Chapter 16 Ryujin's Ancestor

124 19 1
                                    

"Ikinagagalak kitang makilala, Kang Ryujin, ang taong ipinagkalooban ng kapangyarihang makagamit at kontrolin ang oras."

I don't understand pero ang sakit ng kaliwang balikat ko!

"S-sino ka ba? At saka kilala ba kita?" I asked.

Kamukha niya ng kaunti si Taejin, hawig niya rin si dad.

"Hindi mo ako kilala? Hindi na rin kita masisisi kung hindi mo ako kilala dahil nanggaling ako noong matagal na panahon pa, napaka tagal na panahon." He said, mas na curious ako nung sinabi niya yun, matagal na panahon?

"M-matagal na panahonー?"
"Mamaya ka na magsalita, gamutin mo muna ang sugat mo." He said.

What? How does he know I can do that? May alam siya kung paano gumagana ang kapangyarihan ko?

"Anong sabi mo?"

Napangiti siya, ang gwapo niya, kamukha niya talaga si Taejin!

"Bilang ninuno mo, matagal ko nang alam kung paano gumagana ang kapangyarihan mo." He said.

What?! Ninuno?! You mean you're my Ancestor?!

"Ha-?!"

"Pagalingin mo muna ang sugat mo." He inisisted.

I don't know how pero sinubukan kong kumalma at mag focus, sinubukan kong ikontrol ang oras ng katawan ko kung kailan wala akong sugat.

Mayamaya lumabas ang bala sa kaliwang balikat ko at dahan dahan itong bumalik sa loob ng baril. Sunod kong nakita ay ang paggaling ng sugat ko, nawala lahat ng dugo, bumalik ito sa dati.

I was shocked, "T-totoo ba 'to?"

He replied, "Marami ka pang puwedeng gawin sa kapangyarihan mo, Kang Ryujin."

I can't believe it but I'm happy.

Bigla siyang lumapit at pinagmasdan ang mukha ko, "Gwapo ka nga, kamukhang kamukha mo ang anak ko." He said with a smile on his face.

"Sino po ba ang anak niyo?" I asked.

"Ang Ama ng lolo ng lolo ng lolo ng papa mo." He said.

I don't understand.

"Hindi ko po maintindihan ngunit naniniwala na po ako na nanggaling nga po kayo sa nakaraan." I said.

He smiled, that smile, unti na lang mahuhulog na ako sa ninuno ko-joke!

"Ngayon na nahanap na kita, maaari mo na ba akong ibalik sa aking panahon?"

Is he asking me na ibalik ko siya sa kapanahunan niya?! Paano ko naman magagawa yun?

"Hindi ko po alam kung magagawa ko po 'yun." I told him and he suddenly looks dejected.

"Pero may tanong po ako sa inyo." I continued.

"Ano iyon?"

I cleared my throat, "Paano po ba ako nagkaroon ng ganitong kapangyarihan?"

Agad niya muna akong itinayo sa pagkakaupo bago siya magsalita, "Dahil sa aking ama na may mabuting kalooban, dahil sa kanya lahat ng lalaki sa ating pamilya ay biniyayaan ng kapangyarihan na galing sa mga diyos, kapangyarihan na nababagay sa atin, binigyan ako ng lakas at pinangalagaan ko ito." He said.

Nagulat ako sa sinabi niya, ibig sabihin pati si Taejin at si Dad may kapangyarihan din?!

"Hinding hindi ko makakalimutan ang huling sinabi ng Diyos ng Oras bago ka niya pagkalooban ng kapangyarihan niya." Dugtong niya.

What might that be?

"Ano ito?"

He smiled, "'Dadating ang panahon sa pamilya niyo na may magkakaroon ng kapangyarihan na taglay ko' at ang panahon na iyon, ay yung ipinanganak ka sa mundong ito." He quoted kung ano sinabi ng Diyos ng Oras.

Time's Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon