"O-okay lang" sagot ko naman habang hinihingal pa.

Tumango naman siya at ngumiti. Di ko naman naiwasang mapailing habang tinititigan ko yung nakakalokong ngiti niya.

"What?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"You're unbelievable. Pati matanda pinatulan mo" iiling iling kong sabi.

"Why not? Siya naman tong nauna ah! The audacity to call me MANLOLOKO! He doesn't know me kaya wala siyang karapatan! Besides, nagsabi lang naman ako ng totoo. Sa aming dalawa mas di katitiwala itsura niya no!" sagot niya na may kasama pang pag irap.

I chuckled at her cute reaction and shook my head.

"Di ka talaga marunong magpatalo no?"

Sinagot niya naman ako ng pag iling.

"Hindi talaga! Lalo kung may katwiran naman ako. Hindi ko hahayaan ang kahit na sinoman na tapakan yung pagkatao ko. Lalaban at lalaban ako lalo kung hindi naman totoo yung binibintang sakin" taas noo niyang sagot.

Tumango ako sabay sabing, "Made sense"

"Walang kahit sino ang pwedeng manapak ng pagkatao ng iba lalo na kung hindi mo naman kilala yung taong yun. Everybody deserves to be respected, to be treated right kahit ano pang estado nila sa buhay. Pero syempre, depende pa rin naman yun kung karespe- respeto yung tao. Once again, respect should be earned"

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang sinasabi niya yun. Seryoso siya. I never imagined her being so serious like this. Akala ko noon puro lang siya kalokohan pero may sense din naman pala minsan yung mga lumalabas sa bibig ng babaeng to.

"Hoy Lisa! Okay ka lang? Ano na? Tulala ka na dyan?" napakurap ako ng ilang ulit ng marealize kong ikinakaway niya na sa mukha ko yung kamay niya. Di ko napansin na kanina pa pala siya nagsasalita.

"Y-you were saying?" nauutal kong sabi.

Nginitian niya ko ng nakakaloko saka niya dahan dahang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Di ko maiwasang mapatingin sa chinita niyang mga mata pababa sa mapupula niyang labi. Napapalunok na lang ako habang pinagmamasdan siyang palapit ng palapit sakin. Her eyes also travelled from my eyes down to my lips. Gusto kong lumayo pero hindi ako makagalaw. Sumabay pa tong mabilis na pagkabog ng puso ko na halos dinig na dinig ko na. Kinakabahan ako at mas lalong lumala yung kaba ko when she licked her lower lip. Hindi na naalis ang tingin niya mula sa mga labi ko. Gosh! Is she going to kiss me? Parang hindi na ko makahinga at parang gusto nang sumabog ng puso ko sa sobrang kaba. Napapikit na lang ako at hinihintay ang paglapat ng labi niya sa mga labi ko ngunit segundo ang lumipas at hindi yun dumating. Hanggang sa nakarinig ako ng isang malakas na hagalpak. Napakunot ang noo ko at agad na dumilat. There I saw Jennie holding her tummy while laughing so hard.

"You should've seen your face Lisa! Hahaha! Akala mo talaga ikikiss kita?" pang aasar niya sakin habang pinagtatawanan.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang inis. I can't believe I waited for her to kiss me. Nakakahiya ka Lisa! Nakakahiya! Now she's dying laughing at me. I can't believe she made fun of me.

Sa sobrang inis ko iniwanan ko siya at naglakad papalayo. Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito sa Baguio but I really need to get away from that bitch.












"Hoy Lisa sorry na! 'To naman, binibiro ka lang eh!" dinig kong sigaw niya habang sinusundan ako.

"It's not funny!" sigaw ko pabalik sa kanya ng hindi siya tinitignan. Dirediretso lang ako sa mabilis na paglalakad.

Bad Chick [COMPLETED]Where stories live. Discover now