Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco

Zacznij od początku
                                    

"Pare bihis ka na, pasok na tayo."

"Napansin mo pa pala ako? Kanina pa ako nakatayo dito wala pang sumasagot ng tanong ko ni isa sa inyo eh. Ano bang nangyayari dito? Inalok mo si Ate ng sex?" wika nito na halatang walang maintindihan sa nangyayari.

"Ay true! Kahapon pumunta sa akin ang ate mo, inalok raw siya ng sex nitong jugets na ito. So akala ko naman, hinain ng ate mo ng bongang bonga ang sarili niya, yun pala sinampal niya ang friend mo. Ewan ko ba sa ate mo, feeling teenager."

"Ha! Nag-away kayo?" gulat na gulat na sabi ni Gil. "Akala ko ba umalis na lang siya kahapon bigla?" usisa ni Gil sa Ate niya.

"Oo nga, pagkatapos ko siyang sampalin, umalis na lang siya bigla." Patay-malisyang sabi ni Sophia, mailusot lamang ang nangyari kahapon.

"Sandali-sandali bakit ba kayo nag-away?"tanong ni Gil sa dalawa

Nagkatinginan lang si Joseph at Sophia. Wala ni isa sa kanila ang maka-alala kung bakit nga ba sila nag-away. Hindi rin nila alam ang dahilan na ikinagalit ng bawat isa. Para bang bigla bigla na lamang ang pangyayaring iyon.

"Mamaya ko na ikukwento sa iyo. Magbihis ka na male-late na ako sa first period ko."

Ipinagkibit balikat na lamang ni Gil ang sinabi ng kaibigan. Pumasok na siya sa kwarto at nagbihis na, ayaw naman niyang ma-late ang kaibigan ng dahil sa kanya.

"Ako ba hindi mo aalukin?" tanong ni Diosa kay Joseph habang hinihintay na magbihis si Gil?

"Sandali may lason ako ng daga dito. Iaalok ko sa iyo, bawal tumanggi ha!" kanina pa nainis si Sophia sa kaibigan. Nalaman tuloy ng kapatid niya ang buong istorya dahil sa kadaldalan nito.

"Ay! Busy ako."wika ni Diosa.

...........

Alas-onse na ng natapos ang last period ni Gil. Paglabas niya ng building ay nakita niyang naghihintay sa labas si Joseph. Nagulat si Gil dahil hindi naman usually na ginagawa ni Joseph ang hintayin siya mismo sa labas ng building. Madalas kasi ay nagkikita na lamang sila sa bench na madalas tambayan ni Joseph.

"Dude!" masayang bati ni Joseph sa kanya na lalong pinagtaka niya. "Kain tayo! May masarap na kainan diyan sa labas. Libre ko."

Tono pa lang ng boses ni Joseph ay naintindihan na ni Gil ang lahat. Halata mong may hihinging pabor ang kaibigan sa kanya.

"Dude, anong kailangan mo?" tanong ni Gil

Inakbayan siya ni Joseph na prang batang naglalambing habang nakangiti.

"Mamaya ka na mag-usisa. Wala akong pabor na hihingin, may mga itatanong lang ako. Basta kumain muna tayo."sagot nito

"Sagot mo ha! Wala akong pera dito."

"Sabi ng Oo eh."

Napansin ni Gil na hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ng kaibigan na para bang nanalo ng isang pangkabuhayan showcase. Tinungo nila ang parking lot kung saan naroon ang kotse ni Joseph.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang sinasabing restaurant ni Joseph. Alam ni Gil ang lugar na iyon at hindi mura ang mga nase-serve na pagkain doon para sa estudyante lamang na gaya nila. Isa itong korean restaurant "Jang Ga Nae" (O iyan libreng advertisement pa)

"Dude! Wala akong pera ha! At ayokong maghugas ng pinggan."muling paalala ni Gil sa kaibigan.

"Oo nga!" madiin na pagkakasabi nito na parang nakukulitan na kay Gil sa paulit ulit na sinasabi.

Umupo sila sa isang table na malapit sa may glass pane. Sa gitna ng table ay may charcoal na stove kung saan pwede kang mag grill. Walang gaanong kumakain ng mga oras na iyon, ang peak hours daw kasi ng restaurant na iyon ay tuwing alas-sais ng gabi.

The Last Stop (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz