Chapter 22: Break up

330 5 1
                                    




Break-up:



Cath's P.O.V





Anong sasabihin ko kay grey? Siguradong masasaktan sya, hindi lang sya ung masasaktan, ako rin.




Pero ang mahalaga mailigtas ko ang buhay ng kaibigan ko sa kapahamakan. Humanda lang talaga sya sa'kin kapag may kahit anong galos man ang kaibigan ko na nag mula sa kanya.




Hindi ko sya kayang patwarin kapag ginawa nya yon, pero para din sa ikabubuti ng lahat, at para wala ng masaktan.... Mabuti pang lumayo nalang talaga ko kay grey kahit na masakit.




Alam kong masakit ito para sa'ting dalawa grey... But... Para rin naman 'to sa kapakanan ni violet.



Paalam sa mga masasayang araw na magkasama tayong dalawa.... Grey..






MULA sa labas ng bahay ko nakita ko ang anino ng taong dapat hindi ko saktan ng dapat hindi ako maniwala sa sinasabi ng iba para lang hiwalayan ko sya. Mahal ko pero sinaktan ko.




Malapit nako sa kanya..



Ano ng sasabihin ko? Pano ko ba to sisimulan? Hindi kaya?.... Ako ang unang masaktan? Hindi kaya... Hindi sya maniwala at patuloy parin syang lumalapit saakin kahit na di alam ang magiging tunay na kalagayan ng ibang tao kung patuloy parin syang nandyan sa tabi ko?



Tumigil ako sa harapan nya. Kitang-kita ko ang naka kunot nyang noo na para bang nag tatanong kung ano bang problema ko?


"Bat ngayon ka lang?" Nag-aalalang tanong nya


Halos hindi ko na namalayan pala kanina na nag stay lang ako sa plaza hanggang mag mid night na.


"May problema ba?" Tanong nya ulit



"Bakit yata ang tahimik mo ngayon, may sakit kaba o ano bang masakit sayo?"


Yan ba? Yan ba ang taong iiwan ko? Yung tipo ng taong sasaktan o hihiwalayan ko ng ganon ganon lang?



"T-teka? Lasing k-kaba? Bat parang amoy alak ka?You're drunk.. tara pumasok nalang tayo at mag pahinga kana" pilit nya kong hinihila papasok ngunit hindi parin ako gumagalaw



"G-grey?" Napatingin at napahinto naman sya sa pagpapasok sakin ng magsalita ako



"Hmm?" Ang maamo nyang muka.... Ang nagbibigay kahinaan sa'kin kung bakit patuloy ko parin syang minamahal.



"A-ayoko na... S-sawa na ko..." Napakabigat sa dibidib lahat ng 'to. Inaamin kong hindi pala ganon kadali ang lahat...
Sa pag sasama namin ng pitong taon sa tingin nyo ba magagawa ko syang iwan na sa tingin nya'y walang dahilan?




"Tsk.. a-ano bang sinasabi mo? Lasing kalang pero alam kong hindi mo gusto lahat ng sinasabi mo.." malamig ang ngiti nya



Oo alam kong lasing ako pero... Alam ko lahat ng ginagawa ko grey...



"Pakiusap... Hindi ko na talaga kaya grey... Ayokong saktan kita pero..."



"Pero bakit? Dahil lang ba sa pagod kana kaya mokong ipagtakwilan ng ganon ganon nalang?" Naiiyak na sabi nya



Alam kong isa rin ako sa mga kahinaan nya pero... Sapat na sakin na makita syang masaya sa iba.
Kahit na ang sarili ko'y nasasaktan na.



Rich Guy, Fell inlove with a poor girlWhere stories live. Discover now