What DAY Hell

14.9K 465 12
                                    

"So you're from Korea" ani ni Mrs.Santiago. Ang school administrator ng stonelight university

Snow gave her a bored look. Mukhang napapansin naman ng Ginang na walang balak si Snow na kausapin siya. Maya-maya ay tumayo ito at lumapit kay Snow.

"Since our student president is not here. I'll be the one who will tour you around" anito at saka hinawakan si Snow sa braso.

Agad namang napako ang tingin ng dalaga sa kamay ni Mrs. Santiago na nakahawak sa braso niya.

Isa sa mga ayaw ni Snow ay ang hinahawakan siya. Bakit? Dahil masyado siyang maselan. Mabilis sumama ang timpla niya kapag may mga taong basta-basta na lang siya hinahawakan. Mukhang napansin naman ni Mrs. Santiago ang malalamig na tingin ng dalaga kaya naman agad niyang binitawan ang braso nito.

"Tsk."

Naunang lumabas si Snow at saka naman sumunod sa kanya si Mrs. Santiago. Nang maabutan ni Mrs. Santiago ang dalaga ay inunahan niya itong maglakad.

"Nakikita mo ba iyon?" itinuro ni Mrs. Santiago ang isang building na katapat ng nilalakaran nila. "That's the school theater, the next one... The building to the right that's our library......."

While roaming around, Snow noticed those weird glances that every student was giving her. They are looking at her alienly.

May ilang nginingitian siya, may ilan namang tinataasan siya ng kilay. Talk about insecurity. Sa ganda ni Snow, hindi na nakapagtatakang lahat ng madaanan niya ay napapalingon sa kanya. She is really a head turner.

Maya-maya pa tumigil sila sa tapat ng isang pintuan.

"This will be your classroom for this semester..."ani ni Mrs. Santiago, sumulyap ito sa relos na suot-suot niya. "Forgive me, Ms. Frost.. but I have a very important meeting with a client this morning.Mukhang hindi na kita masasamahan sa loob. So if you'll excuse me. I really need to go. If you need anything else just call me in my office." saad nito at saka iniwan si Snow ..

Pagbukas ng dalaga ng pinto, agad na napako sa kanya ang tingin ng lahat. Pumasok ang dalaga at saka lumingon sa paligid. Nang makakita siya ng bakanteng silya, walang imik na tinungo niya iyon at doon naupo.

May ilang binibigyan siya ng nagtatanong na tingin. But knowing Snow, she doesn't care at all.

Napansin ng dalaga na waring abala ang mga tao sa loob ng silid. A few moments later, someone entered carrying a bucket. Kasunod naman nito ay ang isa pang estudyante na may dala dalang harina. It's like they are up to something. Nanatili lang na nakatingin si Snow sa ginagawa ng mga ito. May isang naglagay ng harina sa timba at maya maya pa ay sumulpot ang isa pang estudyante na may dala namang itlog. Kung titignan ay mukhang magbebake ang mga ito, pero sa proseso ng paggagawa nila ay makikita mo na agad na may binabalak sila. A prank.

May tao din sa labas na wari bang nagmamasid sa kung sino mang padating.

"Ayan! Tapos na!" sabi ng isa sa kanila.

"Siya na lang ang kulang!" ani naman ng isang babae habang tumatawa.

Kinuha ng isang matangkad na lalaki ang timbang naglalaman ng pinaghalong harina at itlog, at inilagay ito sa may itaas ng pinto.Yung tipong kapag bumukas ang pinto ay siguradong magiging instant cake ang kung sino mang tapunan nito.

Ilang saglit pa ang lumipas, sumilip ang nagbabantay sa labas.

"She's here!!" sigaw nito. Agad namang umayos ng tayo ang mga tao sa loob.

Out of curiousity, tumayo si Snow at sinilip ang padating. Pagkakita niya dito, agad niyang namukhaan ito... none other than Floribeth Davis... her target. Nang bubuksan na nito ang pinto ay agad kinuha ni Snow ang isang makapal na libro na binabasa ng nasa harapan niya at ibinato ito sa timba. Kaya naman, nang bumukas ang pinto ay sa ibang direksyon ito bumagsak.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon