Kabanata 1

86K 2K 189
                                    

Kabanata 1:
Bump

"Ano ba talagang nangyari!?" narito na kami sa condo ni Henessy pero hindi pa rin ako makasagot. Patuloy lang akong umiiyak at humihikbi.

"Sinabi ko na sayo na huwag na huwag kang magtitiwala kay Freya! Bakit pumayag ka pa rin!" tumaas ang boses niya at nagbuga ng hangin. Pilit kinakalma ang sarili dahil alam kong galit siya sa akin.

Galit din ako sa sarili ko sa nagawang katangahan. Alam kong mali na pumunta pa ako sa lugar na iyon para kumpirmahin kung hindi ba ako niloloko ni Freya pero bago ko pa man malaman, naisahan niya na ako!

I am not aware that I already slipped my foot into her trap!

"Elysha, nag-aalala na ako! Tinatanong kita kung anong nangyayari pero puro iyak lang ang naririnig ko! Magsalita ka naman at nang maipa-pulis natin iyong babaeng iyon. Sinaktan ka ba?" sunod sunod niyang tanong at mas lalo lang akong napahikbi sa tanong niya.

Kung sasabihin ko ang totong nangyari kay Henessy walang pagdududa na gagawin niya nga ang sinabi niya. I know she can do that but I can't let everyone knows what happened to me.

I was drugged! Ngayon alam ko na kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko kagabi! Katawan man ang nagkokontrol sa akin noong mga sandaling iyon, ay malinaw pa rin sa isip ko na... ako mismo ay nagpaubaya sa lalaki na iyon! I give in and I was driven too on that weird feeling on my body.

I am not crying because of what happened between me and that man last night. Kung bakit ako umiiyak ngayon? Ay dahil nauto ako ni Freya nang walang kahirap-hirap. Paniguradong pinagtatawanan niya na ako ngayon, at hindi ko alam kung paano siya pagbabayarin sa ginawa niya.

Kilalang tao si Freya at mas marami siyang koneksyon. Sa kada maiisip ko na plinano niya ang lahat para makulong ako sa kuwarto kasama ang lalaki na iyon ay nagpapalamig ng katawan ko. Hindi ko inaasahan na higit sa iniiisip ko ang gagawin niyang paghihiganti dahil lang sa hiwalayan nila ni Kobe.

Heck, wala akong kinalaman sa paghihiwalay nilang dalawa. I did my best to avoid Kobe! Bakit ako ang laging nasisisi sa bawat hiwalayan kung ang mga lalaki ang pilit lumalapit sa akin, na kahit kailan ay hindi ko naman sila pinapansin!

I can feel how my heart crumpled. My mind was clouded in thoughts. Hindi ko alam kung anong unang iisipin!

"Hindi na kita kukulitin na magsalita pero huminahon ka na. Hahayaan muna kitang makatulog ngayon para makapagpahinga at pagkagising mo ay mag-uusap muli tayo." umaga na nang makarating kami sa condo ni Henessy at pinainom niya ako ng tubig para kumalma.

Katahamikan ang bumalot sa amin sa ilang minuto at iginaya niya na ako sa isang kwarto niya sa condo. Hinayaan niya na akong mag-isa para manatili sa kwarto.

"Nasa kabila lang ako, tawagin mo ako agad kapag may kailangan ka." malumanay niyang saad at bakas ang pag-aalala sa akin. Tumango lang ako at sinarado niya na ang pinto.

Wala na akong lakas na tumayo at maglakad pa patungo sa banyo para ayusin ang sarili. Sobrang nanghihina na ako sa lahat ng pangyayari kaya nakatulog ako ng may mga bakas ng luha sa pisngi.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Pagkagising ko na lang ay tumambad sa akin ang panghapong sinag ng araw. Masakit ang katawan ko at kaunti sa ulo. I can even feel the lump in my throat that making me hard to swallow.

Hinayaan ko muna ang sarili na makapag pahinga pa saglit at nang makapag adjust ang mga mata ko. Bahagya na akong kalmado ngayon kumpara kanina.

Nang makaramdam ng kaginhawaan at kaayusan ng katawan ay dahan dahan na akong tumayo. Pero agad ring napapapikit ng mariin nang maramdaman ang hapdi sa gitna ng mga hita.

One Night Misery (Misery Series #3) Where stories live. Discover now