Kabanata 20

93.6K 2K 270
                                    

Kabanata 20:
Papa

Hindi ko alam kung paano ko nasagot lahat ng tanong ni Lyle sa buong biyahe namin pabalik sa Romblon. Nagtataka siya nang gumising at nakitang nag-aayos na ako ng maleta namin. Kinukusot niya pa ang mata nang magsalubong ang kilay niya.

"We're going to leave today, Ma?" medyo gulat niya pang tanong at huminga ako ng malalim bago tumango sa kanya.

"Oo, Lyle. Uuwi na tayo sa bahay." sagot ko sa kanya at tuluyan nang nagbukas ang mga mata niya ngayon. Mukhang bahagyang gulat sa unang nasilayan niya nang magising.

"Okay, Mama. I'll take a bath now." iyon lang ang sinabi niya. Kahit alam kong may tanong pa na nasa likod ng mga mga mata niya na parang nag-aalinlangan niyang sabihin. Pero bahagya akong nakahinga ng maluwag roon dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanyang dahilan. Kahit na uuwi naman talaga kami pagkatapos ng dalawang linggo. Lagpas na nga sa dapat na araw.

I'm caressing Lyle's hair as I carried him. Malalim na ang paghinga dahil sa malalim na tulog pagkatapos ng mahabang biyahe. His head is resting on my shoulder as one of my hand is carrying the bag. Alas kwatro na ng hapon ng makabalik kami sa Romblon.

Ramdam ko na rin ang pagod na hatid ng biyahe pero hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin dahil bahagyang may tensiyon pa sa kalooban ko sa biglaang pag-uwi namin. I know I told Karson I'm going to think but I can't help to feel tense knowing that he's near to us.

Ni hindi ko pa nakakausap si Lyle tungkol rito. But I promise one of this days I'll tell him. Paunti-unti para hindi siya mabigla. Alam kong nanabik na siya na makita ang Papa niya at napakasama ko kung pagkakait ko iyon sa kanya. Tinulak ko ang pinto pagkatapos itago ang susi.

Bumungad agad sa akin ang sala ng bahay na bahagya akong nangulila. Nilapag ko ang maleta sa sofa at nagtungo sa hagdan para ilagay na sa kwarto si Lyle. I open the electric fan and lay him gently in the bed. Inayos ko rin ang comforter at nang masiguradong ayos siya ay nagtungo ako sa kabila para makapagbihis na.

Pagkatapos noon ay agad ko nang inasikaso ang damit na dinala namin at naglinis ng kaunti sa bahay. Nang mag alas sais ay nagluto na ako ng ulam. Mabuti na lang at may ilang stocks pa pala rito. Alas syete ng magising si Lyle at sabay na kaming kumain.

Pasulyap sulyap ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang ngumuya. Hindi ko alam kung dapat na ba akong magsalita pero napansin niya na ako.

"What is it, Mama?" halos mahigit ko ang hininga sa biglaang pagtatanong niya. Napahinga ako ng malalim at sumuko na. Mukhang dapat ko na yatang simulan ang pagsasabi sa kanya.

"Do you want to meet Papa?" marahan kong tanong at kitang kita ko ang pag-iiba ng ekspresyon niya. Mula sa kunot ang noo habang unti-unting namilog ang mga mata at umawang ang labi. Nahinto rin siya sa pag-nguya at mabilis na inabot ang baso ng tubig sa gilid.

Bahagya pa akong nag-alalala sa reaksiyon niya pero nang makita ang kumikinang at nagliliwanag niyang mata ay bahagya akong nakonsensiya sa pag-uwi namin bigla.

"O-Opo, Mama. M-Makikita ko na ba siya?" he said like he's hoping to see his father so soon. I shifted uncomfortably in my seat. Really guilty now on my decision. Gusto ko lang naman protektahan si Lyle.

"Y-Yes baby. I just need to tell you about it first. Tapos makikita mo na si Papa." nauubusan kong hangin na sinabi at bahagya pang nanginginig ang tinig. Mas lalong namilog ang mga mata ni Karlaisle. His eyes glistened more in delight.

"S-Sige po, Mama! I'll wait for him. Is he not busy anymore?" nanikip ang dibdib ko sa huli niyang tanong. Umiling ako.

"Hindi, Lyle. He really wants to see you."

One Night Misery (Misery Series #3) Where stories live. Discover now