Entry 12: Sukdulan

98 0 5
                                    

Ako'y inangkin mo, paroon at parito. Ibinigay ko na ang lahat sayo, ngunit hindi ka pa rin nakuntento.

Hanggang kailan mo ako lolokohin? At tila ba paaasahin? Sinusunod ko naman lahat ng iyong sabihin. At mistulan pa, na ako'y iyong inalipin.

Ang hirap pala talaga magmahal, mawawala ang iyong pagkabanal. Halos isuko mo na rin ang iyong dangal, pero siya'y umaatungal.

Tinungo ko ang aking silid, gulo-gulo ang paligid. Ako'y biglang naumid, at tila ba gusto ko ng kumuha ng lubid.

Matagpuan mo ba naman ang boyfriend mo, sa iyong silid na may kalaguyong ibang tao. Tiyak na magkukuyom ang iyong kamao, na para bang gusto mo na siyang iuntog sa semento.

Kapighatian ang aking naramdaman, nang mapansin ko ito sa kanya'y nakaunan. Nanuyo bigla ang aking lalamunan, habang sa isip ko sila'y naglalampungan.

Nagmahal lang naman ako. Pero bakit puro sakit ang tinatamasa ko? Hindi na siya nakuntento, lagi na lang niya akong niloloko.

Ang sakit lang sa puso. Tila ito'y nagdurugo. Sila'y napakagaso, kaya nakaramdam na naman ako ng pagsusumamo.

Kinuha ko ang unan sa tabi, nilamukos ko't tinanggal sa pagkakasulsi. Nagsaya kayo kagabi? Pwes, tikman niyo ang aking paghihiganti.

Sa nobyo'y ipinukol ang unan. Ang babae ay aking sinabunutan. Galit ang isinisigaw ng aking isipan, lalo pa't sila'y nagkuwan.

"Tumigil ka na Sharina! Sayo ako'y naaalibadbaran na! Tila ako'y sawa pa, sa hinaharap mong hindi masagana." Pagpigil sa akin ni Ismael sabay bato sa mukha ko ng papel.

"Hindi ka kasi magaling. Pagdating sa kama, sa akin siya nahumaling! Magtigil ka't ika'y dumaing, hanggang sa marinig namin ang iyong halinghing." Sambit ni Klarita na kay sarap tusukin ang mata.

Pilit nila sa aking ipinagduduldulan, sa kama ako'y talunan. Hindi ba nila nararamdaman? Na ako'y higit na nasasaktan?

"Magsama kayo! Magpakaligaya hanggang sa impiyerno! Sulitin niyo ang araw niyo, baka magulat kayo, sa pagganti ko sa inyo." Sigaw ko na may bahid ng panggagalaiti.

Tanging kumot lang ang nakatakip sa kanilang katawan. Talagang masisilayan mo ang kanilang laman. Kaya bugbog sarado sila sa aking isipan, lalo pa't ako'y kanilang pinaglaruan.

Dali-dali kong sinampal si Klarita. Bakas ang pagkairita sa kaniyang itsura, kaya naman hindi niya ako masupla. Lalo pa't nag-aalinlangan siya.

Lumabas ako sa aking kwarto. Tinungo ang kusina ko. Kumuha ako ng isang baso, at nilagyan ng malagkit na likido.

Akala ba nila'y susuko kaagad ako? Sa kanila ako'y magpapatalo? Hindi pa ako hilo! Kaya ipapatikim ko sa kanila ang aking paghuhurumintado.

Pagkabalik ko, hinihilot ni Klarita ang kaniyang sentido. Para bang naalog ang utak sa pagkakasampal ko, aba! Hindi ako magpapatinag noh!

Nang muli nila akong makita, napamulagat bigla ang mata ni Klarita. Katawan ni Ismael ay niyapos niya, na akala niya, ako'y mapapaalunsina.

"Oo nga't masakit! Halos ako'y magmurit. Mabuti na lang, pasensya sa aki'y nakasakbit, kaya may tyansa pang kayo'y mag-init." Pahayag ko habang tangan-tangan ang isang baso. Puso ko'y nagsusumamo, kaya luha'y dumadaloy sa mukha ko.

"Hayaan mo na kami! Nararamdaman mo sa aki'y isantabi. Sapagkat sa paningin ko'y isa ka lamang tutubi, na sa pag-ibig namumulubi." Singhal ni Ismael na tumagos sa kaibuturan ng aking puso.

Para akong sinaksak ng samsung patalim. Mundo ko'y biglang nagdilim. Sinabi mo ay aking kinimkim, na ngayo'y naging karima-rimarim.

Ibinuhos ko bigla kay Ismael ang laman ng baso, dahil nakayapos si Klarita, pareho silang nag-inaso. Halos lamunin ako ng galit ko, kaya minabuti kong lumayo.

Sa damuhan ako dinala ng mga paa ko. Masamyong hangin ang nalalanghap ko. Panibugho'y ginigiba ko, hanggang sa ako'y maging kalmado.

Sa aking pagninilay-nilay, isang lalaki sa gilid ko'y humayahay. Panyo sa akin ay inalay, hanggang sa siya'y aking maging dantay.

"Ilabas mo lang ang sakit na dinadala mo, hindi naman masamang magsumamo. Nandito lang ako sa tabi mo, na lagi namang taga-sapo ng problema mo." Turan niya sabay kurap ng kaniyang mga mata.

"Maari mo ba akong bigyan kahit na kaunting pag-asa? Upang hilumin ang puso mong puro pasa na? Hindi naman ako kagaya ng iba na isang pa-asa. Sana naman, puso mo ay aking muling mapagana." Sambit ni Tino na kaibigan ko.

Nagulat talaga ako sa kaniyang tinuran. Batid mong may pinanghuhugutan.

"Sa pagsulyap ko pa lamang sa iyong mga mata, puso ko'y binihag mo na. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan ka, lalo na't napansin kong mabigat ang iyong dinadala." Dagdag pa niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Halos ako'y matunaw, at tila ba biglang gininaw. Penge namang anahaw, pangtabing lang sa aking balikakaw.

"Inabot ko sayo ang paborito kong panyo, inaming nabihag mo agad ang aking puso. Pero ang pag-ibig ko sayo'y napako, matapos bitawan ang katagang lumaslas sa aking puso." Singhal niya sabay pakawala ng buntong-hininga.

Naalala ko tuloy noon, habang nasa bakasyon kami sa bukidnon. Umamin siya ng pag-ibig sa akin, ngunit sakit ang dinulot ko sa kaniyang damdamin.

"Ang tainga ko'y nagpanting, para akong sinalakay ng isang libong pating. Iniisip kong sana'y isa na lamang akong daing, para hindi na ako makaramdam pa ng hinaing." Wika niya habang puso'y kunwaring nasa kapighatian at wari mong nasasaktan.

"Hindi ko naman paglalaruan ang iyong puso. Hindi ko rin ito sasaktan na parang isang tuso. Bagkus, ako ang magtuturo, at pipigil, upang ito'y hindi na dumugo." Pagtutuloy niya na umantig bigla sa aking puso.

Hindi ko alam kung ano ang nakain nito, pag-amin niya muli sa akin ay napakaseryoso. Dapat ba akong maniwala sa taong ito? Kahit na hindi siya ang mahal ko?

"Ang gusto ko lang naman ay mapasaya muli kita. Tulungang makalimutan ang mga nasawing ala-ala. Kaya sige, hahayaan ko muna ang puso mong magpahinga. Hanggang sa mapagtanto mo na ako'y mahal mo na." Pagtatapos niya habang siya'y wagas na nakangiti sa aking harapan.

Hindi ko alam kung ako'y kikiligin, o nagngingitngit lang talaga ang aking ngipin. Kung kayo ang papipiliin, puso ba o isip ang susundin?

Maraming beses na akong nasaktan. Pero mga ala-ala ay sadyang hindi ko makalimutan. Siya lang talaga ang namumutawi sa aking isipan, at isinisigaw ng aking kalooban.

Mahal ko o mahal ako? Katagang nagpapagulo sa isip ng tao. Puso ba'y dapat nang ikandado? O pagbuksan ang sinumang kumatok dito?

Ako'y naging sawi, pero hindi nagpatinag sa pagdadalamhati.

Gumising ka sa katotohanan. Baka ika'y tila nagbubulag-bulagan, kahit labis na nasasaktan. Buksan ang isipan, at alamin kung ito na ba ang kasukdulan.

OVAL 1: The DroppingWhere stories live. Discover now