Yeah, chicken is delicious pero ayoko talaga sa buhay na manok.

"Tara na nga!" Aya ko sa kaniya. Wala pa ata kaming trenta minutos dito pero gustong-gusto ko ng umalis.

"Hawakan mo muna 'to." Itinuro niya ang manok at ngumisi ng nakakaloko sa akin.

"Bahala ka d'yan at akong mag-isa nalang ang i-ikot dito!" Nag walk out na ako sa harapan niya.

As if naman hindi ako susundan ng lalaki'ng 'yon!

"O my! Is that a pig?" Turo ko sa isang maliit na kulay pink na baboy na mag-isa.

Lumapit agad ako dito at nang akmang hahawakan ko na iyon ay tumakbo ito papalayo sa akin.

What?

"Why is it running away?" Inis na tanong ko kay Jordan na mukhang tuwang-tuwa sa akin.

"The pig is scared of you." Siya ang lumapit sa baboy.

Hindi katulad ko kanina ay hindi man lamang lumayo ng bahagya sa kaniya ang baboy na iyon.

"Scared?" I scoffed, slightly offended. "Ano ba'ng nakakatakot sa itsura ko?" Bulong ko sa sarili.

Kahit ano ata ay kayang umuhin ni Jordan! Pati hayop ay mukhang naakit din sa kaniya!

This flirty pig!

I shook my head because of what I am thinking. I am turning crazy!

"Here, you can touch it." Inilapit niya sa aking ang baboy.

Dahan-dahan kong inabot iyon gamit ang dalawa kong libreng kamay.

Napangiti ako ng hindi iyon nagwala mula sa pagkakahawak ko. I gently tapped his head.

"What are you doing? Hindi naman 'yan aso. Why are you tapping it?"

Pinanlakihan ko ng mata si Jordan.

"Ano ba ang paki mo?" I said, full of annoyance.

Jordan pouted like a puppy who got scolded by his owner. Inirapan ko siya.

"You're so cute! I wish I can take you home, Cha." Bumaling akong muli sa baboy.

"Cha?"

"The pig. She's Cha."

"You named the pig?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Jordan at sa huli ay tumawa.

Inirapan ko na lamang siya at inabot ang aking cellphone upang makapagpakuha ng litrato.

"Take a picture of us!" Halos isubsob ko na sa mukha niya ang cellphone ko.

Sa huli ay walang nagawa si Jordan kundi ang kuhanan kami ng litrato ni Cha.

Ibinaba ko si Cha sa lupa.

"It was nice meeting you, piggy Cha." I sighed while looking as Cha slowly walk towards a group of pig.

"You're so amusing, Reign." Ngumisi sa akin si Jordan.

Nang medyo uminit na ay nagpasya na kaming magtanghalian sandali. Pagkatapos noon ay pupunta naman kami sa kwadra ng mga kabayo upang tignan ang mga iyon.

Actually ito ang pinaka hinihintay ko!

"Can you teach me?" Nag puppy eyes ako sa kaniya at pinagsiklop ang aking kamay na para bang nagdadasal.

"No." Madiin niyang sagot.

"Please? I badly want to ride a horse." I pouted my lips.

Sana lang ay maawa siya sa akin! Daddy never let me ride a horse before dahil delikado daw iyon para sa akin.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon