I hope Mommy was so proud of my achievements...

Nagpasya akong magpakain sa opisina at naging masaya naman ang awra ng lugar dahil doon, inanunsyo ko narin na mayroon silang day off dahil dalawang araw kaming nag pagod para rito.

Nagsimula na silang kumain at nagpaalam muna akong papasok sa opisina ko, I went inside at isang puting box ang bumungad sa'kin. Dahan-dahan akong lumapit dito at kinuha ang card na nakausli.

To: Rans Keith Abing

Tumibok ng mabilis ang puso ko nang mabasa ko ito, I'm not sure pero kapareha ito ng sulat ng natanggap ko sa bahay.

Ilang araw ang lumipas at maraming regalo ang natatanggap ko, minsan ay mga damit, gamit na hindi ko maintindihan, letters at mga meaningful sculpture.

Minsan ay nakatanggap ako ng isang painting, it's a shadow of a man surrounded by the colors of the rainbow. It's meaningful and it really suits my personality, I really want to meet that someone...

I hope I can thank him, personally.

Natapos ang kainan at ininform ko sila regarding sa upcoming Fashion Show na pagbibidahan ng mga sikat na clothing brands. Kasali ang Reya's and I want to win this event para sa maraming opportunities.

I already talked to the stock holders and they told me to critique my designs and magiging transparent sila if ever na may hindi sila nagustuhan.

I agreed to them kasi that's also a way to improve my skills.

Ilang araw nalang at ikakasal na si Tony at Elisha, pagkatapos nang pag-uusap namin ni Tony sa office, wala na akong narinig sa kaniya.

Good for him, Atleast 'di ba.

Palagi parin akong tinatawagan at tinetext ni Blake at Nick but I chose to ignore them, hindi sila healthy sa'kin at gusto ko munang umiwas.

But I think I'm such a fool...

Ipinagtabuyan ko 'yong taong handang awayin ang kaibigan niyang nagkamali, 'yong taong nagtanggol sa'kin at taong tumanggap sa'kin.

Tanga ko talaga punyatera.

I'm holding my phone at nanginginig na nakatutok dito, should I call Blake and Nick?

Should I apologize to them?

Should I--

"Hello? Rans? Ikaw ba 'yan?!"

Natigilan ako nang mayroong nagsalita sa phone ko, sa sobrang lutang ko ay hindi ko namalayang napindot ko na ang pangalan ni Blake at tuluyan nang natawagan.

Pisti.

"Let's meet, Amber's Milktea Shop in Makati." Malamig kong sabi at mabilis na pinatay ang tawag, hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanila.

Kiss nalang puwede? Charot.

I received a message from Nick and He told me na papunta na sila. Mabilis kong kinuha ang susi ko at pumasok sa kotse, I drove to the milk tea shop I said at tahimik na pumasok doon.

Wala masyadong tao at mukhang naunahan ko silang dalawa...

Umorder ako ng milktea and cakes for them, hindi nagtagal ay dumating na sila. Nginitian nila ako at mabilis na lumapit sa puwesto ko but someone caught my attention.

It's Tayler...

He looked different...

"I'm sorry, We're late..." Paghingi ng pasensya ni Nick pero hindi ko siya natapunan ng tingin, nakatitig lang ako sa namamayat, mangingitim na ilalim ng mata at tila pagod na pagod na si Tayler.


"He's in drugs..." Nick whispered at dahan-dahan akong napalingon sa kaniya.

"Two weeks ago, we caught him taking drugs. He's holding a big amount of money and Sunshine's picture. And then we found out that Sunshine left him for the second time, that caused him to buy drugs..." Pagpapaliwanag ni Nick

"Sinubukan namin siyang pigilan pero huli na ang lahat, namayat na siya at tila hindi na makilala. Doon namin napagdesisyunan na ibalik muna siya sa kanila. Isinama namin siya dito dahil mayroon daw siyang gustong sabihin sa'yo." Pagpapatuloy ni Blake at sabay silang umalis ni Nick.

Iniwan nila kaming dalawa dito at tila hindi mapakali si Tayler sa puwesto niya. Tinapik ko ang balikat niya dahilan para mapatingin siya sa'kin, hinawakan niya ang kamay ko kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"R-Rans? Ikaw ba 'yan? P-patawarin mo ako, Hindi ako nararapat para sa pagpapatawad mo pero pasensya... P-puno ng galit ang puso ko at wala akong ibang gustong makuha kung hindi ang pera at si Sunshine..."

Ang sakit na kita siyang ganito, umiiyak at bukod pa dito, ang hindi maayos na itsura ni Tayler. Hindi na siya makilala sa sobrang payat ng pisngi niya, maraming sugat, payat na braso at maitim na marka sa ilalim ng mga mata niya.

"P-patawarin mo ako... Nagsisisi na ako, hindi ko gustong masaktan ka, hindi ko gustong umiyak ka dahil sa mga sinabi ko, hindi ko gustong..."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang sumabog na siya ng kakaiyak, hinawakan ko ang kamay niyang nakabalot sa palad ko at dahan-dahang hinaplos ito.

"R-Rans patawarin mo 'ko, hindi ka nakakadiri. Sa totoo niyan, Isa ka sa pinakamatatag na taong nakilala ko... Ibang-iba sila sa'yo, kakaiba ka at walang makakatalo ng pagkatao mo..." He took a deep breath to calm himself, "S-sana mapatawad mo ako kasi ako, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung habang buhay mong dadalhin ang mga sinabi ko..."

I didn't imagine na sa loob ng dalawang linggo ay ganitong bagay na ang mangyayari sa kaniya, kung alam ko lang sana ay edi sana hindi ko na ibinigay ang pera. Kung alam ko lang edi sana mas nagtuon ako ng atensyon sa kalagayan niya.

Ganiyan niya kamahal si Sunshine, kahit tapos na at wala nang pag-asa ay patuloy niya parin itong mamahalin. I think He tried to busy himself sa mga bagay na hindi involve si Sunshine, sadly sa maling bagay siya nagtuon ng pansin.

Maling bagay na mayroong pangit na kalalabasan.

"Patawarin mo ako, Rans..." He said at tuluyan nang idinukdok ang mukha niya sa mga palad ko, binawi ko ang kamay ko at hinaplos ang mukha at ulo niya.

I tried to act normal at hindi ipinakita ang emosyon ko, alam kong mabigat na ang pinagdadaanan ni Tayler at wala na akong balak na dagdagan pa 'yon.

"It's okay, it's okay..." I whispered while touching the back of his head.

Tayler isn't like this, My first crush isn't like this...

I know hindi ito ang intensiyon niya pero dahil sa pag-ibig, kaya niyang gawin ang lahat.

And because of love, He tried to kill himself.

I wish someday, I'll receive that kind of love.

Not the love that will kill himself but the love that will make me feel alive.

---

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now