Chapter 27 오랜만이야

77 11 1
                                    

Ryujin's POV:

[September 24, 2020: Monday]

It's the start of second semester. Panigurado, lesson agad ang bubungad pagkapasok ko sa classroom.

Kumusta na kaya sila? Si Taejin, si Axel, si Yuri, si Mikael, ayos lang kaya sila?

Mahigit isang buwan kaming hindi nagkikita.
Hindi ko alam kung galit pa rin ba sa akin si Taejin.

...Kumusta na kaya silang lahat.

Naglalakad ako ngayon papasok sa school nang may biglang umakbay sa akin.

Kilala ko na'to.

"Kumusta, Ryujin! Naging okay ba summer vacation mo?"—It was Axel, napaka ganda ng ngiti niya, wala pa ring nagbago, masiyahin pa rin siya.

"Wala, nasa bahay lang ako, dapat nagstay na lang ako sa hospital, at least doon nakakausap kita." Tapos pinakita ko sa kaniya ang 'malungkot' kong mukha.

Well... Mga ilang linggo kami na confined ni Axel kaya marami kaming nagawang kalokohan—secret na yun.

"Sayang nga eh, nauna kang na discharged kaysa sa akin eh." Axel said.

Habang naglalakad kami, napapansin kong kanina pa palingon lingon si Axel sa likod namin.

"Ba't ka lingon ng lingon? Ano tinitignan mo?" I asked, na curious na ako.

Bigla niyang hininaan ang boses niya, "Bakit parang may sumusunod sa atin?" Axel asked.

Ahh, nagtataka na rin ako, nung nakaraang buwan, may sumusunod din sa akin sa tuwing lalabas ako ng bahay.

Pero, sana naman hindi sila iisang tao.

"Anong hitsura niya?" I also lowered my voice.

Biglang nilapit ni Axel ang bibig niya sa tainga ko, "Maputi ang mga suot niya. At puti rin yung... buhok? Parang normal lang siya na tao eh." Axel said. Nagulat din siya sa nakikita niya.

Napaisip ako, bakit parang may nakaharap na ako na ganung tao?

Bigla akong napatigil sa paglalakad.

Naalala ko na, kilala ko siya!

Agad kong hinila ang kamay ni Axel at tumakbo ng mabilis.

"Woi, woi! Teka! Bakit tayo tumatakbo?" Nagulat si Axel sa ginawa ko.

"It was Dexter!" I shouted while running.

"Hah!?"

Nakita ko kung paano nagulat si Axel sa sinabi ko.

Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng school.

Nang makarating na kami sa school, tumigil kami sa entrance gate para makahinga.

"Sa tingin mo...siya ba may gawa noon?" Axel asked while catching his breath.

I was confused, " ...Ng alin?"

"Siya ba yung sumagasa sa atin?" Axel asked again.

Nagulat ako sa sinabi ni Axel. Paano kung siya nga, ako ang puntirya niya! Ako ang tinatarget niya—nila!

"Sa tingin ko, siya nga. Pero hindi ako sigurado kaya susubukan kong alamin ko mamaya." I said.

Natatakot ako, wag muna ngayon!  Kakasimula pa lang ng 2nd semester, oh!

"...Hayaan mo na muna 'yun, pumasok na tayo, baka ma late tayo." Axel only said.

After that, pumasok na kami sa school.

Time's Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon