34

9.3K 308 9
                                    

A/n


Unfortunately, hindi ko na naisalba iyong naunang draft. Hindi ko rin alam kung anong meron sa akin ngayon at sinisipag akong magtype. 3261 words in four hours? Hindi na masama right? Thank me after niyong mabasa! Hahaha.Joke! Oh siya, Sige na. Enjoy reading.!


P.S Tweet me guys! @exoLdirectioner! Hahaha. Usap tayo :)



SNOW's POV



Nang makarating ako sa entrada ng gusali ay agad na nabaling sa akin ang atensyon nila. Dahil nga may hawak akong baril ay agad silang nagpaputok sa direksyon ko. Dumapa ako at saka gumulong sa isang malaking bato para pansamantalang magtago. Yumuko ako at saka isa-isang ikinasa ang mga baril ko.

Sumilip ako sa pwesto nila at nakita kong naglalakad na sila palapit sa pwesto ko. Mabilis akong tumayo at sabay na kinalabit ang gatilyo ng mga baril na hawak ko sa magkabilang kamay ko.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagbaril at nang makita ko silang padami ng padami ay kumuha na ako nang isang flashbang, isa itong uri ng Granada na hindi naman ganuong nakamamatay. In fact, this kind of grenade is a non-lethal weapon. It is designed to produce a blinding flash of light and loud noise without causing permanent injury.Five seconds lang silang mabubulag pero after nuon ay balik na ulit sila dati. Samantalang ang malakas nitong tunog ay magpapawala o magpapahina ng pandinig nila.

Wala naman akong intensyon na patayin sila kaya naman dinis-orient ko lang ang mga senses nila. Nang makita kong nagkakagulo na sila ay dali-dali na akong tumakbo papasok sa loob.

Pagpasok na pagpasok ko ay may sumalubong na agad sa aking mga kalalakihan na kapwa may mga dalang armas. Wala na akong choice kundi paputukan sila. Nang makita kong bumulagta na sila ay nagdiretso ako sa may kanang hallway. Naka-extend ang mga kamay ko at nang lumiko ako sa may gilid ay may humampas sa may kaliwang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang baril na hawak ko.

Pansamantala akong napaluhod pero nang makita kong itinutok niya sa akin ang baril niya ay agad kong kinuha ang dagger na nasa may hita ko. Inasinta ko ang leeg niya at nang bumaon ito dito ay nangingisay siyang natumba sa harapan ko.

Pinulot ko ang baril ko at saka ako mabilis na tumayo. Naglakad ako sa mahabang pasilyo at nang may makita akong hagdan ay agad akong nagtungo dito.

Hindi pa ako nakakarating sa gitnang baitang ay may natanaw na akong lalaking parating. Tumingin siya sa akin at saka ngumisi. Tumigil siya sa huling baitang sa itaas at maya-maya pa ay naglakad siya para salubungin ako.

Naghagis siya ng isang dagger sa direksyon ko pero nailagan ko. Naiiling siyang huminto, dalawang baitang ang layo sa akin.

Naglabas siya ng isang M-9 Bayonet. Isa itong multi-purpose knife, 7 inches ang haba ng blade nito at sa pagkakaalam ko ay 0.235 inches ang kapal nito. Imagine ang ganuong kasali ng combat knife? Limited edition ang M-9 Bayonet dahil nuong 1984 pa lumabas ang unang edisyon nito at sa USA pa ginawa ito.

Natigil ako sa pagtingin sa hawak niya nang sa isang mabilis na galaw ay nasa likudan ko na siya.


Wrong move

Dahil mabilis akong humarap sa kanya at kasabay noon ay ang pagbaril ko sa kanang kamay niya. Nabitawan niya ang combat knife na hawak niya at napaluhod siya sa harapan ko. Napangiti ako nang marinig ko ang sigaw niya.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon