UNSURED

15K 450 20
                                    

KING'S POV

Naiwan akong nakatayo dito at kuntento lang na nakasunod ng tingin sa kanya.

"Psh! Bakit ba napakatigas ng ulo niya?!! Urgh! Pasaway talaga!!"napasabunot na lang ako sa buhok ko.

"Bakit ba ganoon ang babaeng iyon? Pinaglihi siguro siya sa sama ng loob kaya ganun ang ugali niya! Psh!" patuloy kong pagkausap sa sarili ko.

Marahas akong napabuntong hininga. Naiinis ako! Kasi naman! Ang Snow na iyon, akala mo kung sino!

"Kung kampon ka ni Satanas, ibig sabihin kampon pala kita? "

"Hindi mo ba alam na ako ang mirror image ni Satan? Well, hindi mo rin alam kung ano ang kaya kong gawin. So be carefull my agent. Masamang magalit si Satan"

Muli na namang nag-echo sa pandinig ko ang sinabi niya.

"Sino ba siya sa inaakala niya?!"

Napalingon ako sa puno na madalas kong tambayan. Umakyat ako doon. Gusto ko sanang magpahinga dahil sa nakakapagod na mga nagdaang araw. Pero simula ng makilala ko ang babaeng iyon ay hindi na siya nawala sa isip ko!

Tanda tanda ko pa noong gabing nakita ko siya.

Flashback****

Kalalabas ko lang noon sa isang bar nang makita ko ang isang babae na nagmamadaling lumabas ng convenient store.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinusundan siya.

Dire-diretso lang siya habang ako naman ay nakasunod sa kanya.

Tumigil siya sa tapat ng isang eskinita.

"Anong gagawin niya dun?" kausap ko sa sarili.

Sa pagkakaalam ko ay teritoryo iyon ng isa sa mga gang na hawak ko.

Nang makita ko siyang pumasok doon ay dali-dali akong sumunod sa kanya. Maaari siyang mapahamak.

Nang makita ko ang pigura niya ay hindi ko inialis ang tingin ko sa kanya. Mahirap na. Teritoryo ito ng isa sa mga gangster group na hawak ko at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng hindi nila kamiyembro, maliban na lang sa akin na pinuno nila.

Tumigil siya sa paglalakad. Bahagya akong lumapit pa ng kaunti para sana tingnan kung ano man ang pinanonood niya. At halos mapanganga ako ng makita ko ang grupo nina Theo na may binubugbog. Lumapit pa ako ng ilang hakbang para sana tignan ang kung sinumang binubugbog nila at halos mapamura ako ng makita ko ang sarili kong kapatid na halos bugbog sarado na.

Lalapit na sana ako kaya lang...

Biglang lumabas ang babaeng iyon sa kinaroroonan niya at lumapit sa kinaroroonan ng gulo.

"Anong ginagawa niya?" mahinang sabi ko.

Napansin kong nakatingin na sa kanya ang grupo nina Theo. Lima sila.

"Aba nga naman mga pare! Akalain niyong may naligaw pang chika babes sa kalagitnaan ng gabi?" sabi nung kalbo.

Akala mo kung sinong matatapang ang grupo nila samantalang kayang kaya ko naman silang talunin kahit ako lang mag-isa

"Leave that guy alone." napalingon akong muli sa babaeng iyon dahil sa sinabi niya. Napakalamig ng boses niya.

"Woah! Mukhang palaban ang chika babes nating ito Bossing?" bigla kung naikuyom ang mga kamao ko ng marinig ko ang sinabi nung lalaking madaming tattoo.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon