Chapter 22: Tamara Sartori

595K 15.8K 5.7K
                                    

Nate's POV

"Nate! Nate! Nate!"

"Ma! Ma! Ma!"

Kanina pa kasi panay sigaw si mama si baba. Hindi ko naman magawang iwan 'tong nilalaro ko. Baka mamatay. Sayang naman at malapit ko na ma-beat record ko.

Ayan na! Konti na lang, mabibeat na. Ha!

"Yo, dude!"

Nanlaki ang mata ko nang humarang si Warren sa may TV. Wala.. wala na. Wala na. Pinaghirapan ko 'yun tapos biglang may haharang lang. Wala na!

"Pakain nga. Gutom na kami."

Ilang linggo akong naghirap para lang ma-beat ang record ko tapos kung kailan malapit ko nang magawa saka may biglang iistorbo.

"Hoy! Pakain!"

Sinamaan ko ng tingin si Warren na hanggang ngayon ay nakatayo sa harapan ko.

"O? Problema mo? Para kang namatayan diyan sa itsyura -- "

"Peste ka! Namatay nga! Namatay nga ako sa nilalaro ko!"

Tumalikod siya para tingnan ang TV at saka tumingin sa akin at nagkibit balikat, "Ano bang malay -- " Bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya ay ibinato ko na sa kanya 'yung tsinelas ko.

"Aray!"

"Peste ka. Pinaghirapan ko kaya 'yun!"

"I didn't know, dude. Chill." Natatawa pa niyang sabi.

Ibabalibag ko pa sana 'yung kapares na tsinelas nang may magsalita sa gilid namin, "Para naman kayong bata. Umayos nga!" Awat ni Hailey. Nandoon pala sila ni Piper at parang nagpipigil pa ng tawa.

"Ang hirap kaya lagpasan ng record ko tapos may haharang lang!"

"Hindi ko nga sabi alam," natatawang sabi ni Warren.

"Bakit ba kasi humarang ka?!"

"Makikikain nga sabi ako."

"Magtiis ka ngayon ng gutom!"

"Hoy! Huwag kang madaya!"

"Awat na nga!" Natigil kami dahil sa pagsigaw ni Hailey, "Hindi naman sinasadya ni Warren, Nate. At ikaw naman kasi Warren, huwag kang basta basta eepal lang."

Magsasalita pa sana ako kaya lang narinig ko ang pag-ihit ni Piper ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napahinto siya at nag peace sign pero halata namang nagpipigil.

Hinawakan ako sa balikat ni Warren kaya napalingon ako sa kanya, "I'm starving, dude. Ihanda mo na kami ng pagkain."

"Silang dalawa lang. Magtiis ka."

***

"Hey," umupo ako sa tabi ni Tamara na nagpapahinga sa may gilid.

Siya lang kasi mag-isa kawawa naman. Si Hails at Pipes nasa may likod. Si Hunter man nandoon at malamang tulog. Si Warren naman bumili ng pagkain.

"Wala ka sa likod?"

"Anong katangahang tanong 'yan?"

Masyado namang straightforward ang taong 'to.

"Wala ka nga sabi ko."

Ayan. Tahimik na naman. Napakatahimik ng taong 'to. Buti napagtyatyagaan siya ng mga kaibigan niya kahit sobra niyang tahimik. Teka.. may kaibigan nga ba siya?

"May kaibigan ka ba?" Bago ko man mapigil 'tong bibig ko, nakapagtanong na ako.

Sinamaan niya ako ng tingin at hindi sumagot. Sabi ko nga e. Hindi na rin bago 'to.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon