Chapter 27: Groupless

489K 15.4K 3.9K
                                    

Tamara's POV

Naglalakad ako sa may hallway papasok ng classroom nang may makasabay akong dalawang babae. Nakakairita pa. Ang aga aga nagchichismisan agad.

"You know, what she did is so brave. Yet so stupid."

"More like stupid, girl. Ayun na kaya. She's admired and she's experiencing so much fame. Then all of sudden biglang magiging ganoon desisyon niya. It's foolish, right?"

"I know! Parang naghirap siyang kunin ang isang bagay tapos nang makuha na niya bigla niyang bibitawan. Sinong matinong tao ang maghihirap just to give up?"

Wala talaga silang magawang matino bukod sa pagfiestahan ang  buhay ng kung sino.

 Naiinis na akong pakinggan ang pinagkwekwentuhan nila kaya binilisan ko na ang paglalakad ko.

Nang makapasok ako sa room ay saktong palabas si Hailey.

"Good morning," bulong niya.

Tumango ako bilang sagot. Mahirap na kung may makakita pa sa aming dalawa na nag-uusap. Baka magkaroon na naman kami ng panibagong parusa. And that's the least thing I want right now.

Tinitingnan ko ang mga tao sa classroom. Kanya kanya ng mga trip sa buhay. Wala pa ang mga jocks dahil panigurado ay mga nasa court 'yun. Ang mga ordinaries naman ay nasa gilid at mga nagtatawanan. Nasa gitna kasi nila si Nate at mukhang nagjojoke. Ang Nerds naman, iba sa kanila ay mga nag-uusap. Ang iba naman ay nasa kaniya kaniyang upuan at nagbabasa. Ang rebels, karamihan wala pa. 'Yung mga nandito naman kung hindi natutulog, hawak lang ang phone habang nakataas pa ang paa. Ang populars naman ay nagchichismisan sa harap. Ang iba ay naglalagay ng nail polish o nag-aayos ng buhok. Everything seems normal. Not until I saw Piper.

Usually, makikita ko siyang nakikipag-interact sa ibang groupmates niya or nakaupo sa may teacher's desk. Pero ngayon she's alone. Nakaupo lang sa pwesto niya.

What's up with her?

Plano ko sanang abutan siya ng paper na may message kaya lang bigla nang dumating ang teacher namin.

Nang matapos na ang lahat ng subject namin para sa umaga, hinintay kong lumabas muna ang lahat para hindi ako makikipaggitgitan sa kanila palabas.

Sa dulo, nakita ko si Piper na mag-isa papalabas. Hindi ulit tulad ng dati na nauuna siya kasama ang mga kagrupo niya.

Dahil sa wala na rin namang tao, mabilis akong tumayo at naglakad para abutan siya saka siya hinila.

"Oh. Hey. What's wrong?" tanong niya.

Napataas ang kilay ko sa kaniya dahil parang mali na ako ang tinatanong niya. Dahil dapat siya ang tinatanong ko.

"May mali talaga."

"Anong mali?"

"Ikaw, anong tingin mong mali?"

Napaiwas siya ng tingin sa akin at ayun na ang nagsilbing confirmation ko. May mali nga.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon