Chapter 26 Bestfriend

70 14 0
                                    

Agad kong hinabol si Taejin para magpaliwanag.

Pero... Ano naman ang ipapaliwanag ko?

Nang mahabol ko na siya, hinawakan ko agad ang kamay niya, "Kuya, mali ka ng iniisip!" I shouted while I tried catching my breath.

Agad niyang hinila ang kamay niya sa hawak ko, "Anong mali? Ryujin, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mo hinalikan si Yuri!" Galit na galit si Taehin, at para siyang naiiyak pero pinipigilan niya ito.

Hindi ko na alam ang naiisip ko at bigla kong tinanong, "May gusto ka ba ka Yuri-"

"Oo! May gusto ako sa kaniya!-Matagal na!"

Nagulat ako sa mga salitang narinig ko galing ka sa kaniya.

Hindi ako makapag salita, kaming magkapatid-nagkakagusto sa iisang babae.

Siguro pati si Yuri, nahihirapan na.

"Hindi ko naman ala-"

"Umalis ka na lang, Ryujin. Baka kung ano pa magawa ko sayo." Taejin slowly said, pero nakakatakot pa rin ang boses niya.

Pero nagpumilit ako na samahan siya, "Pero ayoko, dito lang ako-"

"Umalis ka na!!" Taejin finally snapped and shouted loudly, at ikinatakot ko yun, kaya dahan dahan akong umatras at tumakbo.

Tumakbo lang ako ng tumakbo, inaasahang maalis 'tong masakit na nararamdaman ko kapag nawala na ako. Hindi ko na rin nakikita ng malinaw ang kapaligiran ko, ay... hindi ko namalayan na may tumulo na luha sa mata ko-hindi ko na rin napigilan.

Tumigil ako sa pagtakbo at bumagsak ang katawan ko sa pagod at sa sakit na nararamdaman. Napaluhod na lang ako.

...Hindi ko alam ang gagawin ko.

....

Sa isang di inaasahang pangyayari, nagbago ang paligid ko. 'Tila ba ay nasa bahay ako ni Axel.

What is happening?

Tumayo ako at tumingin tingin. Nakatayo ako malapit sa pinto and I saw Mikael and Taejin talking in the pool.

"Anong ginagawa mo dito? Ayaw mo sumali sa kanila? Masaya sila dun oh." Taejin said.

Mikael just smirked, "I should be the one asking that question to you."

"Gusto kong tumambay dito eh, mahangin, masarap sa pakiramdam."

"Yun lang ba talaga? Eh bakit parang nagseselos ka sa nakita mo kanina?" Mikael asked.

"Oo na! Nagseselos na ako kasi gusto ko si Yuri! Ano? Masaya kana?" Taejin irritatedly said.

Mikael just laughs, "Bakit ka galit? Hindi mo naman kailangan magalit ah."

"Sorry, nabigla lang." Taejin sighs.

"Iniisip mo ba kung may pagasa ka kay Yuri o wala?" Mikael asked.

"Alam ko naman na wala na akong pagasa sa kaniya sa simula pa lang eh, at saka ayokong magaway kami ni Ryujin nang dahil lang sa isang babae." Taejin just looked at Mikael after that.

Woah, Kuya, I-

"So, are you saying na ibibigay mo na lang siya kay Ryujin?" Mikael asked.

"Si Yuri ay hindi isang gamit na puwedeng kong ibigay at pag agawan naming magkapatid!-Tao rin siya, may karapatan siyang pumili kung sino ang gusto niya, hindi ko siya pagmamayari!" Taejin angrily shouted at Mikael.

Kuya... Mahal niya nga talaga si Yuri.

"Pasensya na sa sinabi ko, hindi ko yun sinasadya... Sorry..." Mikael quickly apologized.

Time's Chosen OneWhere stories live. Discover now