Chapter 25

36 2 2
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

"Baby! Baby?! Wake up"

Unti unti akong nagising dahil narinig ko ang boses ni Zaustin. Agad kong minulat ang mga mata ko kahit antok na antok pa ako. Nakaharap na siya sakin at nakangisi. Jusko! Kahit bagong gising ay ang gwapo parin ni Zaustin. Eh ako kaya?! Shit! Nakakahiya siguro ang itsura ko ngayon.

Bumangon na muna ako at humikab. Pinagmasdan ko ang paligid- shit! May pasok pa pala kami. Oh my god!

"Anong oras na?" tanong ko

"It's already 12:45 in the morning. Napahaba ang tulog mo!" sagot ni Zaustin

"May pasok tayo, shit!" sabi ko

"Hayaan mo na, ngayong araw lang naman eh." aniya

Napailing iling nalang ako at tumayo. Humarap muna ako kay Zaustin na ngayon ay mukhang bagong ligo na. "Kanina ka pa gising?" tanong ko

Tumango siya "Katatapos ko lang maligo. Uhm- around 11:00 a.m ako nagising at mukhang tulog pa sina Tita. Wala akong narinig na ingay kanina eh" aniya

Humikab ulit ko. "Inaantok pa ako. Tsaka late na naman tayo pag pumasok pa tayo" sabi ko

"Yep!" aniya

"Maliligo muna ako" sabi ko sabay naglakad papunta sa closet ko at kumuha ng isang white oversized t shirt at gray shorts.

"Sa may veranda lang muna ako" aniya at tumayo

Ngumuso ako 'Wala bang good morning kiss?' Nakakahiya ka Acielle. Eh! Hindi ka pa nga nagtotoothbrush

Ngumisi nalang ako at pumasok na sa C.R.

**

"Zaustin!" tawag ko pagkatapos kong maligo

"Im here" sigaw niya

Agad naman akong napatingin sa may veranda. Nakatayo na si Zaustin sa gilid ng malaking pinto nito

Ngumisi ako. "Tara sa baba" yaya ko

Tumango naman siya at naglakad papunta sa may pintuan ng kwarto ko. Ako naman ay sinuot muna ang tsinelas at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko

"Gising na kaya sila?" tanong ko

"Maybe" ani Zaustin

Nang makarinig kami ng tawanan sa baba ay doon ko napirmi na gising na nga sila. Sabay kaming naglakad pababa ni Zaustin, napatingin naman silang lahat samin.

Doon ko nakita sina daddy, mommy, Tita Zelise, Tito Jarold, Ate Zelestaire, Kuya Zachary, Kuya Ariel, Kuya Ace at Charity na masayang nagkwewentuhan. Kahit na ang lalaki ng eyebag nila

Ngumiti ako sa kanila. "Good morning everyone" bati ko sa kanila sabay halik sa pisngi nila isa isa

Umupo na ako sa isang bakanteng upuan, katabi si charity, agad naman akong napalingon sa katabi ko na kakaupo lang.

"Let's pray" pangunguna ni Daddy

Nagsimula na kaming magdasal.

**

"Let's eat everyone" masayang sabi ni mommy

Napangiti naman ako at uminom na muna ng gatas-

"Bakit sa kwarto ako ni Ace natulog kagabi, alam mo namang nagtatampo ako don" agad akong napalingon kay Charity na ngayon ay may ibinulong sakin. Pinagmasdan ko ang suot niya ngayon

Napangiti ako dahil iyong black t shirt ni kuya ang suot niya at yung short ko na pinahiram ko sa kanya. "Ewan ko kay kuya" sabi ko sabay lapag ng gatas ko

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now