Chapter 9

52 3 2
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

M

aaga akong nagising dahil gusto ko!

Hahaha charott!!!

Ginanahan na akong bumangon ngayun eh. Masyadong mahaba kase ang tulog ko..

Bumangon na ako at pumasok ng C.R upang maligo.

*FEW MINUTES LATER*

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako.

Pinatuyo ko muna ang buhok ko at nagsuot ng uniform ko.

Inayos ko na din ang mga gamit ko at binunot ang cellphone ko na naka charge.

Pagkatapos kong ayusin lahat ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Time check it's already 7:40 a.m na. Hehe konti nalang pala oras na para bumangon.

Nadatnan ko ang buo kong pamilya na-

"Ano, magpapakalasing pa kayo!! Gusto niyo bang ma grounded!" narinig kong sigaw ni mommy.

Dali dali akong bumaba ng hagdan..

Gusto kong matawa sa itsura nina Kuya Ariel at Kuya Ace, na mga sabog. Si daddy naman ay umiinom ng kape si mommy namin ay hindi maipinta ang mukha. Galit na galit eh!

Yan! Inom pa!!!

Malaki ang ngisi kong bumaba sa hagdan at bumati sa kanila "Good morning everyone" bati ko sabay halik sa pisngi nina mommy at daddy.

Hindi ako humalik kina kuya. Amoy alak pa siguro eh!!

Umupo nalang ako sa tabi ni mommy..

"We're's  my good morning kiss" ani kuya ace sabay nguso.

"Me too!" ani kuya ariel

Inirapan ko sila "Ayoko sa inyo! Amoy alak pa kayo eh!" ani ko sabay inom ng gatas ko.

"Let's eat" anunsiyo ni Daddy

Nagsimula na kaming magdasal at pagkatapos ay kumain na..

Habang kumakain kami ay panay ang sermon ni mommy kina kuya na umiinom pa para ma- grounded na lalo sila..

"And you Acielle, let me see your hands. Kanina ko pa nakita yang puting benda mo ha!" ani mommy

Napatigil ako sa pagsubo at makailang ulit na napalunok. Binitawan ko muna ang kutsara at nilahad sa kanila ang mga kamay ko.

"Oh my god! What happen to your hand?!" tanong ni Mommy

Dali dali ko itong tinago sa ilalim ng lamesa.

Paktay na this!!!

"Acielle" ani mommy

Napabuntong hininga ako bago nagsalita "Uhm- nanuntok po ako-"

Nakita ko ang panlalaki ng mata nina mommy "What?!!" mahinang pasigaw niya

Ngumuso ako "Eh kase naman mommy binubogbog nila si Zaustin eh! Nagalit po kase ako" ani ko

I Love You (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ