Chapter 31: I hate drama

470K 15.3K 5.8K
                                    

Hunter's POV

"Stop. Huwag ka munang uuwi."

Kalahating oras na halos ang nakalipas magbuhat nang magsialisan at magsibalikan sa classroom ang limang 'yun. Ngayon na nagbabalak akong umalis at umuwi na, bigla namang susulpot 'tong babaeng humila kanina du’n sa jock.

“Anong problema mo?” Kapag sinabi ko kayang nawalan ako ng trabaho dito mabibigyan niya ba ako? Hindi naman kaya bakit ko pa sasabihin. "Hindi ko alam kung ano ang trip mo. Kung badtrip ka, solohin mo na 'yang kabadtripan mo. Hindi mo kailangang mandamay ng ibang tao. Minsan 'yang katuwaan lang para sa 'yo, nakakasakit na sa ibang tao."

Hindi naman siya ‘yung bwinisit ko pero parang mas nabwisit pa siya kaysa du’n sa isa. Masyado naman ata 'tong isang 'to kung protektahan 'yung jock na 'yun.

"He likes her. Am I right?" Alam ko naman na ang sagot. Hindi ko alam kung bakit tinanong ko pa.

"Lalaki ka. Alam kong alam mo ang sagot diyan."

"He likes her as much as you like him. Hmm. Drama?” I yawned. “Boring."

“You’re hopeless,” inis niyang sabi saka ako sinamaan ng tingin at umalis.

Kasunod naman niyang dumating 'yung baguhang babae.

"Nag-eenjoy ka sa ginagawa mo, ano?"

"Tingin mo?"

“Oo, nag-eenjoy ka.” Bakit nagtanong pa siya alam naman pala niya? "Alam mo, hindi ka na namin maintindihan. Kung tutuusin, mababaw lang talaga ang nagyari kanina. Lumalim lang kasi may feelings na na involved. Hindi ka naman dense. Alam kong alam mo na may gusto siya kay Piper. Alam ko rin na nanadya ka lang. Pwede bang huwag ka na lang magulo?"

“Nakaupo lang ako dito.” Nang-iins kong sagot.

Inirapan niya ako pero wala akong pakialam. Mas malaki ang problema ko kaysa sa prinoproblema nila sa pesteng mga nararamdaman nila. Nawalan ako ng trabaho. Simpleng problema pa ba 'yun?

Saan ako ngayon kukuha ng pambayad ko sa kung anu-ano? Badtrip talaga.

Napatingin ako sa likod nu’ng baguhang babae. Nandu'n 'yung bestfriend nu’ng maingay. Lumapit siya sa amin at tinapik ‘yung baguhan.

“Kausapin mo nga lang ‘to at nakakairita na,” utos nu’ng baguhan. Naiirita na pala siya edi ‘wag na niya akong kausapin. Simple simpleng bagay ginagawang kumplikado.

Umupo sa tabi ko ‘yung maluwag ang turnilyo, “Anong – “

“Anong trip ko?”

“Hindi. Anong ginagawa mo? Bwisit panira ng linya ‘to,” sabi pa niya. “I won’t beat around the bush. May gusto ka ba kay Piper?”

“Wala.” Hindi ko alam kung joke ba ‘yung tanong niya o ano.

“Bakit pinapagselos mo si Warren?”

“Badtrip ako,” kibit balikat kong sagot.

Naramdaman ko na tinitingnan ako nito ng masama pero wala akong pakialam.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon