Chapter 3 The Thief

252 37 21
                                    

Chapter 3 The Thief

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, kinuha niya yung note book ko amp**. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi eh.

Sa sobrang gigil ko, hindi ko namalayan na tinatapik na pala ako ni Axel sa balikat.

"Pre, ayos ka lang? Bakit parang gusto mo nang manapak ng tao?" He asked.

"A-ah wala may naisip lang."

Pagkatapos noon, umupo na ako sa upuan ko. Buti na lang napakalma ako ni Axel. Dahil kung hindi, baka nakasapak na ako ngayon.

Tinigan ko ng maigi ang babaeng nagnakaw ng notebook ko...

Malanding mukha, mukhang pokpok, feeling maganda.

Walang hiya, kailangan ko pang maghanap ng paraan para maibalik ang notebook ko. Yung mga lessons ko... Jusko.

Dali dali agad akong nagtanong isa sa mga kaklase ko na lalaki tungkol sa babaeng nagnakaw ng notebook ko.

"Pre, anong pangalan ng babaeng yun? " sabay tinuro ko yung nagnakaw ng notebook ko.

"Ah si Ashley, ba't mo natanong?"

"Ano bang ugali niya?"

"Nako, huwag kang papatol diyan. Malandi yan, magnanakaw pa. Naiinis nga ako kasi kaklase ko nanaman siya. " pairita niyang sabi sakin.

Kaya naman pala... So totoo yung judge ko sa kanya.

"Sige, salamat. "

Pagkatapos noon, bumalik na ako sa upuan ko. Pero naiirita pa rin ako!

Mayamaya, lumapit sa akin si Ashley, at ikinagulat ko yun.

"Hello, anong pangalan mo kuya?"

Amp**! Ang landi ng tono eh.

Hindi ko na siya sinagot at inalis ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Ay, grabe naman kuya haha. "

Nakakainis. Pakilayo nga ang babaeng 'to, please.

"Ahh hayaan mo na yan-" pinutol ni Ashey ang sasabihin sana ni Axel.

"Wag ka nga. Ayaw kitang kausap, hindi naman ikaw kausap ko eh. " mataray niyang sinabi.

"Ayaw rin kitang kausap. " Sabi ko sa kanya.

Nagulat sila Axel at Ashley sa sinabi ko.

"A-ahh g-ganun ba? Sige, alis na ako. "

"Mabuti pa. " I said.

After that, bumalik na siya sa upuan niya. Galit siguro sa inasal ko, so what? Ninakaw mo notebook ko, hayop ka.

"Pre, ang harsh mo dun sa babae. " Axel said.

"Ano ngayon? Ninakaw niya notebook ko. "

"Paano mo naman nalaman? Nakita mo ba?"
Axel Asked.

Oo, kitang kita ko kung paano niya kinuha 'yung notebook ko sa desk ko.

"Oo. Pagkabalik ko galing sa CR, nakita ko siyang kinuha yung notebook ko sa desk ko."

Nagulat si Axel sa sinabi ko.

"Gusto mo bang isumbong natin sa HR Teacher natin?" Axel Asked.

Puwede, pero ano namang ebidensya ko? Paniguradong magaling magsinungaling ayang malandi na yan. But...

May naisip agad akong paraan kung paano ko maibabalik sa akin ang notebook ko.

"Wag na. Babawiin ko na lang notebook ko. " I said.

Time's Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon