Chapter 21: Reversed the incident

317 11 0
                                    


Third person's P.O.V

Umaga ngayon at eto na ang  hinihintay ng nabiktimang babae kung saan tinatawag na araw ng Paglilitis.

Kasalukuyang nag aayos si Cath ng mga gamit para sa kasong tatapusin mamaya.

Dinala nya lahat ng mga kakailanganin nyang kagamitan para magpatunay sya sa kasong kanyang ginagalawan.

Nang matapos na sya sa kanyang ginagawa nagsimula na syang umalis papunta sa korte.













MULA sa kulungan Kinuha ni grey ang suspect para dalhin sa korte.

"Siguraduhin mo lang na magsasabi ka ng katotohanan..." Cold na sabi ni Grey

Mula sa pagkaka posas, Kitang-kita sa mata ng lalaki na galit sya at parang may sinasabi ang kanyang mga titig.

Sinakay na ni grey ang lalaki sa kotse at nagsimula na silang umalis.

***

TAHIMIK sa korte at hinihintay nalang ang judges na dumating para makapag simula na

Habang nag hihintay si cath napatingin naman siya sa gawi nila marga at nakita nyang may halong galit sa mga mata nito.

Napaisip naman si Cath kung bakit ganito nalang ito kung makatitig sa kanya... Siguro dahil lang yon nung nangyari ng isang linggo nung gabi... Kaya ganon nalang sya kung makatitig sa'kin.

Napatingin ang lahat sa judge na paparating at tumayo ang lahat kasabay ng pag bow nila. Nang makitang umupo na ang judge nangag si upuan lahat ng mga taong kasangkot sa pangyayari, Pati narin ang mga lawyer.

"Simulan na natin ang akosasyon!" Malakas na sambit ng judge

Tumingin ang judge sa nasasakdal at may mga taong lalaki ang nag ngalang patayuin siya.

Binigyan sya ng isang book para ito ang kanyang basahin.

"Nangagako kaba na ang lahat ng impormasyong ibibigay mo sa harapan ng husgado ay pawang katotohanan lamang? Basahin mo ang nakasulat jan at mangako ka ng naka taas ang iyong kanang kamay" saad ng judge

"Ako po si Jason Calublob na n-nangangakong magsasabi ng k-katotohanan at pawang katotohanan lamang lahat mula sa harapan ng h-husgado at walang halong k-kasinungalingan ang aking ipahahayag..." Utal na saad ng nasasakdal

Tumayo si Cath at lumapit sa nasasakdal para mag bigay ng mga nakuhang impormasyon tungkol sa biktima. At tanungin ito sa nasasakdal.

"Totoo ba na ginahasa mo ang biktima?!" Unang tanong nya

"H-hindi po.."

"Ayon dito pinilit mo daw syang gawin ang gusto mo totoo ba?!"

"Hindi p-po.."

"Saad ng biktima pati ang kanyang ama ay dinamay mo sa pangyayari at nagawa mo pa itong patayin? Hindi ka ba naaawa dahil sa nagawa mo?"

"H-hindi ko naman po s-sinasadya." Mula sa pagkakayuko ng nasasakdal tumingala ito patungo sa mga mata

Napatingin si Cath kay marga dahilan upang sya naman ang lumapit sa nasasakdal at magsimula ng mag salita.

"Ayon sa nasasakdal hindi nya ito pinilit na gawin ang gusto nya, Ang babae mismo ang nag pumilit upang magawa ang kanyang hinihiling na pagtatalik ngunit hindi nya ito ginusto tama ba Mr. Calublob?"

Rich Guy, Fell inlove with a poor girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon