Chapter 13: JS PROM

466 12 1
                                    


Cath's Point of view

NAGISING ako nang may kumakalabog ng katok sa pinto ng kwarto ko.

"Ano bayan.... Inaantok pa ko...." Matamlay kong sabi at tumayo, tiningnan ko muna ang oras kung anong time na, at pumatungo ako sa pinto.

"Cath!!" Sabi ni Violet ng buksan ko ang pinto

"Ano ba... Bat ang aga nyo?" Inaantok na sabi ko

"Ano kaba!! Hindi mo ba alam na-" natigilan si celestria nang muli akong nagsalita

"Ano ba wag nga kayong maingay aga-aga pa ihh.." sabi ko habang pakamot kamot sa ulo

"Ni-try mo na bang mag suklay?" Tanong naman ni yana, "ang gulo kasi ng buhok mo" sabi niya pa na naka cross arms at naka taas ang isang kilay

Nung problema nito?

"Tss, di kaba na-inform?" Galak na sabi ni violet.

"San naman?" Sabi ko at nag lakad papunta sa kama para mag suklay

"Tss, tanga neto... Malamang JS natin ngayun!!" Sigaw ni yana

"A-ANO?!" Gulat kong pagkasabi, at napadalikwas ng bangon sa kama para mag palit na sa closet ng damit.

"Teka bat ang aga naman yata?" Tanong ko ulit

"E, kasi po, kailangan na nating mag-ayos at maghanda ngayun pa lang dahil susunduin tayo ng ka-partner natin! At dito narin pala kami mag bibihis at mag me-make up sinabi ko narin sa Partner natin na dito tayo sunduin" paliwanag ni violet

"T-teka?! Bakit kayo dito m-mag papalit?" Tanong ko

"Ayaw mo ata eh, tara alis na tayo" biro ni celestria

"Ikaw naman, agad aalis?" Nakangiting sabi ko

Inihanda na namin ang mga kailangan naming suutin at naligo na.

.

NANG matapos na kaming lahat na naligo, sinimulan na namin ang pag memake-up si violet ang nag make up sa dalawa, ako naman ang nag make up sa sarili ko.

Konting foundation lang sa may muka ko at konting blush on, nag lagay narin ako ng eye shadow and eyebrow at ang panghuli nag lagay ako ng manipis na lipstick. Sinuot ko ang mahaba kong hikaw at sinuot ko na rin ang bigay ni grey na kwintas, manipis na bracelet silver sya na bigay ng tatay ko ng nag birthday ako. At konting nag kulot sa may laylayan ng buhok ko. Sinunod ko na ding isuot ang gown ko.

"Wow... Cathyrine Inna dela cruz, ikaw ba yan?!" Sigaw ni violet

"Ang ganda mo!!" Sabi rin ni celestria

"Tss, mas maganda pa ko jan e..." Ako lang ba yung nakarinig ng sinabi ni yana o sila rin? Ay bahala na nga

"Ah... Hehe alam nyo namang mas maganda kayo sakin diba?" Nahihiyang pahiwatig ko

"Anak may nag hihintay na sa inyo sa labas" katok na sabi ni inay

"Opo inay bababa napo" sigaw ko at nag madali na kaming bumaba

Nauna ng bumaba silang tatlo at ako ang nahuli

.
.

Grey's P.O.V

"Nasan si cath?" Nakakunot na tanong ko

"Ah grey pababa na" violet's said

"O, ayan na pala ih" saad ni blue

"Wow...." Narinig kong sabi ni oli at napa tayo, humarap naman ako sa tinitignan nila

I was shocked when i saw cath walking down the stairs. And napatayo nalang ako sa ganda nya ngayon. She's gorgeous!

Rich Guy, Fell inlove with a poor girlWhere stories live. Discover now