Chapter 47: Cheesecake

370K 12.3K 6.2K
                                    




Nate's POV

"Guess what," salubong sa akin ni Piper nang buksan ko ang video call niya. Para pa siyang nag-aadik na nagtataas baba ng kilay.

"Tinatamad ako manghula."

Sumimangot siya at saka ako inirapan pero bigla rin ngumiti. Konti na lang talaga iisipin kong adik 'tong bestfriend ko. Hindi ko maintindihan kung naiinis ba o ano.

"Hailey took care of Warren." Magsasalita pa sana ako pero tinaas niya ang kamay niya para patahimikin ako. "I saw her kanina. It seems like kakagaling lang niya sa house nila Warren. Isn't it sweet?"

"Anong sweet doon? Bestfriend niya 'yon malamang aalagaan niya."

Sinamaan na naman niya ako ng tingin at umirap. Grabe. Bilib ako sa mabilis na pagpapalit niya ng emosyon. Astig.

"That's not the point," irap na naman niya. Hindi ba 'to napapagod? "Ikaw! Would you do the same if I'm sick?"

"Kung ubo at sipon lang naman, hindi na kailangan. Itutulog mo lang 'yon ayos na eh."

"Same here. So that's the point. Do you get it now?"

Anong point sinasabi nito? Hindi ko talaga maintindihan 'tong si Piper. Ang gulo kausap.

"Seriously?" taas kilay niyang tanong. Umiling siya at saka napahawak sa noo niya, "Hay. I don't really understand kung paano kita naging bestfriend."

"Are you saying something?"

"Wala. Let's just sleep na lang kako. Night, Nate-y Nate! Mwa!"

"Goodnight, Pipes."

***

Nang medyo kumulimlim na ay lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Piper na nakaupo lang sa harap ng bahay nila habang nagbabasa at kumakain.

Tinawag ko siya at nang mapansin niya ako ay inilapag niya ang libro niya at ipinatong sa lamesa. Dinala naman niya ang platitong hawak niya at saka lumabas ng gate nila.

"Saan punta?" tanong niya at kumain ulit.

"Uhh.. dito na lang?" Tumango lang siya at nakatingin pa rin sa pagkain niya. "Pahingi nga."

Bastos kasi. Kain ng kain tapos ayaw alokin 'yung nasa harap niya.

"Nah. Hindi pwede," sagot niya at saka ulit kumain.

Sabi ko nga. Kapag talaga cheesecake ang kinakain nito umaandar ang pagkadamot niya.

Sinubukan kong agawin 'yung pagkain niya pero itataas ko pa lang ang kamay ko nakalayo na siya at hindi nagpaawat sa pagkain. Grabe ang kadamutan. Umaapaw.

Sinamaan ko siya ng tingin at pumasok sa bahay nila.

Inabutan ko si Tita Ayu na nasa sala habang pinapakain ng meryenda si Jarvis. Nang mapansin niya ako ay agad niya akong binati at kinamusta.

"Si Piper ba hanap mo? Nasa labas siya, ha? Hindi mo napansin?"

"Nakita ko po pero hindi po siya ang pinunta ko dito."

"Ano 'yon?"

"May cheesecake pa po ba kayo? Ayaw mamigay ni Pipes."

Natawa si Tita Ayu sa naging tanong ko kaya napakunot ang noo namin ni Jarvis sa naging reaksyon niya. Hindi naman ako nagjoke.

"Sige, sandali lang. Kukuha kita."

"Thanks, tita," masayang sabi ko sa kaniya at saka ko tinanguan si Jarvis. "Hello, liit."

Tiningnan niya lang ako at bumalik na sa pagkain. Hindi man lang sumagot. Manang mana 'to sa kapatid niya.

Nang maibigay sa akin ni Tita Ayu ang pagkain ay agad ko 'yong sinunggaban. At pagkatapos ay hinugasan ko ang pinangkainan ko kahit pinipigilan ako ni Tita Ayu.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon