Chapter 56: Resbak

328K 11.8K 4.6K
                                    


Nate's Point of View


Nakatambay ako sa terrace namin kasi hinihintay kong dumating si Pipes sa kanila. Oo nga at 'yung kasama niya ay mukhang nanay ni Hunter pero hindi pa rin maaalis sa akin ang mag-alala kasi hindi naman namin kilala sa personal 'yun.

Tama ba ang desisyon ko na payagan siyang umalis mag-isa? Lagot ako nito kay Tito Ken kapag may nangyaring hindi maganda sa bestfriend ko.


"Psst. Nate!"


Napatingin ako sa labas nang makita ko si Warren na kumakaway. Nasa tapat siya ng gate namin kaya lumabas na lang ako para hindi kami magmukhang tanga na nag-uusap ng gano'n kalayo kung pwede naman ng malapitan.


"Dumating na ba si Piper sa kanila?"

"Kanina pa nga ako nakatambay dito pero wala pa rin. Wala pa namang 7pm kaya chill muna tayo."


Naghintay pa kami ni Warren sa labas in case dumating si Pipes. Habang naghihintay ay lumabas si Hails sa kanila at tulad ng tanong ni Warren, kinakamusta niya kung nakauwi na ba si Pipes. Habang naghihintay, nakareceive ako ng text sa kaniya. Nasa may café daw siya ni Tita Cass.

Doon nagpapart-time si Hunter, ha. Baka magbabonding silang tatlo? Ayos, ha. Belong na sa family nila Hunter si Pipes. Family bonding na ba 'to?


"Bakit mga nakatambay kayo sa labas?" tanong sa amin ni Kuya Zane.

"Wala ka na do'n," inis na sagot ni Warren kaya bigla siyang siniko ni Hails.

"Anong problema mo Warren?"


Hindi siya sumagot at sinabi rin ni Kuya Zane na nagbibiro lang naman si Warren. Nang itanong niya ulit kung ano ang ginagawa namin sa labas, sinabi ko sa kaniya na hinihintay namin si Pipes. Sinabi ko na rin kay Warren at Hails na huwag na mag-alala kasi na kila Tita Cass lang naman siya.

Nang mag-7pm na, nagpasya na ako na puntahan na lang si Pipes sa café. Ayon ang sinabi ko sa kaniya, kaya ayon ang gagawin ko. May paninindigan ata ako.


"Sama ko," prisinta ni Warren nang sinabi kong pupuntahan ko na si Pipes.

Kung sasama siya, baka makita lang niya si Hunter. Baka malagot pa ako sa dalawa kung sakaling malaman ng iba na nagtratrabaho si Hunter. Mahirap na. Baka bugbugin ako ni Hunter at makatanggap ako ng unlimited irap kay Pipes.


"Huwag na. Ako na lang."

"Ihatid na kita, Nate. Dalhin na natin sasakyan ko," alok naman ni Kuya Zane.


Ibig sabihin noon, libre ang pamasahe ko at kumportable pa. Nice offer.


"Deal." Wala namang masama kung malaman niyang nagtratrabaho si Hunter. Hindi naman sila madalas magkita. Once pa nga lang ata sila nagkikita.

"Hoy, anong kadayaan 'yan. Siya pwede tapos ako hindi?"

"Hayaan mo na, Warren. Umuwi ka na lang sa inyo. May sasakyan si Kuya Zane. Mas convenient," katwiran naman ni Hails.

"Tss. Bahala nga kayo diyan."

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon