HELPED

14.8K 417 16
                                    

"Kung hindi ako nagkakamali, gangster ka? Tama ba?" tanong ng lalaking kasama ni Snow.

Nakapikit ang dalaga. Saglit siyang nagmulat ng tingin saka nagsalita.

"Hindi." maikling sabi ni Snow.

"Pero sa galing mong yun kanina, hindi ako maaaring magkamali." pangungumbinsi nito. Kung kanina lang ay hinang-hina ang lalaking ito ngayon ay parang nag-iba ito.

"Hindi ako gangster dahil isa akong reaper" yan ang gustong sabihin ni Snow. But then, Hindi pwede. Her identity must be a secret.

"Ixander" ani ng lalaki

Kunot-noo namang tumingin dito si Snow.

"That's my name. And you are?"

Saglit na napabuntong hininga ang dalaga. "Snow Frost" sagot niya.

"Your name explains everything," Ixander said. "Kasing lamig ng pangalan mo ang presensya mo." aniya sa dalaga.

"Narito na po tayo" ani ng driver nang tumigil ang taxi sa tapat ng building.

"Sa likod tayo ng building" tumingin si Snow kay Ixander. "Hindi siya papapasukin dyan ng ganito ang itsura niya."

Agad namang ini-start muli ng driver ang taxi at iniikot ito papunta sa likod ng building.

Nang mabayadan na nila ang taxi. Agad silang pumasok ng building. May ilang tao pa rin sa building. Pinagtitinginan nila sina Snow, lalo na si Ixander. Sinong hindi mapapatingin sa kanila kapag nakita mo ang isang babae na may kasa-kasamang bugbog saradong lalaki?

Palapit na sila sa may elevator. May ilang taong nakatigil din doon na waring nag-aantay. Pagkalapit na pagkalapit nila agad na bumukas ang elevator. Naunang pumasok sina Snow. Papasok sana ang ilan ding nag-iintay ng magsalita si Snow.

"You can't. This elevator is only available for us at this time. Now move." ani nito sa mga ito. Aangal pa sana ang mga ito pero malamig lang silang tinignan ng dalaga. Snow pressed the 6th botton.

"See, ngayon lang kita nakita dito. But you acted as if you own this building"Ixander.

"Tsk."

"Bagong lipat ka lang ba dito?"

"Nag-aaral ka?"

"Anong pinagkakaabalahan mo?"

"Kung hindi ka gangster? Gusto mo bang sumali sa isang gang?"

"Yung kuya ko may gang. Sikat yun dito sa Pilipinas. Malakas ang grupo nila"

"Ano gusto mo ba?" sunod sunod natanong ni Ixander kay Snow.

"We are not in a fucking talk show so stop asking me nonsense questions. And will you shut the fuck up? Kanina lang daig mo pa ang isang basang sisiw. Ganyan na nga ang itsura mo, madaldal ka pa. Manahimik ka." seryosong sabi ni Snow.

Natahimik si Ixander sa sinabi ni Snow. Nang bumukas ang elevator agad din nilang tinungo ang unit 615. Akay-akay ni Snow si Ixander.

"Passcode?" tanong ni Snow ng makarating sila sa tapat ng unit nito.

"141406" sabi nito.

Agad namang ini-enter ni Snow ang sinabing code nito. Nang bumukas ang pinto pumasok silang dalawa.

Naabutan nila ang dalawang lalaking nanunuod ng tv. Isang may brown na buhok at isa namang blond. Agad namang napatayo ang mga ito ng makita nila ang kalagayan ni Ixander.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon