Chapter 24

34 2 1
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

Hindi ko alam kong pano kami ulit naka balik sa mansion namin kasama si Zaustin. Nandito kami nina mommy, daddy, tito jarold, tita zelise, ate zelestaire, kuya zachary, kuya ariel, kuya ace, zaustin ako at charity.

Nakaupo kaming lahat sa isang long table. Busy sina mommy at daddy sa paguusap at kami naman nina nakikinig lang

Napatingin naman ako kay Zaustin na ngayon ay nakapikit ang dalawa niyang mata at nakayuko. Ang kaliwa niyang kamay ay naka sandal sa inuupuan ko.

Napangiti ako. Mukhang pagod na siya, napatingin naman ako sa cellphone ko na nasa hita ko. It's already 12: 58 p.m mag aalauna na. Humikab din ako at sumandal kay Zaustin.

Napalingon ulit ako sa kanya na nakapikit pa din, nakangisi kong isinandal ang ulo niya sa balikat ko at umayos ng upo para maging komportable pa lalo siya.

Umiwas ako ng tingin at dumako iyon sa gawi nina Charity nakatabi niya si Kuya Ace, si charity ay nakapikit na din habang si kuya ay mukhang lasing na pero nagpapanggap lang na hindi. Nakita kong napalingon siya sa gawi ni Charity at ngumisi. Sana all. Umusog siya para makalapit pa lalo at isinandal ang ulo ni charity sa kabilang balikat ni kuya. Sana maging sila noh.

"Acielle! Anong ginawa mo kanina sa anak ni Timothy" agad akong napalingon kay daddy ng bigla siyang magsalita

Tito Timothy

Kumunot ang noo ko. "Who's Tito Timothy dad?" takang tanong ko

Napailing iling nalang siya. "Daddy ni Thunder. Ang sabi sakin niya sakin sinigawan mo daw siya at sabay kayong nag walk out ni Zaustin" aniya

Tumango nalang ako. "Nakakainis kasi siya daddy eh-"

"Kahit na anak! He's our visitor, we should respect her" aniya

Umirap ako sa kawalan. "Basta daddy naiinis ako sa kanya, kung makaasta ay parang kilalang kilala niya na ako pati si Zaustin-"

"And by the way. Anong meron sa inyo ni Zaustin?" nakangising tanong sakin ni mommy

Napatigil ako at nagbikit balikat. Oo nga! Kanina ko pa pinapakilala sa iba na boyfriend ko itong si Zaustin pero hindi naman pala totoo. Eh! Basta he's mine tonight!

"Im already courting her tita"

Agad akong napalingon kay Zaustin dahil sa bigla niyang pag sabi nun, ang bilis talaga ng isang toh

Narinig ko ang tawa nila kaya napalingon ulit ako sa kanila. "Finally! Nagkagustuhan din kayo ahihi" sabi ni Tita Zelise

"Take care of our princess, Zaustin" seryosong sabi ni Kuya Ace na ngayon ay nakakbay parin kay Charity. Kanina si Cindy ang kasama niya. Psh!

"Hindi ko pa nga siya sinasagot kuya eh" sabat ko

"It's still the same. Psh! Doon din yun papunta Aceille" sabat ulit ni Kuya Ariel

Napangiti naman ako. Yey! "Congrats lil brother, nakuha mo na din ang long decade crush mo haha" sabi ni Ate Zelestaire

It feel my heart so warmed, ang sarap sa pakiramdam na hindi talaga sila tutol sa magiging relasyon namin ni Zaustin. Sobrang saya! I can't imagine, na for the first time papasok na ako sa isang relasyon. At sa sobrang tagal ko pang crush huh! Hihi!

"Mommy! Ihahatid ko lang si Charity sa kwarto ko tulog na eh!" nanlaki ang mga mata ko, sa kwarto ni Kuya Ace? Really?!

"Ace! Sa kwarto siya matutulog ni Acielle. Are you silly? A girl sleeping in your room" sabi ni mommy

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now