Kabanata 40

69.4K 1.2K 94
                                    

Kabanata 40:
Married

Hindi ko magawang pigilan at kontrolin ang dumadagundong kong puso. Dinadama ko ang banayad na pagsimoy ng hangin na yumayakap sa akin. Bahagya akong nanginig sa lamig na hatid noon pero mas lamang pa rin ang pag-iinit ng puso ko. Hindi ko maitatanggi. Sobra sobrang nag-uumapaw ang halong kaligayahan at kaba sa akin.

Madilim ang paligid dahil gabi pero ang buwan na nasa taas ay nagbibigay liwanag para hindi tuluyang sakupin ng dilim ang buong paligid. Merong bon fire na nakikita ko malapit lamang sa dalampasigan ng isla kung saan kami ikakasal bukas ni Karson. Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman ko. Nanabik, kinakabahan, natutuwa, at naiiyak.

Isang araw na lang at asawa ko na siya.

I smiled in that thought. After the tough challenges, miseries and heart aches finally we're near on our destination. It just a few notch away. Tomorrow, I'll be Elysha Yvonhale Vicencio Solorzano Salvatierra.

Huminga ako ng napakalalim. Ano kayang ginagawa niya? Is he having fun with his friends now? O katulad ko ay narito at mas naaliw na isipin siya. I'm here in the veranda. Nagkakasiyahan sila Henessy sa loob para sa bachelorette party. Wala naman akong interes doon. Mas gusto ko na manatili na lang rito.

Karson and his guy friends went to a bar. Doon gaganapin ang stag party nila. Ayaw niya na may maganap na ganito pero mapilit ang mga kaibigan namin kaya wala na kaming nagawa. Humagikhik ako nang maalala ang nakabusangot niyang mukha nang makompirma na magkakaroon kami ng ganitong party. He's really not agreed on this.

So I wonder what he's doing now on his own party. Nakabusangot pa rin kaya? Humagikhik muli ako. My groom is quite possesive but then I love it. Hinawakan ko ang phone na nasa bulsa at tinawagan si Papa.

Gusto kong malaman kung tulog na ba si Lyle. Mamaya ko pa siya masasamahan sa kwarto. Ang Papa niya ay matutulog sa ibang villa para sa tradisyon na bawal magkita ang ikakasal ng isang araw bago ang kasal.

Nagring ang phone para sa tawag ko na agad namang sinagot ni Papa. Tumikhim pa ako nang hintayin ang pagsasalita niya.

"Elysha?" bungad ni Papa.

"Hello Pa." pagbati ko.

"Bakit ka napatawag anak? Hindi ka ba nasisiyahan sa Party na hinanda nila?" tanong ni Papa at mabilis akong umiling kahit hindi niya nakikita.

"Hindi naman po sa ganoon. Gusto ko pong malaman kung tulog na ba si Lyle. Gusto ko siyang yakapin." marahan kong sinabi at saglit naman na humalakhak si Papa sa kabilang linya.

"Napatulog ko na Ely. Gusto ka sanang makita bago niya ipikit ang mata pero sinabi kong mamaya ay tatabihan mo rin siya. He's sleeping peacefully now." napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Saglit na lang po ito at uuwi rin ako. Gusto ko na siyang mayakap." sabi ko kay Papa at ramdam kong nakangiti siya ngayon.

"Yayakapin ko siya para sayo Ely, mag enjoy ka sa party para mayakap ko ng matagal ang apo ko." tumawa ako sa sinabi ni Papa at napanguso. Hinayaan ko na si Papa at nagpaalam na ako. Napatitig ako sa phone at sa pangalan ni Karson.

I miss him. Maririnig niya kaya ang pagring ng phone niya kapag tinawagan ko siya? Maingay sa Bar at siguradong nagkakasiyahan na sila katulad ng mga kaibigan ko na narito. Pipindotin ko na sana para subukang makausap si Karson pero napahinto ako sa biglaang nagsalita.

"Elysha! C'mon tumatakas ka na naman! We're having fun here because of you, pero nawawala ka bigla." si Henessy na nahanap na ako. Hinawi niya ang kurtina sa veranda at napahinga ako ng malalim bago lumingon sa kanya. Sinilid ko ang phone sa bulsa.

One Night Misery (Misery Series #3) Where stories live. Discover now