43

7.2K 183 18
                                    

Hindi na-edit. Pasensya na sa mga maling grammar at mga typo. Compared sa previous chapter, this is a short one. So yeah, Hahaha! enjoy! 



KRIS' POV


"Fuck! Kapag talaga nakita nila tayo, malalagot ka sakin Ken!" Pagbabanta ko sa lalaking ito na kasalukuyang nakatanaw kina King at Snow na mukhang seryosong nag-uusap sa di kalayuan.



"Wag ka ngang magulo Kuya Kris. Hindi nila tayo mahuhuli! Basta wag kang maingay." Pabulong na sabi sa akin ni Ixander. Tss. Isa pa 'to! Porke't kapatid siya ni King, ang lakas ng loob. Sigurado namang kapag nahuli kami, kaming dalawa lang ni Ken ang makakatikim 'dun kay King-kong.



"Oo nga naman Kris?! Bakit ba takot na takot ka, e' kasama naman natin itong si Ixander. Siya ang bahala sa atin! Di ba Ixander?" Kita niyo na! Kita niyo na! Si Ken ang mastermind nitong pagsunod naming ito kina Snow. Pati ako dinamay pa.Tss.



"Bahala kayo. Basta ako, labas ako dyan kapag nagkahulihan." Bagot na sabi ko at saka umakyat sa sanga ng puno.



"Shit! Ixander! Nakita mo ba 'yon?!" Narinig kong sabi ni Ken. Hay! Kaya sila mahuhuling dalawa dyan ay dahil sa kaingayan niya.



"Nakita ko Kuya Ken! Grabe! Ang bilis ni Kuya!" Parang babae naman na sabi ni Ixander. Tss. Napa-iling na lang ako.



Nagsalpak na lang ako ng earphones sa tenga ko at saka ipinikit ang mga mata ko. Itinodo ko na lang ang volume para hindi ko na marinig iyong dalawa sa baba. Bahala na sila.



Habang nakapikit ako ay agad na rumehistro sa utak ko ang imahe ng babaeng mahal ko. Kagaya ng nakasanayan ay wala sa sarili na naman akong napangiti. By just simply thinking of her, bumibilis na agad ang tibok ng puso ko.



Sana pwede kong sabihin sa kanila.



Sana pwede ko siyang ipakilala sa kanila bilang babaeng mahal ko. But things are too complicated. We are in this secret relationship because this love that we have is forbidden. Nang dahil sa akin ay nakagawa siya ng bagay na labag sa kalooban niya.



Nang dahil sa pagmamahal niya sa akin.



I am a mess.




A total jerk and a complete bastard!




Pero anong gagawin ko? We are truly, madly and deeply in love with each other. We can't help it. I can sacrifice everything, just for her, even this friendship that I have with my friends.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon