Kabanata 12

72.2K 1.9K 408
                                    

Kabanata 12:
Money

I don't have any idea how to find Karson. Ang tanging alam kong lugar ay ang kompanya nila. But I heard on the news what happened so for sure he's not there. Pero saan? Hindi ko alam kung saan unang maghahanap.

Cold bullets of sweats is forming in my forehead because of worry. Hindi ko kayang iwan si Lyle sa ganoong sitwasyon pero kailangan kong umalis para makahanap ng paraan. Nasa labas ako ng hospital at naghihintay ng masasakyan.

Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan habang hawak ang telepono. I type his name to search for his whereabouts. Nagbabakasali ako kung nasaan ang funeral venue ng chairman sa pagbasa ng mga articles na nasa internet.

And to my lucky, I read it from one of the articles I read. I sigh in relief for knowing the place. My hands is trembling while I'm in a cab. Sinabi ko na ang address ng lugar sa driver. Nanlalamig pa rin ako at todo ang pintig ng puso ko para sa halo halong emosyon. Kaba, takot, pag-aalala at pag-aalinlangan. Lahat iyon ay sabay sabay kong nararamdaman ngayon.

I don't even know if I can do this but everytime I see Lyle's image with his heavy breathing I finally decided, I can. Ni hindi ko nga sigurado kung naroon siya sa lugar na iyon pero wala na akong iba pang maisip kung naroon nga siya. So I will just hope for my luck again.

Nang mahinto ang cab sa isang marangyang establisyamento ay todo todo na ang pintig ng puso ko. The solemn and serene place give me shivers down my spine. Lumala ang lang lalo ang nararamdaman ko ng makita ang malaking litrato ng chairman sa lobby ng ilang palapag na building.

There are some media in the side of the lobby. Nagpupumilit na makapasok pero hindi hinahayaan ng tatlong guard na nasa harap. Bigla akong napalunok sa nakita. Mukhang mahigpit ang seguridad rito at mukhang malabo akong makapasok ng ganoong kadali.

Lumapit ako sa harap at agad akong napansin ng isang guard.

"Miss? Anong kailangan mo?" pigil agad sa akin ng guard. The media turned to me and my eyes can't escape how their lips pursed as their eyes went down on my clothes. Wala na akong pakialam kung insultuhin man nila ako ngayon. Mas mahalaga ang kalagayan ng anak ko kaysa sa sasabihin nila.

I heaved a sigh before I speak.

"I need to talk with Karson Dwight Salvatierra. Nariyan ba siya?" magalang kong tanong sa guard at agad na nagsalubong ang tingin niya.

"Sino ka ba Miss? Bawal ang magpapasok nang kung sino rito." aniya at dumapo rin ang tingin sa suot ko katulad ng ginagawa ng iba. Pero ang paraan niya ng pagtingin ay iba. I just ignore his uncomfortable stare. This is not the time to step back.

Sa bawat minutong magdaan ay iniisip ko ang palalang palala na mabigat na paghinga ni Lyle ay kinakapos ako ng paghinga. I will bare all of their offending stares for my son.

"Please, kailangan ko lang talaga siyang kausapin. Kahit na samahan niyo ako sa loob o tawagin niyo siya rito. Mahalaga ang sasabihin ko." I beg. Ngumisi lang siya na para bang nakakatawa ang sinabi ko.

"Miss pinagloloko mo ba ako? Hindi ko iyon magagawa. Masisisante pa ako sa inuutos mo e. Umalis ka na bago pa kita kaladkarin rito." naging suplado na ngayon ang tono niya at mariin pero mas pursigido ako sa dapat kong gawin.

"Kuya, please. Hindi ako mang-gugulo. I'm Elysha Vicencio. Sabihin mo sa kanya ang pangalan ko kung ganoon. Kailangan ko lang siyang makausap." pakiusap ko ulit pero para siyang bingi sa bawat salitang binibigkas ko.

"Mabuti pa at umalis ka na, Miss. Wala kang maloloko rito!" pagtataboy ng guard at napasinghap ako sa sinabi niya.

Hinawakan ko siya sa braso na ikinagulat niya.

One Night Misery (Misery Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon