Chapter 33: About crime

233 5 0
                                    

Cath's P.O.V

Pinihit ko na ang door knob at nag simula ng maglakad patungong office ko.

Natagpuan ko na ring may isang laalking naka upo doon. Mukhang ayon na ang witness

I put down the papers I was holding and sat down.

"Amm... Hi ako nga po pala si Mr. Alexandro mabini." Nakipag kamay ako sa kanya

"So... Ikaw na ba ang witness sa kasong ito?" Tanong ko



"Opo" isinulat ko ang pangalan nya

"I'm attorney Dela cruz, let start." Sabi ko

"Ilan taon kana?"

"53 po"

"Ok ho?" Sabi ko habang naka tingin sa papel

"Ano ang mga nasaksihan mong kaganapan?"

"Papunta po ako ng gabing 'yon sa taas ng rooftop para mag linis dahil sa utos ng manager namin. Nang di inaasahang nahagip ng mga mata ko ang dalawang taong parang nag-aaway dahil sa lakas ng kanilang boses at may parang umiiyak habang sumisigaw." Pag-uumpisa nya

"Anong ginawa mo?"


"Nag tago po ako sa isang sulok para panoorin kung anong susunod nilang gagawin, Naghihintay lang po 'ko nang tumayo ng tuwid ang isang  babae at humalakhak medyo madilim sa parte po doon kaya di nila ko makita. Nagulat din ako nang sampalin sya nung babaeng naka crossarms. Sa tingin ko po nag kabusitan na silang dalawa kaya nag sabunutan sila at natapilok ang biktima na nahulog naman sa may mataas na building." Paliwanag nya

"Pagkatapos ng nangyari anong sinunod na ginawa ni Ms. Sandoval?"

"Sorry po hindi ko na po alam kung ano pa yung sumunod na nangyari kasi nag panic ako at dali-daling bumaba at nag report sa prisinto." May nginig sa boses nya

Pa'no 'to? Magkaiba silang pahayag at diko alam kung sino sa kanila ang nag sasabi ng totoo.


"Hindi ho kaya medyo malabo na ang mga mata nyo kaya ang akala nyo ho ay itinulak sya..."



"Nako mam, hindi po kasi sa pagkakaalam ko napaka linaw ng mga mata kong 'to kahit gabi na."
Napatango naman ako..

Siguro ung susunod na tatanungin ko ung lalaking pinag-aagawan nila.

Kailangan kong kilalanin ang bawat isa sa kanila, upang sa ganon malaman ko kung sino ang nag sasabi ng totoo.


Kinuha ko ang mga papeles na ibinigay saakin ng mga pulis about sa krimen at about rin sa totoong buhay nila bago mangyari ang krimen na naganap.

Inimbistigahan na nila ang mga ito noong panahong nasa hospital ako.

Tungkol naman kay Katelyn rosales ay bago sya makipag kita kay dianna ay may iniwan syang sulat sa kanyang kwarto patungkol sa buhay nya.

Sa tatlong papel Kinuha ko ang isa at binasa...

~Dianna lorrie Sandoval

Si dianna ay matagal ng nangulila sa kanyang mga magulang noong bata pa sya

Mag mula noong mamatay ang kanyang mga magulang marami ng nagbago.

Hindi sya nag papapasok sa school at hindi sya nakikinig sa nidi-discuss ng guro. Kaya lagi syang na su-suspend kada year.

Marami ring nag rereklamo na magulang dahil sa mga batang binu-bully nya.

Kada araw na lumilipas ay patuloy sya sa kanyang pagbubulakbol.

Rich Guy, Fell inlove with a poor girlWhere stories live. Discover now