Chapter 25: Reunion

258 6 0
                                    


Cath's P.O.V

Ni-text ako ni violet dahil ngayon daw ang reunion naming mga magkakaklase nung senior high school kami.

Ngayong gabi na ang gaganaping open party kaya naghahanda na ako dahil maaga akong susunduin ni Sebastian.

Si sebastian dati rin palang senior high school don sa pinapasukan namin, kaya kasama sya.

























"Tara pasok na tayo?" Pinagbuksan ako ng pinto ni Sebastian.

"Ok?" Rinig ko ang ingay na lumalabas mula sa loob

Hinawakan nya ang isa kong kamay para alalayang maka baba.

"Nasa loob na daw ba sila vio at tria?" Tanong ko

"Oo raw, halos kasunod lang nila tayo." Saad nya habang papasok kami sa loob

"Ok" tipid kong sabi

"Mukang masaya ngayon dito ah!" Malakas na sabi ni seb dahil sobrang lakas ng bandang tumutugtog sa loob

Marami akong nakikitang sumasayaw sa sobrang saya at ang iba naman ay lasing na.

"Oo nga!" Balik ko sa sinabi nya

"Uyy,Cath!!" Mula sa di kalayuan nakita ko si violet at si oli, kumaway din ako

"Uyy, violet asan si tria at si martin!" Tanong ko

"Andoon nagsasayaw medyo lasing narin ang dalawa!" Sagot ni violet

"Ok!" Sabi ko nalang

"Hey, oliver, asan ang isa mong kaibigan?!" Nagtatakang tanong ni seb

"Sino? Sino bang tinutukoy mo? Si Grey ba?!" Tanong ni oli

"Yeah?!"

"Susunod na daw, may inaasikaso lang" tumango-tango lang si seb

"Let's go to our place where we can sit!" Aya ni violet

Sumunod naman kaming tatlo kay violet.

"Bro, ayos pala ang reunion natin dito no?! Ang saya!"

"Right!!" Masayang sigaw ni violet sa sabi ni seb








Uminom kami ng uminom hanggang sa napansin kong medyo mahina rin pala si seb pagdating sa inuman kaya nakatulog na sya.
Pati si martin at tria tulog na, pero kapag naaalimpungatan, umiinom ng alak at humahalakhak na parang baliw. Tss.


"Oh! Ayan na pala si Grey eh!" Turo ni oli sa likod ko

Natigilan nanaman ako sa sinabi nya.

"Grey?! Bakit ngayon kalang?!" Tanong habang sumisigaw ni oli

"Traffic." Cold at maikling sagot nya at umupo sa tabi ko

Napansin ata nya na ako ang katabi nya kaya napa-sulyap syang kaunti saakin at napatingin din kay seb.

Napansin kong kumuha sya ng available na baso at kinuha ang isang wine at binuhos ito sa kanyang baso at ni-straight nya ng inom ito.

"Oh... Grey hinay-hinay lang marami pang alak ang nariyan baka mabaliw ka ng di oras jan at dimo na alam ang ginagawa mo ah..." paalala ni oli

"I know what I do" cold na sabi nya

"Tara violet diba hindi kapa lasing nyan?!" Sigaw nya sa katabi nyang totomba-tomba na

"Oo naman!! Ako paba!!" Sigaw nya at nauna na sa sayawan at sumayaw na para bang baliw,

"Kayong dalawa!" Turo nya samin ni grey. "Jan lang kayo sasayaw lang kami ha?!" Tumango naman ako at mula sa gilid ng mga mata ko napansin kong naka titig si grey sakin.

Napaka awkward naman nito nang iwan kaming dalawa ni grey na magkatabi at magkasama.

"Cath? Sya ba?" Natigilan ng magtanong sya

Anong ibig nyang sabihin?

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko

"I said if he is the cause of everything? Sya 'yon kaya mo ako hiniwalayan? Sya ba?" Tanong nya ulit

"G-grey... Hind—" natihilan ako nang tumayo sya at hatakin ako palayo sa mga taong nagkakasiyahan at maingay









Naramdaman ko nalang kung nasaan kami ngayon. Nasa likod kami ng isang malaking bar.

"Ngayon mo sabihin.... Is he the reason? Ang lalaking lagi mo bang kasama kung bakit ayaw mo na?" Mariin na tanong nya

"Grey.... A-ano h—"

"SUMAGOT KA NG TOTOO!!"

"Oo grey! Sya ang dahilan ng lahat kaya kita napilitang ipagtabuyan!! Ayoko na sayo kaya ko nagawa 'yon!! Hindi kona kaya!!" Ngayon lang nag sink-in sakin ang lahat. Nagulat ako sa lahat ng sinabi ko

Nakita ko ang gulat mula sa kanyang mga mata. At pagkamuhi na nagsisimula ng mabuo.

"B-bakit? Bakit mo nagawa sakin to?" Naluluhang sabi nya

"G-grey nabigl—"

"BAKIT?!!" sigaw nya, mabilis na nag-uunahang tumulo ang luha ko sa gulat.

"Dahil ba sumuko kana sakin kaya naghanap kanalang ng iba?" He muttered

"Hindi sa ganon grey"pilit kong sabi

"Pero ano nga ang fucking reason na dahilan mo?!" Sigaw nya

Dumaan ang ilang segundo bago sya muling mag salita.

"Lahat ng problema dapat pag-usapan, hindi yung mag de-decision nalang kaagad ng hiwalayan." He muttered again.

"Hindi ko lang lubos na maiisip kung bakit mo to nagagawa sakin ngayon. Sometimes, i think. baka sadyang pinaglalaruan mo lang talaga ko, kaya mo to nagagawa"

"No grey, i'm serious.."

"Siguro sumuko kana talaga dahil hindi ka naging matatag sanpagsasama natin. Kung mahal mo talaga ko hindi mo gagawin sakin ang ganito! Mahal mo na ba sya? Kailan pa? Kaulan pa kayo nagsimulang magsama? Ha?! Kaya moko iniwan dahil sawa at sumuko kana!    Dahil guilty ka!"

"Hindi lahat ng sumusuko ay sawa na at guilty, may mga bagay at tao lang talaga na dapat sukuan para di ka masaktan! At oo grey sa sandaling panahon na nakilala ko sya.... Minahal ko" ang hirap... Sa sandaling sinabi ko ang kasinungalingang yon,nasabi ko nalamg sa isip ko na 'ang bobo bobo ko' dahil ang mga salitang yon ay ang lumabas sa aking bibig.

"Minahal mo din bako? Thlad ng ibinibigay mong pagmamahal sa kanya?" Oo grey oo pero sa ngayon kailangan ko munang mag sinungaling sa'yo..

"Oo...." Lumiwanag ang mukha nya. "But, dati yon ngayon hindi na." Tumulo ang mga luha nya




Lumipas ang ilang minuto bago ulit sya mag salita.

"Balang araw maaalala mo ako. At sa panahong 'yon nakalimutan na kita" para kong naistatwa sa sinabi nya. Umalis sya ng walang paalam at parang masama ang loob.

Wag grey... Wag mong gawin to... H-hindi ko kayang mawalay sa tabi mo lalo na't hindi Mo naiintindihan ang lahat....

Marga's P.O.V

NAPANGISI  ako nang makitang nag sisigawan ang dalawa dito sa likod ng isang malaking bar at nag tatalo.

Look at what is happening. Tss. HAHAHA tama ako ng plinano dapat ko nga silang ipag hiwalayin.

Tignan mo cath... Kung ano pa ang susunod kong gagawin.

Napatawa nanaman ako ng wala sa oras nang makitang nag walkout si grey sa harap ng bitch na si cath.

Umupo sya at dumukdok sa kanyang tuhod.



Wala na kong makikitang palabas dito kaya napag-isipan ko ng umalis.


Eto na ang sinabi kong paghihiganti cath.... Noong senior high school tayo at nagka physical training tayo bago ng PROM.

alam kong hindi ako nakasama noon dahil sa inyong dalawa! Busit! Kaya makikita nyo!! HAHAHA.

***

Rich Guy, Fell inlove with a poor girlWhere stories live. Discover now