Chapter 36

38 2 1
                                    

Acielle Zein Madrigal Point of View

"Nandiyan na si Sir Obonios" sigaw ni Kallix, yung clown dito samin.

Umayos na ako ng upo at pinagmasdan muna ang buong room namin. Grr! Pero wala akong makitang Vanessa, buti nga wala yun. Tsk! Naiinis ako sa pagmumukha niya.

Nang makarating na si Sir Obonios ay siya ring dumating si Vanessa na pawis na pawis. Kumunot ang noo ko, diretso lang siyang naglakad papunta sa katabing upuan ni Stella.

"Anyare dun bakit pawis na pawis?" rinig kung bulong ni Charity

Napatingin naman ako kay Sir Obonios na nagpupunas ng pawis sa noo at leeg niya. Napatanga ako. May nangyari ba sa kanila? Oh my god Acielle! Ano bang nangyayari sa utak mo.

Hindi naman namin maipagkakaila na medyo binata pa itong si Sir Obonios mga 26 years old palang naman siya pero ang pag kakaalam ko may girlfriend na siya. Pero shit! Kung ginawa man nila yun ibig sabihin nagtaksil si Sir sa girlfriend niya-

"Good morning class, kung napapansin niyong pawis na pawis ako tumakbo kasi ako papunta dito kase late na ako nagising hindi kasi ako ginising ng maganda kung girlfriend at wag kayong mag isip ng kung ano ano. Si Miss Philipz naman ay kasabay ko ding tumakbo. Wag na kayong mag isip ng kung ano anong malalaswa. Understood. Okay let's start our discussion" sabi ni Sir

Napatango nalang ako. Geez! Kakahiya ka self

**

"Tara sa cafeteria" yaya samin ni Xienna. Pagkatapos nang class namin kay Sir Obonios

"Gege" si Charity ang sumagot

"May kukunin lang ako sa locker ko mauna na kayo" sabi naman ni Zewinne

Hindi ko muna sila pinansin at inayos na ang mga gamit ko.

"Doon ako kina Bryan sasama. Bye mga sis" ani Ethan at naunang lumabas ng room

"Bading na yun" rinig kung bulong ni Charity

Napailing iling nalang ako at sinukbit na sa balikat ko ang bag ko. Dumako ang tingin ko kay Zaustin na ngayon ay nakatutok sa cellphone niya

Bahagyang kumunot ang noo ko? May kachat ba siya?

Iniwasan ko nalang ang mag isip at bumaling kina Xienna na nasa tapat na ng pinto ng room namin " Tara na" sabi ko at iniwan si Zaustin dun-

"Wait" agad akong napalingon kay Zaustin dahil hinawakan niya ang bewang ko

"Mauna na kami hihi. Doon din sa pinakadulong table kami uupo" sabi ni Xienna at hinawakan ang kamay ni Charity at tumakbo palayo

Tatawagin ko sana sila ng may tumawag ng pangalan naming dalawa ni Zaustin

"Acielle, Zaustin"

Agad akong napalingon kay Vanessa na ngayon ay nasa likuran pala namin. Bahagya akong napaatras at pumunta sa likod ni Zaustin. Hindi sa natatakot ako sa kaniya, kundi dahil ayoko siyang makatabi or whatever

Narinig kong napabuntong hininga siya. "Im sorry sa ginawa ko sayo ng isang araw. I was just really hate you-"

Napangiwi ako. Totoo ba ang sinabi niya? Gusto kung tumawa ng malakas dahil sa pinagsasabi niya. Pero hindi naman ako ganun kasama para hindi tanggapin ang sorry niya eh. Napipitan o plastic man ito, well I don't care.

"It's okay. You don't have to say sorry to me. It's just fucking nothing" sabi ko sabay ngisi sa kaniya

Nakita kong ngumiti din siya. "Alright then" aniya

Hindi ko na siya pinansin at hinawakan nalang ang kamay ni Zaustin at tumalikod na sa kaniya at nagsimulang maglakad. Hindi naman siya tumawag o ano.

I Love You (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin