Chapter 23: Someone Not In A Good Mood

Start from the beginning
                                    

"Maaga pa naman, you still have time to do the thing you wanted to do last night." Atsaka ito napa iling ng maraming beses bago tuluyang lumabas na ng aming kuwarto. "Gosh!" Sambit nito noong padabog na isinara ang puntuan.




Noong masigurado ko na wala na si Sommer, doon ko na pinakawalan ang tawa na kanina ko pa pinipigilan. Naluluha ang mga mata atsaka napapahawak pa ako sa aking tiyan dahil sa sobrang pagtawa. Habang si Adriana naman ay wala parin sa mood na nakatingin lamang sa akin. Naka cross arms lamang ito at nakataas ang kilay.



Awtomatiko akong natigilan at mabilis na napapunas ng aking luha.



"Sorry, hon. Pati ba sa akin nagagalit ka?" Sabay kagat ko sa aking labi dahil sa nagbabadya ko na naman na pagtawa.



"Isa ka pa!" Sabay walk out na sabi nito at agad na nagkulong sa loob ng CR.



What? At ano naman ang nagawa ko? Tell me guys, what did I do wrong? Ugh!



-------





Kahit hanggang sa pagkain namin ng breakfast hindi parin ako pinapansin ni Adriana, maging si Sommer. Tahimik lamang ito na animo'y mayroong dalaw.



Kahit na naka busangot pa ito, still, she is really breathtaking beautiful. At kahit pa ilang beses pa siyang mag sungit, ayos lang. Ang cute niya kaya kapag nagsusungit minsan. Haha.



"Hey, Adriana. How's your night? I expect you had a wonderful night, pero bakit mukhang nalugi ka yata ng ilang million?" Tanong ni Billy habang naka ngisi.




Agad na pinuno ko naman ng maraming pagkain ang aking bunganga, upang maiwasan ang mapa ngiti o ang matawa.



Hindi naman napigilan ni Breeze ang mapatawa pati na rin ang kanyang asawa na si Catherine.



"Awww. Rough night?" Pang-aasar pa niya. "Well, My wife and I had a great night. We are alone in our room and there is no cousin who is drunk. What about you Billy?" Sabay tingin nito ng nakakaloko kay Billy.



Oh uh. They are so mean.



"Ehem!" Pag tikhim nito. "Aerin and I had a great night too. We are also alone in our room and you know...."




"Oh, shut up. Will you? Don't act as if you have nothing to do with what happened." Sabay irap na saway ni Adriana sa kanila.



Dahilan upang  sabay sabay naman na mapatawa ang apat maliban sa amin ni Sommer.



Dahil ako, hindi ko talaga magawa ang matawa dahil sa pagkain na nasa aking bunganga, habang si Sommer naman ay masama parin ang loob dahil sa mangyari kanina. Mabilis na nilunok ko naman ang pagkain na nasa aking bunganga pagkatapos ay napa inom ng maraming juice.




"I don't want to talk about it. Please?" Wikang muli ni Adriana at muling ipinagpatuloy ang pagkain.



"Paanong hindi naka busangot 'yan, eh hindi naka score kagabi." Mapakla na sambit ni Sommer.




Noon na kami natawang lahat. Awtomatiko na namula ang mukha ni Adriana dahil sa magkahalong inis at kahihiyan sa kanyang mga kaibigan. Hindi na ito muling kumibo pa at wala ng kahit sino sa amin ang gusto pa nitong kausapin hanggang sa tuluyan na naming baybayin ang daan pabalik ng Manila.



"Hon, can you please talk to me?" Pag papaamo ko sa kanya. Nakakabingi na kasi ang katahimikan na bumabalot namin sa loob ng sasakyan.




HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now