Kabanata 11

62.4K 1.7K 413
                                    

Kabanata 11:
Sick

"Finally! God I miss you Lyle!" maingay na sumalubong sa amin si Henessy pagkatapak pa lang namin sa loob ng condo niya. The interior of the condo change a bit but seeing this place feels so nostalgic. Ang daming alaala na nagbalik sa akin sa nangyari rito anim na taon na ang nakakalipas.

Lyle groaned when his Ninang give him a numerous kisses on different part of his face. Lagi talaga siyang gigil kay Lyle. She just giggled when she saw Lyle's brows furrowed because of protest.

"Noong huling bisita ko sa inyo sobrang cute nitong si Lyle! Ngayon ay sobrang guwapo na!" aniya at humagikhik habang kinukurot ang pisngi ng anak ko.

Lyle's face contorted and look at me to ask for help. Tumawa naman ako at inawat na si Henessy dahil baka mamaya ay bad trip na si Lyle.

"For sure you're going to be a living heartbreak for girls!" humagikhik si Henessy bago ibaba si Lyle at ibigay sa akin. Hinalikan niya pa iyon sa pisngi.

"Iniinis ka na agad ni Ninang?" bulong ko kay Lyle at tumulis lang ang nguso niya at tinago ang mukha sa leeg ko.

Mukhang badtrip na yata.

"Tara kain muna tayo! Kanina pa ako nagluto para sa pagdating niyo! Miss na miss ko na kayong dalawa!" masayang ani Henessy at iginaya na kami papunta sa kusina.

I'm carrying Lyle in my arms while walking to the dining area.

"Kailan mo pinalitan ang interior?" tanong ko sa kanya habang naglalakad at saglit na napahinto ng maamoy ang niluto niyang pagkain. Maging si Lyle ay gumalaw ang ulo sa leeg ko dahil sa pag-amoy ng pagkain.

"Pangalawa ko ng palit ito, iyong una three years ago. Ito pangalawa, last year lang." sagot ni Henessy. The peach color walls are gone now and change with a pastel color pink. Ang ibang bahagi ay pastel rin ang kulay at sigurado akong pati ang loob ng mga silid.

May nadagdag ring ibang mga furniture sa ilang parte ng condo. The lights are changed too and the carpet under the couches. Henessy's old condo look so luxurious now. Kung hindi lang ako tumira rito noon ay iispin ko na ibang iba na ito ngayon sa dati.

"Do you ask some interior designer to for this?" tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ni Lyle. Si Henessy naman ay tuwang tuwang pinagmamasdan ang bata.

"Well, my boyfriend did this as my favor." halos mabitawan ko ang platong hawak na may lamang pagkain dahil sa sinabi niya.

"Philip did this?" tanong ko. Inaalala iyong nakuwento niyang boyfriend sa akin noong magkatawagan kaming dalawa.

"Yeah, did I forgot to tell you that he's an architect?" she giggle and Lyle's innocent face turned to her.

"Wala akong narinig na sinabi mo."

"Yeah, sorry. Nakalimutan ko."

"Mukhang nakakaisturbo yata kami rito. Maghahanap na lang kami ng matutuluyan ni Lyle." sabi ko at nanlaki naman ang mata ni Henessy at napasinghap.

"Of course not! Philip just coming here if I ask him. Hindi siya madalas rito. Ako ang madalas sa lugar niya." halos taliman ko ng tingin si Henessy nang sabihin iyon sa harap ni Lyle.

"Henessy!" saway ko at humalakhak lang siya.

"Lyle won't understand it! He's just five!" she exclaimed and I just shook my head.

Pagkatapos kumain ay pinatulog ko na si Lyle sa dating kwarto na tinutuluyan ko. He's exhausted on the ride so he fell asleep easily. Pinatakan ko muna siya ng halik sa noo bago umalis sa kwarto. Halos mapatalon ako ng madatnan na nasa gilid na ng pinto si Henessy pagkalabas ko.

One Night Misery (Misery Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon