Chapter 28 Dexter's Past

67 13 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Taejin sa bahay ni Axel.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Taejin sabay turo kay Dexter na nakatali sa upuan.

"Uhh..." 'Yan na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil wala na akong masabi.

____________________________________________

*Flashback*

"K-kuya? Anong ginagawa mo dito?" I asked, bigla na lang siyang lumitaw! Saan ba 'to galing?

Taejin look at me with an irritated face, "Malamang para iligtas ka." He said sarcastically.

Mayamaya biglang niyang sinuntok si Dexter. Dahil sa lakas ng suntok, nahimatay si Dexter.

Binuhat ni Taejin si Dexter, hindi man lang siya nabigatan?

"Anong gagawin mo sa kanya? At saka bakit wala ka school kanina—" Napitigil ako sa pagsasalita ng tinitigan ako ni Taejin ng masama.

"Mamaya ka na mag tanong." He said in a serious tone, and it was scary.

Pagkatapos nun naglakad na kami. Sa buong lakad namin, hindi kami naguusap kaya ang tahimik.

_________________________________________

*End of Flashback*

"Bakit sa bahay ko pa? Wala ba kayong mga bahay, ah?" Axel asked while doing a facepalm.

"Malaki bahay mo eh." Taejin said.

"Ay wow, me-ganon? Pag malaki bahay, doon dadalhin yung kriminal?" Axel asked then stared at us.

Bakit natatawa ako, this is a serious situation and I'm gonna laugh in no time.

No! do not laugh, Ryujin!

Habang nag sasagutan sila, tinaas ko ang kamay ko, nagbabaka sakali na mapansin nila ako.

Agad tumingin sa akin si Taejin "Ano? May sasabihin ka?" He asked in an irritated tone.

Galit pa rin ba siya sa akin?

"Gising na siya." Sabay turo ko kay Dexter.

Agad naman nilang nilapitan si Dexter, nang magising na ng tuluyan si Dexter, tumingin tingin siya sa paligid, "Nasaan ako?" He asked.

"Ay, akala ko magsisisigaw ka kung nasaan ka, hindi pala." I said, kakapanood ko siguro ng drama—jusko.

" 'Lah, me-ganon?" Axel asked, halatang gustong mag joke eh.

"Titigilan mo yang 'Me-ganon' mo o sasapakin kita?" Taejin threatened, hindi ko na sasabihin kung anong tono.

Napakairitado naman ni Taejin ngayon, ano ganap, ha? Sarap mo ring sapakin eh.

"Dinala niyo ba ako dito para maging hostage niyo?" Dexter smirked.

"Hindi, magtatanong lang kami." Taejin said.

Dexter smiled agressively, "Wala kayong makukuha sa akin."

Nabuang na si Dexter.

Mayamaya biglang umayos si Dexter, "Biro lang. Sige, magtanong kayo." Biglang nag relaxed si Dexter.

May kriminal bang ganon? Ayos yan.

"Bakit parang nagiba ugali mo, may plano ka nang makatakas no?" Axel asked.

Dexter shook his head, "Wala akong balak na tumakas, kung puwede nga lang sana dito na lang ako eh."

This person is weird, bigla na lang nagbago yung ugali niya. Pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot sa kanya!? What the hell?

Time's Chosen OneWhere stories live. Discover now