"I don't like her attitude." He said bluntly.

Napa- 'ooh' naman ako sa sinabi niya. Masyadong straight forward si kuya.

Kinindatan niya lang ako bago namin niligpit ang mga gamit namin. Lunch time na kaya pupunta kami sa cafeteria. Medyo malayo-layo pa naman yun dito sa library.

Habang naglalakad kami ay di ko mapigilang magtaka nang pinagtitinginan ako sa likod, ang iba ay tumatawa pa at may tinuturo sa likod ko. 

Si Silver naman ay parang wala lang na naglalakad sa tabi ko. So ginaya ko nalang siya at di pinansin ang mga tao.

Malapit na kami sa cafeteria nang mahalata kong mas madami na ngayon ang nakatingin at tumatawa sa likod ko. 

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din si Silver dahil magkahawak lang ang kamay namin.

"Any problem?" He asked worriedly.

Tumingin din siya sa mga tao at alam kong nahahalata niyang may problema nga. Lalo pa't tinuturo ng iba ang likod ko.

"Babe, let me see your back." He said hurriedly.

Dali-dali naman akong tumalikod sa kanya. I was wearing a black longsleeve and a white long skirt. Baka siguro nagirit yung palda ko nang hindi ko namalayan.

"Shit! You're bleeding!" 

"H-huh?!" 

Tarantang tinignan ko ang palda ko sa may bandang pwet at totoo nga! May malaking tagos ako!

Kaya pala nag-uumpisa nang sumakit ang puson ko kanina!

Nagmamadaling hinubad ni Silver ang jacket niya at ipinalibot ito sa bewang ko para matakpan ang tagos.

"Nakakahiya Silver." Pikit-matang sabi ko sakanya. Alam kong namumula na ang buong mukha ko ngayon sa hiya. 

Shit lang! Kanina pa ako pinagtitinginan, ba't di ko napansin yun?! And wala man lang niisa ang nagsalit? Tsk.

"Let's take you to the clinic." 

Muntik pa akong mabuwal nang bigla akong kinarga ni Silver nang walang pasabi. 

"Kaya ko namang maglakad!" Bulong ko sa kanya. We are making a scene!

Tinignan naman ako ng matalim ni Silver. "You're bleeding! Ba't ka maglalakad? Baka mapano ka!" 

Inirapan ko nalang siya at di na sinagot. Muntik ko nang makalimutan na overreacting tong si Silver.

Mabilis kaming nakarating si Clinic dahil halos takbuhin na ni Silver ang pagitan ng cafeteria at clinic.

"Nurse! My girlfriend is bleeding! I think she lost a lot of blood!" Agad na bungad ni Silver sa school nurse namin na matanda na.

Hinintay ko munang mailagay ako ni Silver sa isa sa mga clinic bed bago siya kinurot na siyang kina- 'aray' niya ng malakas.

"Ang o.a mo ha! Menstruation lang to!" Nanggigil na sabi ko sa kanya. Minsan nagdadalawang-isip tuloy ako kung matalino ba talaga si Silver o sadyang praning lang.

Natatawang nilapitan kami nang nurse. "Normal lang ang reaction ng boyfriend mo hija, di naman kasi nila gets ang buhay nating mga babae." At tumawa pa ito ulit.

Pasimpleng umirap lang si Silver bago umupo sa katabing kama. Mukhang ngayon pa nag sink-in ang ka o.a-yan niya kanina.

Binigyan lang ako ng painkiller nang nurse para daw pag sasakit na ng todo ang puson ko mamaya, may mainom ako bago sumulat ng permission note namin dalawa ni Silver na pwede kaming umuwi. 

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon