03

197 87 30
                                    



Chapter 03


"Good morning, Pretty!" Masayang bati ni Tayler na mayroong napaka perfect na ngiti sa mukha. Shuta! Kung ganitong mukha ang makita ko tuwing umaga, Ayaw ko nalang matulog!

"Goodmorning Pare." I greet him back using my manly voice, hindi pa ako pwedeng magpakabakla dito dahil si Tayler palang naman ang may alam at hindi ang buong kagwapuhan.

"Pare Pare ka d'yan! Breakfast na." He said and He handed me a pancake and a hotdog, parang ibang hotdog ang bet ko. Hmm...Charot!

"Salamat." I said at naupo na sa tapat niya, nagkatinginan kami at mahinang tumawa. Goodness gracious! Gusto ko siyang halikan! Napakagwapo!

After what happened last night, nauna na siyang umalis at hinayaan ko lang dahil may dala akong sasakyan. Buong gabi kong inisip 'yung sinabi niya, gusto kong mag deny ulit na hindi ako bakla pero nevermind, bisexual naman si Tayler. I know He understands.

Sana lang talaga hindi niya ipaalam sa tatlong hunks dahil sa kanila, hindi ako sigurado kung matatanggap nila ako.

Si Blake, I know He's straight. Playboy lang talaga.

Si Tony, sobrang hirap niyang basahin. Makikita mo lang siyang nakangiti kapag may camera, plastikada mabuti nalang talaga at gwapo.

Si Nick, May boyfriend siya. Actually, sa apat na 'yan ang akala kong makakaamoy ng halimuyak ng kabaklaan ko ay si Nick. Kauri si ate girl e!

Natigilan sa pag-iisip ang bakla nang pitikin ni Tayler ang ilong ko. Shuta! Nakakaloka naman 'to! Pwede naman akong halikan, bakit pitik lang? Charot.

"Sabi pala ng instructor natin, Wala tayong class at dumiretso tayo sa dance room." He said and I just nod at him.

Nagsimula na akong kumain ng hotdog ni Tayler-este hotdog na luto ni Tayler.

Pagtapos namin kumain ay dumiretso na kami sa building ng college. Yes, kami.

Kasabay kong pumasok si Tayler, I'm sorry! Naapakan niyo 'yung buhok ko, tabi mga slapsoil. Charot.

Nakarating kami ng dance room at wala kaming naabutan na nakakalokang tao, Nasaan sila?

"Maaga yata tayo.." He whispered, mabuti nalang talaga at crush ko 'to, kung hindi sinungalngal ko 'to ng nakakabarang salita. Obvious naman kasi, sasabihin pa! Hmp! Pakiss nga!

"Ganito nalang!" Sigaw niya, Inilapag niya ang gamit niya sa upuan at masayang hinarap ako. Bakit napakagwapo naman nitong crush ko?! Nagwawala nanaman ang makulay kong pagkatao dahil sa mga ngiti niya.

Idagdag mo pa 'yung yummy na katawan at mabuting puso. Shit, Anakan mo ako please!

"Hindi ba sabi mo sa'kin, dancing is one way of expressing yourself?" He asked at kahit takang taka ay tumango ako sa kaniya. He point his hands to the dance studio, kung saan mayroong malaking salamin na makikita ang buong kilos mo.

"Dance." He said at ipinagkrus ang mga kamay sa daks niyang dibdib, ugh!

"Ano?" Taas kilay kong tanong sa kaniya, pagkatapos ng usapan namin ni Tayler kagabi. Komportable na ako sa kaniya pero hindi sa apat, sa kaniya lang.

Hindi na ako natatakot magpakabakla kapag kasama siya kasi pakiramdam ko, tanggap niya ako.

Masaya 'yung kahit isang tao lang, tanggap ka.

Stuck In My Rainbow IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon