Kabanata 21

95.9K 2K 962
                                    

Kabanata 21:
Father

Maaga akong nagising o hindi talaga ako nakatulog sa kakaisip at kababalik sa nangyari kagabi. What happened still felt surreal. Halos hindi ako makapaniwala na naroon sa kabilang kwarto si Karson at kasama ang anak ko.

Akala ko panaginip lang ang lahat pero nang makita ko siya pagbaba ko para magluto na ng almusal ay roon ko napatunayan na totoo nga ang lahat. Alas sais pa lang iyon at masiyado pang umaga kaya gulat pa ako ng makita siya sa living room na may hawak na phone at mukhang kakatapos lang sa katawagan.

Nagkaroon ng ingay sa paghakbang ko sa hagdan kaya naman napalingon siya sa akin. He's sitting in the sofa. He looks so out of place and an outcast here in our house. Nakaramdam ako ng hiya ng makitang nakaupo siya roon. Simple lang naman ang sofa at medyo kupas na ang kulay noon. Hindi rin kasing lambot ng nakasanayan niyang upuan.

Nagtama ang mata namin at agad siyang tumayo.

"Good Morning."

"M-Morning. Ang aga mo naman m-magising." nanginig pa ang labi ko sa pagbati sa kanya pabalik.

"I just need to make some calls to settle everything while I'm staying here." bahagyang namilog ang mata ko sa sinabi niya. Tumikhim ako.

"Puwede ka namang umuwi para sa trabaho mo. Hindi kami a-aalis rito ni Lyle." kita ko ang bahagyang pagbabago ng mga mata niya.

"I'll stay here. I left my work already. Kayo ang mahalaga sa akin kaya narito ako." my lips twitched on what he said. Inayos ko ang tayo at huminga ng malalim. Hindi pa ako sanay na siya ang unang sasalubong sa akin sa umaga.

I want to check Lyle in his room a while ago but when I remember that he's there, I stop myself. Mamaya ko na lang titignan si Lyle.

"U-Uh magluluto lang ako ng breakfast. Gutom ka na ba?" I tried to throw a casual conversation. Tumalikod na ako dahil parang hindi ko kayang tagalan ang titig niya. My heart thumped when I heard his footsteps behind me

Nagtungo na ako sa kitchen at hindi ko na binuksan ang ref dahil hindi pa naman ako nakakapamili simula noong makauwi kami ni Lyle. Mapapahiya lang ako kapag nakita ni Karson ang walang laman na ref. I open the cupboard to look what I can cook.

Naramdaman ko siyang naghila ng upuan. Mabilis na nag-init ang pisngi ko ng makita ang lata ng mga sardinas ang unang bumungad sa akin. My jaw almost dropped in embarrassment in the fact that he's watching from my back. Iyon ang normal na ayos dahil madalas ay iyon ang kinakain ko sa umaga kapag papasok sa trabaho. While Lyle is eating his cereals.

Hindi ko na nabago dahil hindi ko naman inaasahan ang pagdating niya kagabi. My cheeks flushed so bad. My feet froze in the ground and I tried to move my hands. May ilang corned beef roon at tuna. Mabilis akong kumuha ng dalawang lata noong dalawa at mabilis na sinara ang cupboard.

Pagkalingon ko naiwan pa rin ang mga mata niya sa cupboard. Lumingon ako roon at hindi ko pala nasara ng maayos. Binilisan ko ang kilos at hiyang hiya na sa kanya. Sobrang nag-aalab ang pisngi sa kahihiyan. Baka may iniisip na siyang kung ano kaya nagsalita na ako.

"A-Ako lang ang kumakain ng de lata at hindi ang anak mo." agap ko kung ano man ang iniisip niya sa nakita. He relocated in his seat.

"Wala naman akong sinasabi." the side of his lips curl a bit like suppressing a smile.

"Hindi pa ako nakakapamili kaya ganiyan. K-Kumakain ka ba nito?" hiyang hiya akong tumingin sa lata ng corned beef.

"B-Bibili na lang ako sa labas ng iba para makakain ka. Lulutuin ko lang 'to saglit."ako na ang sumagot sa sariling tanong at umayos muli siya ng upo. Ang mga palad ay pinaglalaruan na sa lamesa.

One Night Misery (Misery Series #3) Where stories live. Discover now