Entry 1:Magkabilang Mundo

443 8 7
                                    

| M a g k a b i l a n g M u n d o |

-

"May mga pagkakataon talaga sa buhay ng tao na masasabi mo na lang sa sarili mo na, sana pwede pa."

-

Him

Hindi ko inaasahang magkikita kami ulit pagkatapos ng mahabang panahon. Kakatapos ko lang no'n bisitahin si Mama sa ospital, pasakay na dapat ako ng kotse nang makita ko siya. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero biglang sumaya 'yung puso ko at sa sobrang saya nito, namalayan ko na lang na papunta na pala ako sa direksyon niya.

Her

Dapat pala hindi na lang ako pumayag na samahan si ate na magpacheck-up. Kaya pala kanina pa hindi maganda 'yung pakiramdam ko habang pababa ako. Heto pala 'yon, magtatagpo pala kami rito. Bakit sa lahat ng panahon ngayon pa? Kung kailan maayos na ang buhay ko saka pa siya babalik. Nang makita ko siyang papunta sa direksyon ko, may kung anong kumirot sa may dibdib ko. Parang binubugbog na naman ako sa sakit pero aaminin ko nakaramdam ako ng bahagyang saya. 

-

Him

Sinubukan ko siyang kausapin kahit alam ko sa sarili ko na ang gago ko para gawin 'yon. Hindi ko kasi talaga mapigilan e. Gusto ko ulit marinig 'yung boses niya at 'yung tawa niya na matagal ko ring hinanap-hanap. Gusto ko siyang makausap ulit. Akala ko hindi niya ako papansinin, pero nagulat ako nang ngitian niya ako. 

Her

Napakagago niya lang, may lakas pa pala siya ng loob na kausapin ako pagkatapos ng lahat. Siguro nga hindi niya talaga ako minahal noon at laro lang ang lahat para sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil minahal ko siya. Habang papalapit siya, sinubukan kong ngumiti at magpanggap na masaya ako. Ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Na mahina pa rin ako pagdating sa kanya.

-

Him

Niyaya ko siyang lumabas, para sana makapagkuwentuhan kami kahit saglit lang. At isa pa, namimiss na rin daw kasi siya ni Mama at gusto niya itong makita ulit.  Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ako bumalik rito, para hanapin siya. Hindi lang dahil kay mama, gusto ko rin kasing bumawi sa lahat ng nagawa kong kagaguhan sa kanya. Gusto kong ipakita na nagbago na ako at hindi na ako 'yung dating gago na nakilala niya. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat.

Her

Niyaya niya akong lumabas kahit saglit lang daw, para raw makapagkamustahan kami. No'ng una, hindi sana ako papayag pero nang mabanggit niya si Tita, bigla kong naalala 'yung pangako ko na kapag nakatapos ako sa pag-aaral, sasabihan ko agad si Tita kaya naman pumayag na ako. Wala naman sigurong masama 'di ba?

-

Him

Wala akong nakita ni isang bakas ng kalungkutan sa mukha niya. Nasasaktan ako na makita siyang masaya. Alam kong tama lang 'to para sa akin dahil sinaktan ko siya, pero kasi ang hirap lang tanggapin. Oo nakangiti nga ako, pero hindi ibig sabihin no'n masaya ako. Hanggang ngayon,pinagsisisihan ko pa rin na iniwanan ko siya noon. 

OVAL 1: The DroppingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon