22

12.1K 315 2
                                    

SNOW's POV

Natigil ako sa paglilinis ng aking baril ng biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at saka lumapit sa pinto para pagbuksan ang kung sinumang nasa labas. Hawak ko ang baril ko pero nakatago ito sa likod ko.

Sumilip ako at nabungaran si San Diego. Walang kagana-gana ko siyang tinignan.

"Snow, may nakuha na akong mga bagong impormasyon." Bungad niya. Tumango na lang ako at saka siya sinenyasan na pumasok.

"Ano 'to?" Agad na tanong ko ng may iabot siya sa aking isang folder.

"Bakit hindi mo tignan?" Ani niya.

Masama ko muna siyang tinignan bago ko binuksan ang folder.

Mga larawan ito ni Kendra Alarquez na may mga kausap na tao. Hindi lang sila basta-basta tao, dahil kung hindi ako nagkakamali ay ito ang ilan sa mga assassin ng Briffin Organization. Kilala ko ang ilan sa kanila dahil tulad nga ng nabanggit ko ay naging katransaksyon namin ang grupo nila.

Nahagip din ng mata ko ang isa pang kilalang tao sa underground society. Si Nicholas Voucheire. Ang isa sa nagpapatakbo ng mga ilegal na droga sa underground society.

"Bakit magkakasama sila?" Iyan agad ang aking naging unang palaisipan. Posible kayang...

"Posible kayang patuloy pa ring nakikipagtransaksyon ang Briffin Organization sa ibang grupo kahit patay na si Max?" Wala sa sariling saad ko. Posible iyon, dahil hindi naman basta-basta nakikipag-usap o nakikipagtransaksyon si Nicholas Voucheire sa kung kani-kanino lang. Isa pa, kitang-kita sa larawan ang pagpapalitan nila ng briefcase na kung hindi ako nagkakamali ay naglalaman ng pera at droga.

"Posible nga iyon." Sagot sa akin ni San Diego.

"At kung posible nga iyon... maaaring si Kendra Alarquez ang nagpapatakbo doon. Tama ba?" Tanong ko.

Tumango naman si San Diego.

"Ang nakapagtataka lang ay bakit sila tumigil ng pakikipagtransaksyon sa atin kung patuloy pa rin naman pala ang operasyon nila. Hindi ba't nakapagtataka iyon?" Pahayag niya.

Nagkibit-balikat lang ako. Kung si Kendra Alarquez nga ang nagpapatakbo ng Briffin Organization, posible kayang may nalalaman si King? Kapatid niya iyon at sigurado naman akong hindi sila nawawalan ng komunikasyon. Posible kayang hindi lamang isang simpleng gangster si King Alarquez?

Naupo ako sa sopa at saglit na pumikit. Marahan akong napahimas sa aking noo. Sa totoo lang, hindi ko na naman dapat pinoproblema ang Briffin Organization... dahil sa unang banda ay hindi na naman namin sila nakakatransaksyon. Nagkataon lang na konektado ang grupo nilang iyon kay Kendra Alarquez na siya namang konektado rin kay King.

Marahan akong napabuntong hininga.

"Oh, kumain ka muna." Nabaling ang tingin ko kay San Diego ng bigla siyang magsalita. May hawak-hawak siyang isang mangkok at maingat niya itong ipinatong sa lamesa.

"Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na pakialaman ang mga gamit ko?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at hindi tumugon sa sinabi ko. Nanatili akong nakaupo at nakatingin lang sa kanya habang pabalik-balik siya sa lamesa na may dala-dalang pinggan, baso at iba pang gamit sa hapag-kainan.

"Eat." Ani niya ng makalapit sa pwesto ko. Sumulyap ako sa orasan at nakitang pasado alas-dos na. Nakapagtataka lang na hindi pa ako dinadalaw ng antok. Marahil ay dahil ito sa dami ng mga bagay na iniisip at iniintindi ko.

Ilang araw na ring hindi ko nakikita si Alarquez. Sa pagkakaalam ko ay wala siya dito ngayon sa bansa. Sa ilang araw na pagkawala niya ay palaging nakabuntot sa akin ang mga kaibigan niya. Minsan nga, gusto ko na lang bunutin ang baril ko at iputok iyon sa kanila. Masyado silang magugulo at maiingay. Hindi ako sanay sa mga ganon kaya naman mabilis akong mairita.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon