Chapter 7: Attention seeker

628K 15.4K 4K
                                    

Piper's POV

Oh my God. If we're going to clean these rooms.. then I'll get dirty. I didn't bring any spare clothes with me pa naman. I thought minor cleaning lang. But I was wrong. Obviously.

"Uy, ayos ka lang ba? Tulala ka masyado." Pagbunggo ni Nate sa braso ko.

I nodded as my response kasi for sure sasabihan na naman niya akong mababaw.

Wala pa ni isa sa amin ang nagsisimulang maglinis. Si Hailey tinitingnan lang 'yung room. As if she's checking every corner. Si Hunter naman nasa labas and I don't even know what he is doing. Si Warren nakaupo lang sa may malapit sa pinto at nakasandal habang may nakalagay na earphone sa tenga niya. Si Tamara hawak ang phone niya at parang patext text lang. Or maybe she's surfing the net. I don't know. I don't care. Habang si Nate, ito dinadaldal lang ako at nagkwekwento ng kung anu-ano.

"Si liit nga pala, di pa ba mag-aaral 'yun?"

"Duh. He can't talk straight pa nga e. He is too young."

"Sorry naman di ba?"

"Whatever. Ikaw, ayaw mo na magkaroon ng kapatid?"

"Kahit ano. Para na rin naman akong may kapatid dahil sa mga pinsan ko."

"Sabagay. May apat ka nga palang pinsan ano? Mas matanda sa 'yo yung isa at mas bata 'yung tatlo. Infairness sa isa mong pinsan, he's cute."

"Crush mo?" Tukso niya sa akin.

"Nah. He's too cocky. Yabang e."

"Sakto lang kaya. Hindi naman -- "

Naputol ang sasabihin ni Nate nang biglang nagsalita si Warren, "Wala tayong matatapos sa ginagawa nating 'to. Baka pwede na tayong gumalaw galaw."

Hindi kami sumagot sa kanya pero mga nagsitayuan naman. We may hate each other's guts but we know naman na he has a point.

"Nathan, ayusin mo 'yung bintana. Ako sa pinto. Tamara, Hailey at Piper, kayo ang maglinis ng room. Tanggalin niyo 'yung mga alikabok. Magwalis walis -- "

"Teka lang. Sinong bumoto sa 'yo para maging in charge? Bakit utos ka ng utos?" Pagpapatahimik sa kanya ni Hailey.

"Walang kikilos kung walang magpapakilos. Hindi naman mahirap ang gagawin niyo kaya -- "

"Wow. Parang ang hirap naman ng gagawin mo."

"Sige, palit tayo. Ako ang gagawa ng gagawin mo, ikaw ang magbuhat ng nasirang pinto at magkabit nun pabalik." That made Hailey shut up. Warren has a point. Again.

Palabas na sana si Warren nang magsalita ulit si Hailey, "Sige. Ako ang gagawa sa pinto."

Nagkibit-balikat si Warren at tumango, "Edi ikaw."

Hailey seems hesitant. So what's the point in volunteering if di naman pala niya kaya. She is really weird.

"Maglinis ka na lang. Ako na sa pinto." Sagot ni Nate nang mapansin din niya ang pananahimik ni Hailey.

"Ayoko nga sabing maglinis. Bakit kayo ang may kailangan gumawa ng -- "

"Kung ayaw mong maglinis edi ikaw na lang sa bintana."

Mga nagtinginan at nagpakiramdaman lang kami kung anu-ano talaga ang gagawin. Stubborn people. Ugh.

I sigh, "So ano? Pakiramdaman na lang tayo dito? Wala tayong mapapala dito. Let's stick to the first plan. Warren on the door. Nate on the window. While the three of us will do the cleaning."

"Si Hunter pa." Sabi ni Nate.

Oo nga pala. "He'll fix the other door or window. Go! Do your thing!"

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon