

MY GANGSTER STEPBROTHERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now