Kabanata 15

76.3K 1.8K 528
                                    

Kabanata 15:
Rage

"S-Sorry wala na palang bakanteng puwesto rito sa amin. M-May natanggap na kanina." bumagsak ang balikat ko ng marinig iyon mula sa babae.

"Sigurado ka? Puwede bang makausap ang manager?" tanong ko at kitang kita ko ang nag-aalinlangan niyang tingin ay nagsalubong.

"Hindi ka ba naniniwala? Hindi ba't wala na nga?" napasinghap ako sa biglaan niyang pagtaas ng boses dahilan para mapabaling sa amin ang ilang costumer na nasa loob ng coffee shop.

When they eyes went on me I heard whispers in an instant. They forehead creased and there's a scowl etched on their faces. And I can clearly read the words they saying. In the way they stared and look at me with disgust, I know an insults is running inside their mind now.

"Makakaalis ka na. Baka malasin pa kami bigla!" pagtataboy ng babae at hindi na ako nagsalita at tahimik na lang na lumabas.

"Desperada." narinig ko pang bulong niya at ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Mabilis akong huminga ng malalim at lumunok para mabilis na pakalmahin ang sarili.

Unang subok ka pa lang naman iyon at marami pang susunod. I have a list of hirings that I can apply today. Nasa hospital pa rin si Lyle at kahit ayaw kong iwan siya ay kailangan kong maghanap ng trabaho. Para mabayaran ko na si Karson at matapos na ang galit niya sa akin.

Kaya sumubok muli ako sa iba pa. Nakatingin ako sa phone habang nakabukas ang app na merong mga bakanteng trabaho. Pero nagtataka ako dahil parang pare-parehas lang ang sagot nila. Para bang lahat nagkaisa silang lahat na sabihin iyon sa akin.

Iyong una, sa isang mid class resto ulit.

"Pasensiya na Miss, wala ng bakante rito. Lumipat ka na lang sa iba." tumaas pa ang kilay sa akin ng babaeng manager.

"Po? Pero ang sabi po rito ay kailangan niyo ng sampu---"

"Wala na. Nakakuha na kami kahapon. Alis." masungit niyang sinabi at tinaliman ako ng tingin. Umawang ang labi ko lalo ng pasadahan niya ako ng tingin.

"S-Sige po. Salamat." pagsuko ko na lang dahil mukhang wala na akong pag-asa roon. Sinundan pa ako ng mga taong kumakain roon ng umalis.

Pangatlo, sa isang fast food chain.

"Miss wala na. Puno na ang mga employees namin. Hindi ka na puwede rito." sabi ng babaeng manager at sinamaan pa ako ng tingin.

"Ganoon po---" she immediately cut my sentence before I could even finish it.

"Layas na. Nakakasira ka ng negosyo e." nanikip muli ang dibdib ko lalo na ng pagsarhan niya ako ng glass door kahit hindi pa ako nakakapagpasalamat. Napatingin ako roon sa mga taong nakatunghay sa akin. Even I can't hear them because of the glass wall, I can see their laughs. My heart ache and I turn my back without saying anything.

Sumubok pa ako sa mga sumusunod pero kung hindi pagtatanggi ay pangungutyang tingin at pagpapahiya pa sa akin sa pagtataboy ang ginagawa. Wala naman akong ginagawa at maayos silang kinakausap.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi lang nagtext sa akin si Henessy na tulog na si Lyle at napainom niya na ng gamot ay hindi ko pa malalaman. Alas dos na at hindi pa ako nakakain para sa tanghalian. Hindi ko naramdaman ang gutom kanina dahil mas lamang ang bigat na meron ako sa dibdib.

Pero ngayong naglalakad ako, ramdam ko na iyon. Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa gutom at nanghihina na ako. Sumilong ako sa isang saradong tindahan at umupo sa sementong upuan sa gilid.

I bring out the sandwich from my bag and the bottled water. Tahimik akong kumain. Hindi ko maiwasang bagalan minsan ang pagnguya dahil may nagbabarang bukol sa lalamunan ko. Nag-init rin ang mga mata ko ng bumalik sa akin ang nangyari kanina. Napasinghap ako at mabilis na uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili.

One Night Misery (Misery Series #3) Where stories live. Discover now