Pagkatapos naming mag-usap, hinatid ko na siya sa kanila. Ang planong dapat ko ng sabihin ang totoo kay Sunget ay di ko na naman nagawa, bukas na lang siguro. Ayaw ko kasing magalit sya e na ngayong kakaayos lang naming dalawa. Swear! Bukas na talaga!


*Lourenz's Pov*


" .. Hey! Thanks sa ginawa mo kanina.. " Tapos with smiley pa..

Ay shemay! Erase! Erase! Ano ba tamang words na sasabihin ko kay Ice na yun? Nahihiya kasi ako kanina kaya di ako makapagsalita ng ganun.. Bahala na! Tatawagan ko na lang nga!

Calling.. 

Ice UberKulet

Kinakabahan ako ah!

" .. Hello Bhabe! Napatawag ka? Namiss mo ba ako? " Conceited tong kumag na to oh! I'm sure todo ngiti yun ngayon.

" Ehem.. " Paano nga? Mas malala pa pala tong tawag kesa sa text. Lalo namang wala akong masabi. " Thank you sa ginawa mo kanina, Bhabe.. Naappreciate ko yun at sorry din sa ginawa ko kay Aaron.. ahm.. I love you.. " Kyaaaah! Ano ba tong pinagsasabi ko. Agad kong pinatay ang tawag pagkatapos nun. Nahihiya ako! Grabe. Nang-iinit buong pisngi ko.

Nanginginig akong humiga sa kama at nilagay sa mesa ang cp ko. Hoh! Nahihiya ako.

Napabalikwas ako ng bangon nangg tumunog ang cp ko. Nang tingnan ko, si Ice KuuuuLEEET tumawag! Gosh! Anong gagawin ko? Sasagutin ko ba? Eeeeh. Pakiramdam ko, pulang pula na ako. Waaaaaaah! Di ako makahinga! Aaaaaaah! Naha-hyperventilate ako.

" .. " Ako nung sinagot ko na. Wala akong masabi.

" .. Uy! " Sabi nya.

" .... "


" Tahimik mo! Ano sinabi mo kanina? May pabhabe ka pa ah at nag I love you.. Ayeah! Mahal mo na talaga ako noh? Perstaym yun ah. Haha. " Bwesit na Ice to! Kelangan talaga ipamukha pa? Nahihiya na nga eh.

" Siraulo! "

" I love you too Bhabe. Di ko nasagot kanina kasi binaba mo agad. Hehe. " si Ice talaga!


" Ano.. Uhm, tulog na ako. Sige na. Bye bye na! " Ayaw ko ng ganito. Masyado syang matamis.

" Tulog ka na agad? Aga pa nga eh. "


" Antok na kasi ako.. "


" Ganun ba? Hmmm, gusto mo tabi tayo? "

" Ayaw ko.. "

" Bakit ayaw mo? Ayaw mo ba ng may katabing katulad ko?  " Nababaliw na talaga to!

" Ewan ko sayo! Sige na.. " Enend ko na ang tawag. He's too much na. Sobrang tamis! Sobra din sa kamanyakan! Hekek. Biro lang!


Humiga ulit ako sa kama. Alam kong mali ang ginawa ko sa bar kanina kay Aaron, isa lang naman ang reason kung bat ko ginawa yun eh. Para makumpirma kung hanggang ngayon pa ba eh may nararamdaman pa ba ako sa kanya. Alam nyo kung ano naramdaman ko at nalaman dahil sa insidenteng yun? Nalaman kong wala na talaga akong nararamdamang pagmamahal sa kanya. Nang tingnan ko syang nakahiga sa sahig, walang epekto sa akin. Di tulad nang dati na parang mababaliw ako kapag nakikita lang sya..

Mahal na mahal ko na si Ice Fernandez!


*Aaron's Pov*

Kahit na masakit ang ulo ko, pinilit ko pa ring pumasok. Wala akong natatandaan kung ano ang nangyari kagabi nung malasing na ako ng husto. Basta natatandaan ko lang, sumasayaw ako ng Teach Me How Dougie tapos nun, wala na.. Totally blank out na!


" Grabe epekto nung alak na yun.. Haisst! " Papikit pikit akong naglalakad habang hawak ang noo ko nung papasok sa Westbridge. Paliko na ako nung may narinig akong nag-uusap sa may bandang gilid ng parking lot. Aksidente kong narinig ang pinag-uusapan nila.

" Oo, tama nga ang narinig mo. Pinagpupustahan ka lang namin ng boyfriend ng pinsan mo at bestfriend mo. Bakit? Akala mo ba may magkakagusto sayo? Haha. Tanga na kung meron man o di kaya bulag! " pamilyar.. Hmm, teka? Si Enzo yun ah? At teka, si Courtney ba ang kausap nya? Bestfriend ni Lourenz. Alam kong sila. Hmm. Nagulat nga ko nung una eh kasi alam ko kung ano si Enzo pero nung nakita ko naman na mukhang nagbago na si Enzo. Di ko na lang pinansin.

Lalampasan ko na sana sila kasi ayaw kong makinig ng may usapan ng may usapan. Kaso may narinig ako na nagpatigil sa akin.

" Enzo.. B-Bakit? Anong kasalanan ko para gawin mo to sa akin? " Nakita ko na parang iiyak na si Courtney.

" Wala. Napagtripan lang kita! Di ko din kasalanang tatanga tanga ka at mabilis mong maniwala sa akin. Sabik ka talaga sa pagmamahal at atensyon. Poor nerd! "

" Minahal kita pero bakit? Dahil ba nerd ako? Dahil ang baduy kong pumorma? "

" Oo dahil ganun ka! Dahil di tayo bagay! Dahil kahit kelan di ako magkakagusto sayo at kahit kelan di pa ako nagmamahal ng totoo! Pare pareho lang kayong mga babae! Pakitaan lang ng maganda, nahuhulog na! Courtney, casanova always casanova! Wala pang babaeng magpapatino sa gaya ko! "

Parang nagegets ko na ang mga nangyayari. Pumasok sa isip ko ang eksena sa park. Parang eto yun? Sya ata ang pinagpupustahan. Alam ko na kung bakit pamilyar ang boses dahil kay Enzo yun. Di ako maaaring magkamali. Sya yun!

Nakita ko kung paano sya umiyak at iwan ng hambog na yun. Gusto ko syang lapitan pero nahihiya ako. Di naman kasi kami close nung kami pa ni Lourenz eh. Wala na akong magawa kundi tingnan sya paalis dun. Naaawa ako sa kaibigan ni Lourenz. Tama. Kelangan nya tong malaman! Sasabihin ko to kay Lourenz.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)On viuen les histories. Descobreix ara