Entry 29: Unconcious

71 1 2
                                    

Maliwanag na ang buong kwarto ko nang magising ako. Tanghaling tapat na. Pero ano naman? Natural lang ‘to dahil napuyat ako kagabi. Magdamag kaming naglakad-lakad at nagkwentuhan ng boyfriend ko. Pampakalma sa hindi magandang aura sa bahay. At siyempre, pangsupalpal na rin sa nagmamagaling kong kapatid.

Napapailing na lang ako sa tinakbo ng usapan namin kagabi ni Kuya Lucas. And, oh, that word. Kung pwede ko lang burahin sa mundo ang mga salitang ‘Kuya Lucas’ ay siguradong gagawin ko talaga.

How I hate him being my only brother!

Tama ba naman kasing bara-barahin at pagyabangan ang boyfriend ko sa unang dinner na pinagsaluhan namin kagabi? Hindi man lang niya naisip na kumustahin muna ito o ang pamilya man lang nito, trabaho o pinagkakaabalahan. Basta na lang niya sinabing, “Baka naman hindi mo kayang buhayin ang kapatid ko? You better back off, then.”

Napayuko na lang noon si Rigel. Hiyang-hiya sa mga sunod na sinabi sa kanya ng magaling kong kapatid na kahit ako ayaw ko na ring alalahanin. Gusto ko nga sana siyang patulugin sa bahay dahil inumaga na rin kami sa pagpapalamig ng ulo pero pilit siyang tumanggi. Ayaw niya raw dagdagan ang pagdududa ni Kuya Lucas sa kanya. Si Kuya Lucas na naman.

Napailing ako ulit bago tuluyang tumayo. Tanghaling tapat na at kailangan ko nang kumain. Patakbo kong binaba ang kusina kung nasaan din ang dining. Palaging may naiiwang pagkain doon para sa mga katulad kong late kung gumising. Pero hindi ngayon.

Malinis ang kusina. Malinis din ang lamesa. At kapag sinabi kong malinis, pati mga tao, wala. Nasaan ang mga iyon? Sinilip ko ang sala, tahimik at walang bahid ng kung sino. Inakyat ko ang mababang hagdan patungo sa mga kwarto. Wala pa rin akong naririnig na ingay.

“Ma? Nasaan kayo?”

Walang sumasagot. Sunod-sunod ang paglunok ko. Saan napunta ang mga tao sa bahay namin? Kung umalis sila, saan naman sila pupunta? Mamamasyal? Magliliwaliw? Shopping? Malling? Outing? Hiking? Mountan climbing? And what about me? Nakalimutan na ba nilang natutulog lang ako sa kwarto at posibleng magising anumang oras para hanapin sila?

This can’t be! Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Baka sakaling may alam ang mga kapit-bahay sa pagkawala ng pamilya ko. Pupuntahan ko pa lang ang katulong na nakita kong lumabas sa katapat na bahay para magtapon ng basura nang may pumaradang motor sa harapan ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata saka ako nagdadabog na pumasok sa loob. Akala siguro ng magaling kong kapatid ay papansinin ko siya?

OVAL 1: The Droppingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن