Chapter 24: It's hard to let go

261 4 0
                                    


Cath's P.O.V

HINDI ko alam kung bakit naging iba si grey. Iba na ang grey nung umpisa palang ay hindi ganon umasta. Mas lalong naging mahirap ng pakisamahan ngayon.

Hirap akong tingnan lang sya kung pa'no sya makitungo sa mga ka-trabaho nya.

Gusto ko syang yakapin, pero pa'no? Baka di sya makapag pigil sa'kin nya ibuntong lahat ng galit na meron sya.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para mag lunch kasama si seb. Nag txt sya nasa baba na daw sya.

Simula noong nangyari ng nakaraang linggo hindi kona naramdaman ang presensya ni grey, kahit na sa police station na sa tuwing bumibisita ko. Laging sinasabi ng kasamahan nya na may kasama syang mga ibang lalaki at babae.

Hindi ko lubusang maisip na sa ganong paraan nya pa ako makukuhang iwasan.

Buti nalang sa buong linggo na hindi sya kasama o hindi man lang nya makuhang magparamdam. Andito parin si seb. Lagi kaming pumapasyal sa oras na day off ko.

Nang maka baba nako nakita ko si Seb na nag-aantay at nakasandal sa may kotse.

"Oh... Kanina ka pa ba jan? Parang kate-text mo lang ah." Nakangiting sabi ko

"Handa naman akong maghintay eh, dumating ka lang." Nakangiting

"Ehh? Manahimik ka nga! Tara na." Asik ko sabay tawa

"Pagbuksan na kita" ngiting sabi nya

"Pansin ko lang...." Sinuri ko ang mga mata nyang nagtatanong "Parang mas gumu-gwapo ka sa paningin ko haha." Biro ko

"Talaga?" Seryosong tingin nya, "ngayon mo lang napansin?" He smirking

"Seb tara na!" Nasira ang pag papantasya nya nang makitang nasa loob nako at naka upo sa passenger seat.

Na mi-miss ko yung mga panahong kasama ko pa si grey. Yung mga ngiti sa mukha nya, Yung pagiging gentleman nya na kahit ngayon di nya parin ako pinagsawaan.

Umiiling-iling ako ano ba 'tong iniisip ko? Ba't parang ako yung hiniwalayan? Ako 'tong hindi maka move on? Halos isang linggo na rin naman 'yon.

"Anong iniisip mo? Ba't parang di ka mapakali?" Nagtatakang tanong ni seb

"A-ah... Wala lang to seb." Sabay pilit na ngiti

"Anong wala? Eh, Kitang-kita naman sa mga mata mo na hindi ka ok."

"Alam ko na..... Minsan kahit ilang beses pang sabihin ng utak mo na 'TAMA NA' Pilit parin sinasabi ng puso mong 'Konting tiis pa'." Bumuntong hininga sya

"Sa dami-dami ng may love life sa mundo, wag kang mag-alala, May isang nag hihintay sa'yo, Just for you" mahinang advice nya

Hindi ko naman kasi inisip na ganon at ganto pala ang kahihinatnan ng lahat. Na kahit ano pang pilit kong limot.... Wala parin na animoy ayaw mag bawas ng utak mo ng mga iniisip. Wala na... Nagsarado na ang pinto para pakawalan sya sa utak ko....

Kahit papaano nag sink in sakin ang mga sinabi ni seb kanina. Kaylangan ko lang talagang maghintay. Maghintay sa tamang oras at panahon.

GREY' P.O.V

"Bro, tinatanong ka ng babae. Kung ano daw ba ang bibilin mo." Narinig kong sabi ni oli

"Fuck naman bro. Kung kinakausap ako ng kung sino man dapat ikaw nalang ang kumausap!" I exclaimed

Simula noong hiniwalayan nya 'ko nag-iba na ang pakikitungo ko sa ibang mga babae. It was as if I had lost my appetite for them.

Pero sa isang babae lang lahat umiikot ang mundo ko. I don't know kung bakit.
Dahil Naiinggit ako sa mga taong halos araw-araw nakakasama sya, Samantalang ako Naghihintay nalang kung kailan ulit tao Magkikita.

I couldn't help but think that she wouldn't lose my mind.

Minsan may mga taong iniiwasan mong pansinin, pero ang puso mo gustong-gusto syang kamustahin.

Yung madali namang iwasan yung taong gusto mo... Mahirap lang talaga iwasan yung nararamdaman mo.

But I really can't. I can't forget her.

I just felt like I was sitting in the restaurant we ordered.

"Bro, hindi mo ba gagalawin yang pagkain mo? Pwedeng akin nala— Cath!" Nagulat ako sa sinigaw nya. Ba't andisito si Cath?

Hindi ako lumingon sa likod, Pinakalma ko ang sarili ko.

Cath's P.O.V

NAGULAT ako nang may tumawag sakin pag pasok ko sa resto.

Si Oli at kasama nya si grey na nakatalikod.

Tumayo at tumakbo si oli samin ni seb

"Hey, cath, mag-isa ka lang ba?" Tanong nya

"Hindi may kasama ko." Pilit kong ngiti sa kanya at tumingin sa gawi ni grey na nakatalikod parin

"Yeah, and ako 'yon. Teka... Artista ka diba?" Galak na tanong ni seb "i'm Sebastian lavender" nakikipag kamay sya

"Yow! I'm Oliver rivera" nagkamayan sila
"Tara maupo kayo sa inuupuan namin ni grey" nagulat ako sa sinabi nya

"Nako wag n—" natigilan ako nang sumingit si Seb

"Osige Sang-ayon ako jan, gusto pa kasi kitang makilala" at humalakhak sya

Umupo ako sa may dalawang space na upuan kalayo kay grey.

"Cath, ako jan dun kanalang" turo nya sa tabi nyang upoan.

Uupo na sana ko nang magsalita naman si seb.

"Cath, pwedeng ako nalang jan? Gusto kasing makipag kwentuhan kay Mr. Rivera" wala pa man akong sinasabi nang umupo na sya

Wala nakong choice kaya uupo nako sa tabi ni grey. Nang titingin nako sa kanya doon ko lang napansin na nakatingin sin pala sya. Nang tignan ko sya bigla nya kong iniwasan ng tingin.

The awkwardness prevails between the two of us and grey. Habang ang dalawa masyang nagtatawanan at nag ku-kwentuhan.

Gusto ko syang kamustahin kung ano ang nagiging araw nya nang wala ko pero hindi ko kaya.

Hindi ko lang naisip na sa isang restaurant ko pa sya makikita....

"Cath, ba't ang tahimik mo yata?gutom kaba?" Bulong ni seb

"Ahm... Hindi ok lang ako." Pilit na ngiti ko

"Hindi... Gutom ka haha, sige na ano bang gusto mo? Ako na ang oorder sayo."

"Ah, ok kahit ano nalang." Nagulat ako nang may kumalampag sa tabi ko at pagtingin ko wala ng grey ang naka upo

"Problema nun?" Natatawang tanong ni oli.

° ° °

"Salamat sa paghatid" nakangiting sabi ko

"Wala 'yon basta ikaw." Ngiting sabi nya habang naka lean sa kotse at naka pamulsa.

Papasok na sana ko nang muli syang magsalita.

"Cath.."

"Hmm?"

"Salamat, dahil kapag inaaya kitang samahan ako sumasama ka"

"Ou naman. Ikaw din... Nagpapasalamat ako sa mga ibinibigay mong advice sakin. Hindi ka parin nagsawa kahit na ilang beses pakong umiyak" ngiting salita ko

Dahan-dahan syang lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Basta... Sabihin mo lang sakin kapag kailangan moko... Hindi kita tatalikuran kahit na anong oras basta sabihin mo lang. Para sayo hindi ako magiging busy." He kissed me on the forehead.

Natigilan ako sa ginawa nya...

Parang may kakaiba sa kanya?

Ayt... Nevermind...

***



Rich Guy, Fell inlove with a poor girlWhere stories live. Discover now